Chapter 14

626 20 2
                                    

Julius's POV:

"Hi, cutie!" Bati ko sa pinsan kong si Ella na mas bata sa'kin ng tatlong taon

"Hello, Kuya!" Maligayang bati niya sa'kin at agad akong niyakap.

"Hindi ka naman masyadong excited niyan no?" Sarkistong sabi ko sa kaniya at pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Halata sa kaniya na nagdadalaga na siya.

Parang kailan lang noong nagsusumbong siya sa'kin dahil lagi niyang kaaway si Rebecca. Kahit siya ang may kasalanan siya ang may ganang magsumbong.

"Syempre, matagal ko na kayo hindi nakakasama e. Miss na miss na kita Kuya!" Pisil niya sa pisngi ko.

Ngayon kasi ang punta namin ng La Union. Since, nasa ibang bansa ang mga magulang niya for one week sumama siya samin. Pumayag naman sina tito at tita.

"Miss na miss din kita!" Gigil ko sa pisngi niya lumolobo sa sobrang katakawan niya.

"Oh hello, Ella!" Maligayang bati sa kaniya ni Mommy ng bumaba mula sa kwarto niya.

"Hi, Tita!"

"Kumusta ka na? Dalagang dalaga ka na a!" Sabi ni Mommy na ngayon ay ang lapad ng ngiti.

"Syempre, Tita. Okay na okay." Maligayang sambit niya. "Si mommy kasi tita, alam mo naman yon? Di'ba? Lagi akong pinapasuot ng mga pandalagang mga damit kaya ayan.. Nakasanayan ko na." Paliwanag niya na noong una e naiinis pa ang mukha niya.. Sa huli ay umaliwalas at bumalik sa pagkaka sigla ang kaniyang mukha.

Ganoon talaga si Tita. Dahil si Ella lang ang anak niyang babae e, excited na siya sa pagdadalaga nito pero okay naman na din kay Ella siguro nagsawa na lang siya karereklamo sa mommy niya kaya pinagbibigyan niya lang ito.

"Anyway, kailangan na nating umalis para makapag pahinga tayo ng maaga.." Pag-iiba ni mommy sa usapan.. "Ahmm.. Julius tulungan mo si Mang Kanor na magbuhat ng mga bagahe." Utos niya sa'kin.

"Ok, mom!" Agad kong sabi at pumunta na ko sa labas para kunin ang mga maleta at dalhin sa sasakyan.

What the fuck!


Pagkalabas nakita ko na ang mga limang maleta! Fuck! Three days lang kami doon! Pero ang dala nilang maleta parang buong buhay na siyang maninirahan doon!

Sa gilid ng mata ko, nakita ko silang sumunod sa'kin at nagkakatuwaan pa.

"The f!, mom? Bakit ang dami ng maleta na dala mo? E tatlong araw lang naman tayo doon." Tanong ko habang nilalagay sa likod ng van ang mga maleta.

Agad napawi ang ngiti sa labi niya ng narinig akong nagreklamo. "E, wag ka ng magtanong dalhin mo na lang!" Pagalit niya sabi. "Saka di lang naman tayo ang pupunta doon di'ba? Remember, susunod ang mga kapatid mo doon."

"Kahit na, my--"

"Wala ng ano ano, Julius! Wag ng magreklamo!" Sabi niya at binagsak sa pagkakasarado ang pinto ng van.

"Kuya, sa'kin dalawa lang."

"Dalawa lang? E kahit isang bag lang dalhin mo Ella pwedeng pwede na, e." Iritado kong sabi

"Malay mo magtagal pa tayo doon, edi wala akong gamit?" Sabi niya at saka ako tinalikuran, sumunod na pumasok sa van.

Napa iling at napa kamot na lang ako ng batok! Mga babae talaga! E, kung titignan mo niyan ang mga laman no'n puro pampaganda lang! Tss..

"Masanay ka na, Julius. Wala pa kayong kasamang mga chikiting niyan. Paano pa kaya kung may kasama kayo? Edi hindi lang lima ang dadalhin niyo." Tawang sabi ni Mang kanor habang binababa ang pintuan ng likod ng van.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now