Wakas

349 9 2
                                    

Princess Myqueen POV:

Sugarpie honeybunch you know that I love you
I can't help my self I love you and nobody else

There he goes again. Kanina pa siya kanta ng kanta habang nakatitig sakin. Nandito siya magsimula nine ng umaga. Nasa kwarto kami habang gumagawa ng thesis paper. Isa lang siya sa mga kagrupo ko.

Nung una natutuwa pa ako ngayon naiinis na. Paano e, yun lang ang alam na lyrics sa kanta. Kairita.

"Manahimik ka na nga!" Bawal ko ulit sa kaniya.

"Sugarpie kanta ko yun para sayo e." Naka labi niyang sabi.

Ang gwapo. Shet! Tukneneng naman.

"Anak ng?! Kanina mo pa kinakanta yan e." Iritado ko sabi sa kaniya at tumayo.

"Honeybunch naman. Wag ka ng magalit." Suyo niya.

Inirapan ko siya at lumabas sa kwarto. Narinig ko pa siyang tinatawagan ako ng "sugarpie" at "honeybunch" hindi ko na lang pinasin at nagpatuloy na lang ako sa pagbaba.

Kukuha ako ng miryenda para sa mokong na yon.

Pagpasok ko sa kusina nakita ko si Mama. Naghahanda na ng miryenda.

"O anak. Sakto pandadala ko sana kayo ng miryenda ni Steven sa taas."

"Salamat, my." ngiti kong sabi.

"O siya sige. Iakyat mo na yan. Nang makapag miryenda na kayo.

"Kayo ba, my? Nagmiryenda na?" Tanong ko.

"Ah. Oo anak . Katatapos lang sabay kami ng mga kasambahay."

"Sige na. Sige na. Gutom na niyan yon." Utos pa niya saken.
Binuhat ko tray na may laman na cupcakes, chocolates at juice.

"Wag niyong ila-lock ang pinto ah?"

"Opo, my." Sigaw ko ng nasa hagdan na ako.

Nang nasa dalawang baitang na lang ako nakita kong nakatayo si Steven sa pinto ng kwarto ko.

"Ginagawa mo dyan?" Masungit kong tanong at nilagpasan siya.

"Hinihintay ka."

"Hindi mo pa tinuloy to. Kairita ka naman. Magmiryenda ka na nga lang. Naiinis ako sayo."

"Queen, naman. Wag ganon." Malambing niyang sabi at naglakad siya palapit sakin.

"Sige. Subukan mong lumapit? Kumain ka dyan o pauuwiin na kita?" Pangnanakot ko.

"'To na nga po oh? Kumakain na." Mabilis niyang pagsunod.

Napangisi naman ako. Yan. Nang makapag isip ako ng maayos dito sa thesis na 'to. Kanina pa siya nandito wala naman siyang ibang ginawa kundi titigan ako.

"Say aaaahhhhh." Tinutpk niya ang cupcake sa bibig ko at sinubo sa akin. Saka ko nginuya.

"Yan kanina pa naka noot yang noo mo e." Nakangiti niyang sabi habang ako ay nakasimangot sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now