Chapter 9

737 23 5
                                    

Kinaumagahan agad akong nagising at agad ding pumasok sa utak ko ang mga nangayari kahapon.

Masyado bang mabilis?
Masyado ko bang minadali ang lahat?
Masyado ko bang minadali ang lahat sa pag-aakalang ayokong mawala sa'kin ang taong mahal ko?
Tama ba na humantong dito ang lahat?
Tama ba na humantong kami sa ganito ni Steven?
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw, sa makalawa, sa susunod na buwan at taon.
Pero alam ko na patuloy pa rin kaming ginagabayan ng Panginoon.
Hindi niya ko bibigyan ng ganitong desisyon kung walang mabuting kahahantungan ang lahat.

Tumayo na ko sa kama baka mapagalitan ako kay Mommy. Pumunta muna ako ng banyo ng makapag hilamos. Aayusin ko pa ang mga gamit ko pagkatapos. Nang makalabas na ko agad bumukas ang pintuan ng aking kwarto agad niluwa si Steven. Nanlaki ang mata ko.  O_O

"Bakit ang aga mong nandito?" Tanong ko.

Ngumisi siya bago nagsalita.
"Syempre. Susunduin ko ang Girlfriend ko." Feeling ko namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Parang kahapon lang kasi ng umaga walang kami.

"He! Kumain ka na?" Tanong ko habang papalapit sa kaniya.

Agad niyang kinuha ang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin.

"Hindi pa e. Gusto ko sabay tayo." Mygoodness umalis siya sa bahay niya ng hindi kumakain. Napasapo ako sa noo ko.
Nasa kama kami at nakaupo.

"O sige maliligo muna ako. Dito ka muna at manood." Sabi ko sa kaniya at agad tumayo para makaligo na ko.

Ang daming pumapasok sa utak ko habang naliligo. Iniisip ko rin kung paano ko sasabihin kay Louis ang lahat. Sana maintindihan niya ko sana hindi siya magalit sa'kin. Dahil sa simula pa lang talaga e gusto ko lang siyang maging kaibigan.

Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Steven na tulog sa kama habang ang tv hindi nakapatay.
Tsk. Napuyat siguro 'to. Disoras na kasi akong umuwi kagabi at naghintay siya diba? Tapos medyo malayo pa ang bahay nila sa bahay namin kaya siguro hindi siya agad nakatulog. Nilapitan ko siya. Namamahinga ang mga pagod niyang mata. Ang tangos din ng ilong niya. Napatingin ako sa labi niya napalunok ako. Parang nang aakit ang mga labi niya. Kissable masyado. Biglang ko nilayo ang mukha ko sa mukha niya kasi bigla siyang gumalaw. Nagulat ako at baka mahuli niya kong nakatitig. Makapagbihis na nga baka hindi ko mapigilan na manakawan ng halik 'to.
Nang matapos na ko ginising ko na siya baka malate pa kami.

"Steven? Steven?" Tinatampa ko ang braso niya.

"Hmmm?" Gumalaw siya pero hindi niya minulat ang kaniyang mga mata.
Lumapit pa ko sa mukha niya, naamoy ko tuloy ang mabango niyang hininga. Nagulat ako ng bigla niyang minulat ang mata niya at agad akong hinalikan 0_0
Ihh. Kahit kailan talaga binibigla niya ko.

Pinalo ko agad ang dibdib niya
"Tsk. Kahit kelan talaga..Tara kain na tayo" yaya ko sa kaniya.
Agad naman siyang tumayo. Lumabas kami sa kwarto na magkahawak kamay at papuntang kusina agad naming nadatnan si Mommy na agad namang napatingin samin.
Ngumisi siya at umiling iling.

"Kumain na kayo baka malate pa kayo sa klase niyo" Sabi ni Mommy na ngayon ang lapad ng ngiti.

"Mukhang masarap to Tita ah?" Sabi ni Steven.

"Syempre ako nagluto."
Ganiyan sila. Parang sila ang magbarkada kung mag-usap.

Sabay na kaming pumasok. Agad naming nakasalubong ang mga kaibigan ko a ang mga etchuserang mga palaka ang sasama ng tingin nila sa'kin kasi magkahawak kamay kaming pumasok sa room ni Steven.

"Mainggit kayo" Bulong ko. Buti hindi narinig ni Steven. Habang ang mga chismosa ay ang sama pa rin ng tingin sakin kulang na lang ay matunaw ako. Linagpasan lang namin sila at sabay  ko silang inirapan.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now