Chapter 12

709 19 3
                                    

'Nang tumigil ang bote pare-pareho kaming napatingin kung kanino ito tumutok. Ngumiwi ang mga boys. Mukhang may alam sa itatanong ni Dianna at ipapagawa.

'Wag naman sanang personal ang itanong ng gagang 'to. Bakit tila natatakot ako sa maaaring itanong nila? E ayan na nga siya at masaya na kay Queen.

Hayy!

Ngumisi si Dianna bago nagtanong. Si Cheska naman ay nakatingin sa'kin. At sa gilid ng aking mga mata ay nakatingin din ng seryoso si Juliuis.

What's happening to them?

Inaalala ba nila ako sa kung anong itatanong ni Dianna? Psh. Tapos na yon. Masaya na si Steven kay Queen.

"Truth or Dare?" Seryosong tanong ni Dianna.

Aba't anong meron?

Laro lang naman 'to.

"Truth." Ang siyang naging sagot naman ni Steven. Si Queen ay hindi maalis ang titig kay Steven.

Ako naman ay palipat-lipat ang aking tingin sa dalawa. Seryoso pa rin ang titig ni Dianna, kay Steven normal na tingin lang ang pinapakita niya.

"Bakit kailangan mo pang ligawan si Rebecca para lang mapatunayan na gusto at mahal mo na pala si Queen? Huh?" Tuloy-tuloy na tanong ni Dianna.

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

"Dianna!" Saway ni Cheska. Nakita niya siguro ang reaksyon ko.

"O bakit? Totoo naman huh? Kailangan niya pang ligawan si Rebecca para lang mapatunayan niya lang na hulog na hulog na pala siya sa bestfriend niya?"

"Dianna!" Sigaw ko. Napatingin silang lahat sa'kin. Ngumisi lang si Dianna at nakita ko na hinawakan ni Marco ang kamay niya.

"Totoo na nagustuhan ko si Rebecca noon." Napukaw lahat ang tingin namin sa nagsalita.

"Hindi ko rin maintindihan kung bakit sa tuwing nakikita ko si Queen na may kasamang iba kahit na kaibigan ko pa ay parang nagsisisi ako na tinulungan ko siya para lang mapalapit sa taong gusto din niya..." Paliwanag ni Steven. Nakita ko naman sa tabi niya si Queen na pulang pula ang mukha sa sinabi ni Steven.

Ganon yung tama niya kay Steven.

"At alam naman ni Rebecca yon. Dahil siya pa ang una kong pinagsabihan tungkol sa nararamdaman ko." Yah! He's right ako nga ang nauna niyang pinagsabihan.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang matalim na pagtitig ni Julius kay Steven. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon.

Hindi ko inaasahan na magiging ganon ang tanong na ibabato ni Dianna kay Steven. Well, sa mata kasi nila parang naging panakip butas lang ako at kung ako ang nasa sitwasyon nila siguro'y malilito din ako, dahil sa lagi kaming magkasama noon at lagi 'ding magkasama noon sina Louis at Queen. Humingi naman na ng tawad tungkol doon. Pinatawad ko naman. Sino ba naman ako para hindi magpatawad 'di ba?

Hindi na namin pinagpatuloy ang larong iyon dahil si Dianna na rin ang sumuko. Humingi na lang ng tawad si Steven sa mga nangyari.

'Nang umalis kami doon hinatid ako ni Julius sa bahay na'min ayoko naman magpahatid. Pero ang kulit ng gago e.

Sumunod na araw ay sa bahay lang ako. Nilibang ko ang sarili ko sa paggawa ng cake. Pagkatapos ay susunduin ako jg nga kaibigan ko para pumunta ng mall. Kami lang mga babae. No boys allowed muna.

Nang natapos na ang binake ko ay pinatikim ko kay Yaya Siling. Siya ang nagsisilbing ikalawa kong magulang since laging busy ang mga magulang ko sa negosyo. Sina Kuya Emil at Ate Meg ay  nag-aaral sa Singapore. Ako na lang ang nandito. Dahil ayoko sana doon dahil homesick lang aabutin ko doon. Pero sabi ni daddy na doon daw ako magka-college. Wag na daw akong kokontra, tutal daw ay pinagbigyan na nila ko ngayong highschool. This time naman daw ay sila ang pagbigyan ko.

Kaya hanggat maari ay sulit sulitin ko na. Kahit mayroon pang isang taon para makasama ko ang mga kaibigan ko.

'Nang makarating kami sa mall ay nagtingin tingin muna kami ng pwedeng panoorin sa sine. No'ng nakapili kami ay napagpasyahan namin na bumili muna ng pagkain bago pumasok sa loob ng sinehan.

Sa kalagitnaan ng panood namin ay related sa'kin ang istroyang pinapanood namin.

Kung saan ang mga bida ay childhood sweetheart. Naalala ko tuloy 'nung bata pa kami ni Julius.

Magkababata kami ni Julius. We're bestfriend since then. Pero may mga bagay talaga kahit ayaw mo ay kailangan mong piliin.

Nasa duyan  ako sa bakuran ng aming bahay nang makita ko si Julius na nakabihis. Nakasoot sa kaniya ang t-shirt at naka tack in sa short niyang hanggang tuhod at naka sapatos.

Bumaba ako ng duyan ng makita ko siyang papalapit sa'kin na malungkot ang mukha.

"Aba.. Saan ang lakad natin? May pinopormahan ka no?" Ngiting ko sabi sa kaniya, ngunit nanatili pa rin itong nakasimangot.

"Ano ba? Ba't ka nakabusangot? Ang panget mo tuloy. Bagay na bagay pa naman ang damit na suot mo sa'yo." Masigla ko pa ring sabi sa kaniya.

"Aalis na kami." Malungkot niyang sabi.

"Oo nga alam ko." Malapad kong ngiti ay hindi pa rin naalis sa aking mukha.

"Ba't ang saya mo? Gusto mo na ba kong umalis? Kapag umalis kami ngayon ay hindi na kami babalik." Napawi ang ngiting kanina'y masigla at napalitan ito ng namumuong luha sa aking mga mata.

Humalakhak ako. Nagkunwari na hindi naapektuhan sa sinabi niya.

"Ang galing mong magbiro no? Tignan mo may tears of joy na ang mga mata ko." Sabi ko sabay punas sa luha na lumandas sa'king mukha.

Nanikip ang dibdib ko habang pinipigilan ang pagtakas ng luha ko.

"Hindi ako nagbibiro, Reb." Seryoso niyang sabi.

"Saan kayo pupunta? Bakit hindi na kayo babalik? Ayaw mo na ba kong besfriend kaya ayaw mo na ring bumalik?" Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay nagpatuloy na sa pagtulo habang nakatayo sa harapan niya.

Lumapit siya sa'kin at pinunas ang mukha kong basang basa sa sarili kong luha.

"Shhh.. Babalik naman kami. Promise ikaw agad ang pupuntahan ko kapag nakabalik na kami." Sabi niya. At kaniyang mga palad ay nasa aking mukha.

Kahit na humihikbi ako ay nagsalita pa rin ako.

"P-pero..s-sabi mo be-bestfriend tayo..w-walang iwanan.. Pero bakit ngayon iniiwan mo ko?" Sabi ko kahit nahihirapan magsalita..

"Julius?" Napatingin kami sa tumawag. Si Ate Pam iyong nakakatanda niyang kapatid ang tumawag sa kaniya.

"Tara na.. Aalis na tayo" sabi niya.

"Oo.. Pupunta na." Sigaw ni Julius. Lumingon sa'kin si Julius at tignan ako sa mata.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha sa mata ko.

"Reb.. Wag ka ng umiyak.." Pagtatahan niya sa'kin.
"Babalik kami promise." Saka niya tinaas ang kaniyang kanang kamay.

"Julius?! Tinatawag na tayo nina Mama! Tara na!" Sigaw muli ni Ate Pam. Buong akala ko ay umalis na siya. Hindi siya liningon ni Julius at patuloy pa rin ang pagtahan niya sa'kin.

"Sige huh? Sabi mo yan. Bestfriend pa rin tayo diba? Kahit na aalis kayo?" Sabi ko ng hindi na nauutal.

"Oo naman. Promise mo din sa'kin na hihintayin mo ko huh?"

"Oo. Promise" Saka ko din tinaas ang kanang kamay ko.

Pagtapik sa balikat ko abg naramdaman ko ng makalimutan ko kung nasaan kami. Tinapik ako sa balikat ni Queen, dahil tapos na panood namin. Pinilig ko ang ulo ko. Dahil sa bigla kong paka-alala sa pangyayaring iyon. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa utak ko iyo. Hindi ko alamkung bakit hindi ito naaalis sa utak. Siguro'y iyon din ang isa sa pinaka malungkot na nangyari sa buhay ko noon.

Lumabas kami ng sinehan at naghanap ng fast food chain na makakainan. Nang makahanap kami ay mayroong lumapit na waiter sa'min at saka binigay sa'min ang menu.

Wala pa rin ako sa sarili ko kaya sila na lang ang pinag-order ko. Agad naman silang sumang-ayon. Dahil ako na ang magbabayad. Basta talaga pagdating sa libre 'tong mga babaeng 'to maasahan mo.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now