Chapter 3

1.2K 31 0
                                    


Steven POV

You and me could be a perfect melody if  you could see through me
I'd catch you if you fall
I'm fallin' in to deep I swear I'm your's to keep and all I can do is to sit and watch as you fall for me

Na-love song syndrome na ko sa kanta ni Kyle Echarri.

Pano ang ganda kase, sakto siya sa sitwasyon ko ngayon.
First time kong narinig yan noong pinapatugtog ni Princess. Nung una pa nga nabaduyan ako sa kanta.

Pero habang tumatagal na naririnig kong paulit ulit.
Na-stock na sa utak ko yung lyrics ng kanta.

Tapos kapag kinakanta ko si Rebecca ang naiisip ko.
Ihh. Ewan ko pero kinikilig ako. Hahaha baduy ba? Nakakabakla kase. Ganito ako kapag inlove mukang sira.

Hahaha pinagkakamalan nga ako ni Louis na nasisiraan ng bait.

-------

Speaking Of Louis Edward Park(ang pronounciation po ng Louis ay silent S)
(Siya ang kauna unahang naging kaibigan dito ni Steven sa Clinton University at ultimate Crush naman ni Princess. May iba din nagkakagusto sa kaniya pero mas matindi ang paghanga ni Princess sa kaniya panong hindi niya magugustohan Matangkad. Maputi. Chinito. Redlips. Matangos ang ilong at marunong din Maguitara. O san ka pa? Siya na sa kaniya. Kaya nga nagkasundo sila ni Steven dahil pareho sila ng pinagkakahumalingan pagdating sa instrumento.)

-------

Nga pala hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol kay Rebecca at yung plano ko na ilalakad ko si Princess sa kaniya.
Si Princess kasing ito ang tagal ko na siyang kaibigan kelan pa lang niya sinabi na may gusto siya ka Louis.
Sa bagay ako din naman kelan ko lang din naman sinabi sa kaniya na may gusto ako sa kaibigan niya at may balak ako na manligaw kay Rebecca.

Bigla kong naalala na kailangan ko ng sabihin kay Louis ang plano ko at pinag usapan namin ni Princess. Para naman makaporma nako kay Rebecca, ang tagal kasi Princess sabihin kay Rebecca kahit may kapalit na parang ayaw pa rin niyang pumayag sa kasunduan namin. Bahala siya kapag hindi siya sumunod. Kokotongan ko siya.

Kinuha ko ang cellphone ko at denial ang number ni Louis
At sinabi ko sa kaniya na kilangan naming magkita. Gusto ko kasi personal kong sabihin sa kaniya. Para naman may bonding din kami. Daig pa ang babae kung makapagkulong sa bahay at ang tanging ginagawa niya ay ang tumugtog ng guitara. Palibhasa mayaman kaya ang dami niyang guitara at minsan lang kasi tong gumala kaya dapat kapag pumayag sulitin mo na.

Kinuha ko na agad ang susi ng kotse ko para makapunta na sa Paradise Restaurant.
Nang makarating nako agad kong nakita ang naghihintay kong kaibigan. Kahit kelan talaga lagi siyang nauuna sakin.

"Brooo!!!" Bati ko sa kaniya nang makapasok na ko ng Restaurant.
At nang narinig niya ko agad siyang lumingon at tinapik ko ang balikat niya.

"Ohh! Brooo!! Alam ko kapag ganitong pagkikita natin ay importante ang sasabihin mo."
Agad niyang sabi habang paupo ako. At humalakhak ako.

"Kala mo naman kapag ikaw hinde no? Makapagsabi ka dyan pareho lang tayo." Sabi ko at napahalakhak din siya sa sinabi ko.

"Ok. Ok. Sige na. Sabihin mo na ang dapat mong sabihin dahil marami pa akong gagawin." Pagpigil niya sa pang aasar ko sa kaniya.

"Ha? Ano nanaman gagawin mo? Bakit di ka na lang mag hire ng PA mo para naman magawa niya ang mga dapat mong gawin at ng makagala naman tayo" tuloy tuloy kong sabi sa kaniya.

"Hindi naman sa eskwelahan to at mas lalong hindi sa bahay. Magkakaroon kasi ng audition para sa gagawin naming banda. Hanggang ngayon nga wala pa kong naiisip na panglan ng banda e." Mahaba niyang paliwanag.

"Ok. Ok. Ngayon kailangan mo kong tulungan" sabi ko sa kaniya.

"Ok. Ano yon?" Seryoso niyang tanong.

"Ilalakad ko sayo si Princess. Kase----" bigla niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Wait! Princess? As in Princess na kaibigan mo. Yung matagal ng may gusto sakin?!." Sabi niya. Alam na pala niya na may gusto sa kaniya si Princess bakit di niya pinapansin.

"Oo Si  Princess as in. Bestfriend ko broo!" Sabi ko sa kaniya
"Kase ganito you know Rebecca right? Bestfriend of Princess. Matagal na kong may gusto sa kaniya. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magpatulong kay Princess kaya kailangan na kailangan ko din ang tulong mo. Please broo. Tulungan mo ko please!!!!..... mahaba kong paliwanag at pakiusap sa kaniya sana naman na gets niya.

Natahimik siya. Nagiisip siguro.
Habang ako nagdadasal na sana pumayag siya.

" Ok. In one condition." Sabi niya. Naku kahit ano pa yan. Basta hindi labag sa batas.

"Sige kahit ano. Gagawin ko. Pumayag ka lang" sabi ko sa kaniya habang ang mukha ko ay puno ng pagmamakaawa.

"You need to join in my Band" diretso niyang sabi habang ang tenga ko naman ay pumapalakpak sa tuwa.

"H--a? O-oo naman. Yun lang pala" sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

"Ba't kasi ang torpe mo? Actually hindi mo na kailangan ang tulong ko at ni Princess kasi hindi naman iba sa panimanman mo si Rebecca" saad niya habang tumatawa.

"Ewan ko din e. Nakakainis nga. Dati naman nagagawa kong manligaw ng hindi humihingi ng tulong sa iba o kahit sa inyo na mga kaibigan ko." Sabi ko sa kaniya, habang iniisip kung bakit ngayon palang ako tinorpe sa isang babae.

Napatawa na lang siya sa sinabi ko.

"Nga pala matagal mo na bang kilala si Princess?" Bigla kong tanong sa kaniya na ikinaseryoso naman ng mukha niya.

"H--haa? O--Oo. Actually noong Grade 9 pa." Sabi niya habang nabubulol pa nung una.

"O bakit 'di mo sinabi sa'kin?
Tanong ko sa kaniya.

"Kase?......" 'Di niya matuloy tuloy na sabi

"Kase ano?" Tanong ko ulit.

"Kase ayokong ipush mo siya sakin. Gusto ko ako mismo ang makakilala sa kaniya." Paliwanag niya.

"Ahh" sabi ko habang tumatango
"Sa bagay. 'Di din naman niya sinabi sakin. Feeling ko tuloy nagkakilala na kayo ng hindi ko nalalaman." Sabi ko sa kaniya.

"Hahaha. Oo. Kitam ngayon mo palang nalaman kase magaling kami." Sabi niya habang tumatawa.

"O ngayon gusto mo siyang makilala?" Tanong ko ulit.

"Ahmm??.. Actually gusto ko na siyang makilala noon pa. Kaya lang naging busy ako noon. Remember pinadala ako ni Dad sa States noon. Kaya sabi ko sa sarili ko ngayong Senior na tayo It's time to know her. Lalo na't nasa tamang realidad na tayo. At kung saan dapat ang mga bagay bagay ay pinag-iisipan muna bago gawin." Mahaba niyang paliwanag sakin.

"Tignan mo ikaw ngayon pa lang naging buo ang desisyon mo na manligaw kay Rebecca." Pahabol niyang sinabi.

"Hahaha oo nga. Magbestpren talaga tayo pareho tayo ng desisyon sa mga bagay bagay." Sabi ko sa kaniya habang tumatawa.

"Tsk. Ang korni mo. Tara na. Madami pa kong gagawin. Samantalang ikaw panliligaw lang ang problema mo." Sabi niya sakin habang nagbabayad ako ng inorder namin.

"Oo eto na. Kaya nga nagbabayad na o." Sabi ko sa kaniya.

Napapangiti ako sa pinagusapan namin ni Louis sigurado matutuwa si Princess neto sa ibabalita ko sa kaniya.
Nga pala nasabi na kaya niya? Sana naman nasabi na niya kasi ako nasabi ko na kay Louis.
Tatanungin ko na lang siya bukas.

-------

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now