Panimula

3.1K 60 6
                                    

Author's Note: Ipapakilala ko lang po ang mga pangunahing tauhan ng Kwentong I'm Secretly Falling Inlove with My Bestfriend

Maria Princess Myqueen Sandoval
At Steven Jesmer Montecelio sila ay magkaklase at magkaibigan noong grade 7 to grade 8. Grade 9 at 10 ay nahalo sila sa ibang section. Nang tumuntong naman sila ng Grade 11 o mas kilala bilang Senior High, ay naging mag kaklase na ulit sila. Bago pa dumating ang mga kaibigan ni Princess at Steven ay mag kaibigan na sila simulat sapul pa lang. Kaya walang makakatibag sa kanila.

Ang mga Kaibigan ni Princess ay sina

Dianna Irish Clinton
-ang nag mamay ari ng eskuwelahan na pinapasukan ni Princess at mga kaibigan niya. 'Di halatang mayaman dahil nakiki-salamuha siya sa mga kapwa niya estudyante. Sa madaling salita ay hindi mataas ang tingin niya sa sarili niya. Pero kapag binangga mo siya?  Magtago ka na sa kailalim- laliman ng mundo.

Rebecca Kate Ford
-ang matalino at hindi mapag- murang kaibigan. Ngunit dahil sa kaibigan niyang si Dianna, ay natuto na rin itong magmura. Kahit kelan kasi BI yang Dianna na yan.

Cheska Faith Reyes
-ang pinaka mahinhin sa lahat. Patatakbuhin mo lang ng sampung segundo hihingalin na agad. Kagaya ni Rebecca na matalino.

Princess Myqueen POV

Sa gilid ng mga mata tinitignan kita
Please naman wag ka sanang manukso natutuwa lang ako sa katulad mo.

Walang makaka alam
Wala naman akong pagsasabiham
Walang dapat mangyari pero nadito lang ako sa tabi.

Nang i-on ko ang radyo ng kotse ko ay yan agad ang bumungad na kanta. Gilid by Moonstar88
Mahilig akong magpatugtog tuwing nakasakay ako sa kotse. Ang gaganda kasi ng mga kanta lalo na tuwing umaga. Minsan nga pati old song alam ko na. Tapos Na-LSS pa ko. Ang gaganda kasi.

Pagpunta ko ng school ay pinark ko na ang kotse ko sa parking lot ng school. At saka pinapayagan ako nina mommy at daddy na mag drive total may lisensya naman na ako kahit di nila ko payagan. Kaya lang student license pa lang. Syempre nag aaral pa lang ako.

Nang makakaba na ako sa kotse ko ay nakasalubong ko agad ang isa sa mga kaibigan ko na si Dianna Irish Clinton. Ang yaman ng pangalan no? Actually mayaman talaga sila.

"Oi? Mars sabay na tayo" sabi niya

"Wow ha? Bat ang aga mo? Anong hangin ang nag-udyok sayo para tumayo ng maaga?" Sabi ko. Pano laging late lima sa isang buwan lang siya dumating ng maaga.

"Wow din ha? Ang lalim naman ng salitang 'nag-udyok'." Sabi pa niya "O syempre humawak na ng pamalo ang mommy ko, di pa ko tatayo?" Dugtong niya.

"Hahahaha. Ang tanda mong napapalo sa mommy mo. Ang tamad mo kasi masyado." Sabay sabi ko. Totoo naman kala niya siguro porke mayaman di na siya mapapalo sa sobrang katamaran niyang bumangon tuwing umaga.

"Hahahaha. Maganda naman ako." Sabay niyang sabi.

"Tangna mo. Ang ganda mo nga, ang tanda mo naman napapalo sa Mommy mo!". Pasigaw kong sabi. Tawa ng tawa, wala e ang hangin ng abnormal na to. Nahawa na niya ko. Kaya ayan. Pati ako nagmunura na.

" Ulol! Makasabi ka dyan kala mo ikaw hindi ka napapalo no?!" Sabi pa niya. Aba pinasa nanaman sakin ang usapan.

"Gaga. Noon oo, napapalo ako. Pero sa tanda kong to mapapalo pa ko? No way. Ikaw nga Senior High ka na napapalo ka pa wahahahahaha."
Sabi ko ng patawa.

Dumating ang isa naming kaibigan. Narinig niya ang pinag uusapan namin.

"Oi?! Mga lola! Ang aga aga nagmumurahan kayo. Parang di kayo tinuruan ng mga magulang niyo ng Good Manners and Right Conduct?!."
Sabi niya. Siya si Rebecca Kate Ford. Hindi nagmumura dati yan at dahil BI si Dianna nahawa na rin niya. Lakas maka BI nitong Dianna e.

"Oi? Lola nandyan ka na pala? Kanina ka pa?" Tanong ko.

"Medyo. Wala pa ba si Cheska?" Tanong ni Rebbeca

"Wala pa. Tara na wag niyo ng hintayin yon. Alam niyo naman na mahinhin maglakad yon" sabay sabat ni Diaana.

"Ok. Tara na!" Sabi ko.

--------

Nang makarating kami sa Room wala pa ang Professor namin kung kaya't nagkuwentuhan muna kami.
Alam niyo kisomis (tsismis) ang mga lelang niyo. Daig pa ang barangay tanod sa kanto.

"Oi?! Maria Princess Myqueen Sandoval!!"
(Ako nga pala si Maria Princess Myqueen Sandoval. Isang mabuting anak ngunit pagdating sa mga kaibigan ko ay lumalabas na ang kapilosopohan at kasungitan ko. Nag-aaral Ako sa Clinton Unversity. Oo kina Dianna yan. Kung hindi ko lang siya kaibigan hindi ako mag-aaral dito. Pero oks na rin iyon kasi nakatipid ang lelang mo ahahahaha joke. Okay back to reality)
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Binuo ba naman ang pangalan mo 'di ka mapapalingon?!

"Napano ka Steven Jesmer Montecelio? Kailangan mo pa talagang buoin ang pangalan ko?"
Mataray kong tanong

"Wahahahaha ang ganda kasi ng pangalan mo. Ang haba pa, hahaha ang init agad ng ulo mo." Ha ha ha anong nakakatawa sa sinabi nito? Siya lang ang tawang tawa.

"Uii?! Ang aga aga. Ang sweet niyong mag bestfriend!" Sabat ni Dianna.

"Anong sweet doon?" Sabay sabi ni Rebecca.

"Uiiii?! Nagseselos ka lang niyan eh hahahaha"
Pang-asar na sagot ni Dianna.
O diba sabi sa inyo bully tong abnormal nato.

"Ha ha ha ang saya mo Dianna" masungit na sagot ni Rebecca.

"Tama na nga yan" sabi ko. Tinapunan ko naman ng tingin ang tawang-tawang Steven na ito.

"O ikaw, anong kailangan mo?" Sabi ko.

"Hmm..." Sabi niya at inilagay pa ang kamay niya sa kanyang baba. Hmf. Nag-isip pa, para namang may naiisip siya sa lagay na yan   -_-

"Bilisan mo naman." Mataray kong sinabi.

"Sabay tayong umuwi mamaya ah?" Sabi niya.

Tsk. Yun lang pala.

"Oo na sige na. Lumayas ka na. Baka mapektusan pa kita". Sabi ko

"Hahaha oo na." Sabi niya habang paalis.

Steven Jesmer Montecelio
Kaklase/Kaibigan ko magsimula tumuntong ako ng High school.
Maputi. Chubby cheeks,
Matangkad. May dimples din sa left and right cheeks niya
Marunong mag-gitara. Makulit; at higit sa lahat mapang-asar. Kaya nga di ko siya katabi ng upuan kasi sigurado magbabangayan lang  kami. O di kaya naman ay baka mapagalitan pa kami ng mga teachers namin. Baka akala pa nila mag something special sa amin ng mokong na iyan.
O diba? Siya na. Sa kaniya na lahat.
Ang sarap niyang pektusan sinalo niya lahat ng biyaya noong nagbuhos ng magagandang katangian ng isang tao si God.

Mga ilang minuto pa, dumating na ang Professor namin. Malamang nagpakilala lang ang ginawa namin.

Natapos na lahat ganon lang ang ginawa sa iilang subject namin.
Yung iba naman nagpaquiz agad. Kauumpisa pa lang ng klase may quiz na. Actually di naman siya tungkol sa subject. Sa k-12 curriculum, kung ano raw ba ang inaasahan namin, at kung ano raw ba ang mapapala namin kapag kumuha kami ng ganitong strand. Yun na raw ang first quiz namin sa first quarter at recorded daw yon.
Si Dianna katak ng katak. Bakit daw hinahire ng Daddy niya ang mga ganon na Teacher sa sarili niyang school. Panay ang reklamo niya. Tatalakan na naman daw niya Daddy niya. Palibhasa bunso kaya ganyan. Gusto niya masunod lahat ng gusto niya. Spoiled masyado. Hahahaha kahit kelan talaga ang ewan ng babaeng ito. Daig pa ang bata.

Author's Note
Sana patuloy niyong tangkilikin ang kwentong ito. Salamat ng marami. :) Spread the love! XD

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now