Chapter 2

1K 25 0
                                    

-------

Pagising ko agad pumasok sa utak ko ang pinag-usapan namin kahapon ni Steven.

Flasback:

"Ha? Si Rebecca Kate Ford?! Kaya pala ang dami ng binili mo kaibigan ko pala ang liligawan mo?" Sabi ko sa kaniya. Kaya pala ang dami ng binili niyang pagkain kase malaki ang pangangailangan niya.

"O? Bat gulat na gulat ka? Ayaw mo non pareho mong pa kaming kaibigan." Natatawa niyang sabi.

"Anong konek?! Kung pareho kayong kaibigan?" Nakataas kong kilay na tanong.

"Ibig sabihin non, hindi malabo na hindi mo ko tutulungan sa kaniya kase kaibigan mo ko at isa pa kaibigan ko naman ang liligawan ko hindi na naiiba sayo." Tuloy tuloy niyang paliwanag. Habang ang mukha ko mataray na nakatingin sa kaniya

"Sige na tulungan mo na ko sa kaniya" naningkit yung mata niya habang nakikiusap.

"Okay! Okay! Itatry ko pero hindi ko maipapangako ah." Pagkasabi ko non gumuhit sa kaniya ang malapad na ngiti sa mukha.
"Pasalamat ka at kaibigan kita kung di sakin pa lang bagsak ka na." Sabi ko pa sa kaniya.
Dahil ayoko lang na masaktan ka. Sabi ko sa isip ko.

"Salamat at kaibigan kita" pag kasabi niya inakbayan niya ko at umuwi na.

End of the flashback

Hanggang ngayon di ko pa rin akalain na may gusto si Steven kay Rebecca.
Pano ko sasabihin kay Rebecca niyan?
E study first ang babaeng yon ang dami na niyang binasted na lalaki. At baka mapabilang si Steven sa mga lalaking yon. Bahala na nga lang.

Bumaba nako para kumain.
(May second floor itong bahay namin. Di naman kalakihan pero sakto na saming mag kakapatid ang bahay na'to. Lima kami magkakapatid. Kung bibilangin mo sa kamay ako yung nasa mid-fing. Hahahaha pangit kapag ginawa niyo. Kaya wag niyo ng gawin. Sina Mommy at Daddy may ibang bahay sila dyan lang sa may tapat namin. Matatanda na raw kasi kami. Para asikasuhin pa. Pero kapag minsan si Mommy pinagluluto niya kami. Hindi daw kasi siya sanay ng hindi na kami pinagluluto. Kaya hinahayaan na lang namin siya.)

Nang makarating ako ng kitchen. Nakita ko agad ng may nakahain.

"Good mornig Dad" sabay halik sa pisngi niya.
"Good morning din anak. Sabay sabay na tayong kumain" sabi pa niya

"Anong meron Dad? Wala ba kayong work ngayon?"
Tanong ko kay Daddy. Halos kasi ayaw na niyang mag day off.
Ano naman kayang hangin ang sumapi sa Daddy ko at nag day off siya.

"Ayaw mo na bang mag day off ang Daddy mo?" Patawa niyang tanong.

"Ha? Gusto. Syempre." Nabigla kong sagot.
"Once in a blue moon lang kasi kayo kung magpahinga sa trabaho niyo." Dugtong ko pa.

"Syempre. Marami nong problema ang kumpanya. Kaya hindi na ko nagdeday off."
Sabi pa niya.

"Ahh. Ok" patango kong sagot.

-Nang natapos na kaming kumain agad na kong pumunta sa kwarto ko para maligo.
Hanggang ngayon di maalis sa isip ko yung plano ni Steven kay Rebecca. Nakakainis naman kase bakit pa sakin nagpapatulong ang lalaking yon. Ginawa pa kong tulay sa nililigawan niya.

"Ano naman ngayon kung kaibigan ko silang pareho? E responsibilidad naman ni Steven na gawin yon kase siya yung manliligaw. Di ako. " Kausap ko ang sarili ko. Iihhh nakakainis talaga! -_-

-----
Pagkatapos kong naligo nanood na lang ako ng tv ng malibang naman ang utak ko.
Para hindi na rin ako maistress sa dalawa kong kaibigan lalong lalo na ka Steven ang sarap niyang pektusan.

Nang matapos na ang pinapanood ko. Nagbukas na lang ako ng Faceboom Account ko. Agad kong nakita ang chat ni Steven. Ang dami niyang sinabi.

Steven: Princess? Ano na? Sinabi mo na ba?
:Princess? Bakit di ka online?
Princess? Asan na? Ano na?

"Taena" napamura na ko, sa nakita ko. Bakit ba siya nagmamadali. Bahala siya maghintay siya ng one year bago ko sabihin kay Rebecca ang plano niya. Gusto ko siya ang umamin at magpaalam kay Rebecca hindi ako

Biglang nagring ang cellphone ko at tumugtog ang Ambon by Migz Maya

Ako'y nakatayo sa lilim na iyong yakap at halik ngunit nalulunod pa rin
At nangangarap na maanggihan man lang ng pag ibig mong binihag ng mga ulap.

Nang tignan ko Speaking off!

Steven calling

Pinindot ko ang answer call. Agad niyang tanong

Steven: Nasabi mo na ba?
Ako: Hindi pa.
Steven: Bess sige na sabihin mo na. Gusto mo ilakad din kita kay Louis Edward Park?
Ako:Hahaha. Asa ka kung papansinin ako non. Patawa kong sabi sakaniya.
Steven: bakit hinde? E kaibigan ako non. Natatawa rin niyang sabi.
Ako: ugh! Sige na nga! Ilalakad kita kay Rebecca at ilalakad mo din ako kay Louis.
Medyo naexcite kong sabi sakniya. Sympre ultimate Crush ko kaya yon. Hahaha. O diba sabi sa inyo kaibigan ko to. Alam na alam niya ang mga bagay na makakapagpayag ng loob ko.

Steven: Osige sabi mo yan ah.
Ako: Oo nga ang kulit!
Steven:Hahahaha. Syempre naninigurado lang.
Ako:Abbaaaa!!!----(agad niyang pinutol ang sonasabi ko.)
Steven:Hahaha oo sige na. Dapat sabihin mo na bukas sa kaniya ah. Baye love ypu best mwuaah!!
Ako: Pero-----
Abat binabaan ako. Bastos! Pano eh wala naman klase bukas paano ko sasabihin kay Rebecca?
"Sasabihin ko na lang sa Chat" kausap ko sarili ko.
"Iihhh. Oo nga pala di mahilig sa social media ang babaing yon"
Biglang may kumatok.
Tok!tok! Tok!

"Anak sinong kausap mo?" Tanong ni Mommy

"Ahh. Wala po Mommy! Nagmeme-morize lang po ako ng script namin para sa presentation namin sa Monday!" Ahh. Now I'm a liar. Hahaha. Yaan niyo na. Ngayon lang naman. Hindi naman madalas.

"Akala ko nasisiraan ka na dyan. Sabay matagal ka ng sira!" Sigaw ulit Mommy.

"Mommy naman!"
Tawagin ba naman akong sira.

"Bumaba ka na dyan at sumabay ka na samin ng Daddy mong kumain at baka matuluyan ka pa dyan!"
Patawang sabi ni Mommy.
Si Mommy talaga kahit kelan na lang.

"Opo Mommy! Bababa na po!"
Sabi ko sa kaniya. At ng marinig kong lakad niya pababa. Bumaba na rin ako kasi nagutom ako sa pag-iisip na plano ng lalaking yon.
---
Pagkatapos naming kumain bumalik ako agad sa kwartko para ipagpatuloy ko ulit ang pagiisip ng paraan kung paano sasabihin kay Rebecca

*ting*

"Aha! I have a better idea!"
Kumain lang ako nagkalaman na ang utak ko

Author's note:

Please follow my Account @Therese_Queen

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now