Ikalabing-lima

6.1K 185 46
                                    


Trixie

Text message from Nikolai:
8:00 AM

Good morning Trix. How's your day?

Text message from Nikolai:
8:45 AM

Trixie? You awake?

Text message from Nikolai:
9:15 AM

Did you have your breakfast?

Text message from Nikolai:
9:30 AM

What time was your check-up?

Text message from Nikolai:
9:45 AM

Wake up Sleepy-head. Answer my call.

Text message from Nikolai:
10:00 AM

Come on Trix. Why aren't you texting back?

Text message from Nikolai:
10:05 AM

Trixie.. Everything okay there?

Text message from Nikolai:
10:06 AM

I'm coming over. Damn it. Where the hell are you!?

Text message from Trixie:
10:07 AM

Help!

Nilakasan ko lalo ang tunog ng speakers saka nagpakawala ng pagkalakas-lakas na tawa ng mai-send ko iyong kauna-unahang text ko sa araw na ito. Pilyang inilagay ko pa sa silent mode yung cellphone para hindi ko marinig pag tumawag siya. Kung susumahin ang minuto na gugugulin niya sa pagbyahe mula sa office hanggang dito, malamang na aabot iyon sa tatlumpong minuto, at kung bibilisan niya, siguro ay dalawampu.

Saktong sakto, luto na nun ang baked chiken sa microwave oven na inihanda ko para idaos ang second month namin bilang mag-asawa.

Well, suffice it to say na, this past few days or rather weeks has been the best in the history of my life.

As in ever! Ako na yata ang pinakamasaya, at pinakamaswerteng asawa sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. Kompiyansa akong sabihin ang bagay na yan.

Ganito kasi yan.

Kinaumagahan, pagkatapos kong umuwi nung mag-away kami ni Nick, wala na siyang ibang ginawa kundi ang alagaan ako. Nung una, siyempre medyo nakakaasiwa na mula sa pagiging walang pakialam niya, ngayon naman, halos gugulin niya na ang lahat ng oras niya sa akin. Hindi siya pumasok sa opisina ng ilang araw pagkatapos nun at sa tuwing tatanungin ko siya kung bakit, ang tanging sagot niya lang ay, makakapaghintay ang trabaho. He said he doesn't want to leave me alone at nung pilitin ko siyang pumasok sa opisina, insisting that I'll be okay at the flat, he came to the point of asking me to come with him.

For the freaking first time. Again!

Siyempre sinabi kong sure. I really want to see him work. I want to see how he moves and acts in a world where he is the boss, the most powerful.

Dinala niya ako sa building kung saan nakabase ang main office ng Fuentes-Levakis Conglomerate at diniretso kay dad. Nagulat pa si daddy na makita ako sa mundo na pareho nilang iniisip ni Nikolai na para lang sa mga lalaki, he didn't expect my husband to bring me over. Dad and Nikolai are the same in their views about women and business. Women are to be pampered, men do the work. We had our breakfast there at kahit na wala si mommy, masaya pa rin ako na makita ang daddy ko.

He gasped when he saw me that time, lalo nung bumaba ang tingin niya sa ngayon ay nahahalata nang umbok sa aking tiyan. My baby is almost four months now, sobrang bilis ng panahon at sobrang bilis niya ring lumaki na minsan pakiramdam ko, pipikit lang ako at nasa harapan ko na ang mumunting anghel na dinadala ko sa sinapupunan ko. But sometimes, I also grow apprehensive. Hanggang ngayon hindi pa rin namin napag-uusapan ni Nikolai ang tungkol sa baby at sa magiging estado ng relasyon namin oras na mailuwal ko ang anak namin. Still, sa puso ko, nararamdaman ko na hindi ako bibiguin ni Nick. He'a changed since the last time and it's something good.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon