Ikadalawampu't apat

5.7K 170 58
                                    

Trixie

"What? Nababaliw ka na ba? Anong pinagsasasabi mo?" kunot-noo kong tanong. I am still gripping the seatbelt in a death grip. Paano ay parang walang pakialam ang kasama ko sa mga inoover-take niyang mga sasakyan.

He clenched his teeth but he didn't look my way. Nakapako ang tingin niya sa harap. He pushed the accelerator to go faster. "Come on Trixie. Don't act the fool. Alam naman nating pareho kung anong ginagawa niyo ni Luke kanina diba?"

"Anong ginagawa namin aber?" medyo nagsisimula nang tumaas ang boses ko dahil parang iba na ang pinupunto ng tono ng pananalita niya saken. At hindi ko iyon nagusgustuhan.

"Flirting! Fucking flirting in front of your husband Trixie Alejandra? What was that about?!" dagundong ng boses niya sa maliit na espasyo ng kotse. "Nasa harap mo ko, tapos kung makalandi ka dun sa sinasabi mong 'kaibigan' mo, parang may sarili kayong mundo e!"

"We are friends! Ganun kami noon pa. We treat each other as brother and sister! Natural na sa amin--" paliwanag ko na pinutol niya agad.

"May brother and sister na nagbibiruan ng anakan? Nagbibiruan ng buntisan?  Kasi, sinasabi ko sayo Trixie, walang ganyan sa mundo ko! Wala!" galit na galit ang boses niya at lalong bumibilis ang takbo ng sasakyan namin. Hindi tuloy ako makapag-focus sa usapan namin dahil tinitingnan ko kung ligtas bang lumiko sa mga nililikuan niya. He seems so angry to focus on his surroundings at medyo natatakot ako na baka may mangyaring masama sa amin.

"Nikolai, ganun lang talaga--"

"Fuck it! Pinipigilan ko lang ang sarili ko kanina Trixie. Do you even understand the control that I did there? My hands were itching to flatten that guy permanently. Napigil ko lang dahil hindi ko kayo tinitingnan, dahil pinilit ko ang sarili ko na wag kayong tingnan, but damn, gawin mo ulit yan sa harapan ko at hindi ko na palalampasin yun. Pasensiyahan tayo pero makakatikim yung kaibigan mong yun saken."

Bigla siyang pumreno ng may sasakyan na sumingit sa harapan namin. Nagmura siya ng pagkalutong-lutong sabay pintunog ang busina niya ng pagkatagal-tagal at sunod-sunod. Nanginginig na hinawakan ko ang seatbelt dahil sa takot. He is so forbidding, yung mukha niya ngayon, na kung lalabas man ang driver ng sasakyan na binubusinahan niya, paniguradong makikipagbuno si Nikolai.

I am very aware of road rages and I know how unpleasant it can be. Yung latest news pa nga e, may namatay daw dahil lang sa simpleng road rage na kagaya nito.

"Nick, stop it. Please.." nanginginig kong pakiusap. Nagulat ako ng biglang may pumatak na luha sa dibdib ko. Pasimpleng pinunasan ko iyon upang hindi niya makita at nang makaalis na kami agad-agad.

Sa kabutihang palad ay itinigil niya din ang kakabusina sa kotse sa harap. Lumipat ang galit na tingin niya sa mukha ko, but when he talked, he asked me in a voice that didn't even hold any of the anger that can be seen in his face. "Are you okay? Nasaktan ba kayo ni baby?"

Umiling ako ng ilang ulit at kasabay naman nun ang pag-usad ng trapiko kaya't nakabalik na kami sa pagbabyahe patungo sa rendezous ng charity event. Sa wakas ay nauna na ang kotse na kinaiinisan ni Nikolai kaya mas mapayapa ang natirang oras sa byahe namin. Hindi ko na siya inimik, at hindi ko na din siya kinausap kahit nung gumagawa siya ng maliit at walang kwentang usapan tungkol sa event ni mom. I was just not in the mood.

Nung malapit na malapit na kami sa lugar, bigla siyang tumikhim. "Trixie.." untag niya saken.

Nakatingin lang ako sa salamin at hindi ko siya nilingon, pero sumagot din naman ako ng mahinang, "Bakit?"

"Look, I'm sorry."

"Forget it Nikolai. Just do what you need to do here. And then after you do, tell me what you realized, para matapos na ang gabi kong ito." mahina kong saad.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon