Chapter 7

745 23 1
                                    


--
May pasok nanaman nakakatamad pumasok.
Lol. Jke. 'Di ba pwedeng ang Monday day-off na lang ng mga estudyante? Nakakatamad bumangon.

Nasira ang pag-iisip ko ng kumatok si Mommy sa pinto

"Oi?! Princess tumayo ka na dyan! Kanina ka pa daw kinakatok ng mga katulong di ka nagigising!" Sabi ni Mommy

E kasalanan ko bang tamad pa 'kong tumayo. (Well kasalanan ko talaga)

"Opo nandyan na!" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto.

"Bilis bilisan mo!" Sigaw pa ni Mommy bago umalis.

"Opo!" Aagad na kong tumayo baka lusubin pa ko ni Mommy. Pumupunta lang siya dito kapag sinasabi sa kaniya ng mga katulong na hindi pa kami gising sa tamang oras.
Nakeeerr!! Kung di lang ako mabait baka pinalayas ko na yang mga katulong na yan

Agad na 'kong lumabas pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko.
Nakita kong naghihintay si Mommy sa harap ng hapag kainan.

"Mommy, nasa'n si Daddy?" Tanong ko ng makapunta na ko sa tabi niya.

"Maagang umalis ang Daddy mo, may appointment daw sila sa mga kliyente ngayon" sagot ni Mommy
Kaya pala ang aga niyo ring  nagising sabi ko sa sarili ko.

Nang natapos na kaming kumain. Umalis na 'ko sa bahay. Hinatid na kami ng driver namin. 'Di ako pinayagan ni Mommy na mag-drive lang mag-isa. Nakakainis nga e.
Ano naman gagawin ng mga kotse sa garahe namin? Baka masira lang ang mga yon sa hindi masyadong paggamit.

Nang makarating kami sa School nakita kong pababa na rin ang mga kaibigan ko sa mga sasakyan nila. Mabuti pa sila pinapayagan sila ng mga magulang nilang mag drive mag-isa. Ihh! Nakakainis naman.
Buti na lang hindi nila kasama ang mga boyfriend nila.

"O buti di mo kasama jowa mo? Tanong ko kay Dianna na nakabusangot ang aga aga tapos lunes pa ganiyan ang mukha niya.

" Tsk. Wala siya. Nasa ibang bansa." Masungit niyang sagot

"O? Ba't di ka sumama?" Tanong naman ni Rebecca na ngayon ay inaayos ang buhok niya.

"Ayaw niya kong payagan." Masungit niya pa'ring sagot.

Tsk. Ganiyan talaga yan. Tinamaan ata kay Marco. Kaya ganiyan

Nang nasa room na kami agad kong napansin ang bulaklak sa desk ko.

"Ui?! Kanino galing yan?" Tanong ni Cheska

"Malay ko. Kita mo naman na kadarating lang natin. Tapos tatanong mo sa'kin." Mataray ko sagot kay Cheska na ngayo'y inirapan ako.

Nakita kong may naka-ikot na sticky notes sa sanga ng bulaklak.
At may nakasulat na

Hi.                                                    
 
   Good Morning. Hope you like it.

      -Louis

Napangiti ako sa nabasa ko. Sino ba namang hindi? 'Diba?
Bigyan ka ng bulaklak ng Crush kalunes-lunesan. Lol!

Mabilis natapos ang oras sa lahat ng subject. Hanggang ngayon 'di pa rin maalis sa isip ko ang binigay na rose ni Louis.
Nang makalabas na ko sa gate ng school nauna na sakin ang tatlo. Kasama nila Cheska si John may date daw sila. Sila na. Si Rebecca naman bigla na lang siyang hinila ni Julius. Nakatatawa silang tignan si Dianna wala parin sa mood kasi maghapon hindi tumawag si Marco. Kapag tinamaan ka nga naman o.

Bigla na lang may humila sa kamay ko habang naghihintay ako sa labas ng school akala ko kung sino. Si Steven lang pala.

"Oi?! Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya habang hila hila niya pa rin ang kamay ko. Ang bilis pamo niyang maglakad. Tapos ang higpit pa ng pagkahawak niya sa kamay ko.

"Kung kanina napangiti ka ni Louis sa binigay niyang rose sakin sasaya ka." Seryoso niyang sabi.
Ha? Sasaya? Naguguluhan ang utak ko sa sinabi niya.

"Ha?" Pagtataka kong tanong.

"Tsk. Sumama ka nalang." Seryoso pa rin niyang sagot. Tsk. Problema nito. Wala naman akong ginagawa.
Maghapon din niya kong hindi kinakausap kanina sa room tapos kapag nakakasalubong ang tingin namin lagi naman niya kong iniirapan. 'Di naman ganito dati 'tong halimaw na 'to. Nang makarating kami sa kotse agad niya kong pinagbuksan ni pintuan. Sumakay naman ako.

"Nanliligaw na ba sa'yo si Louis?" Basag niya sa katahimikang nababalot sa'min sa loob ng kotse niya at seryosong nagmamaneho.

Napatingin naman ako sa sinabi niya
"Ha? Anong sinasabi mo? Nagbigay lang ng bulaklak nanliligaw na agad?" Sabi ko. Kahit kelan talaga. Bakit 'di kaya niya tanungin e kaibigan niya yon.

"Pangiti ngiti kapa habang binabasa mo ang letter." Seryoso niya pa ring sabi.

"Ano naman ngayon? Syempre Crush ko yon. Sino ba namang hindi matutuwa na bigyan ka ng bulaklak ng crush mo" masungit kong sabi.
Bigla na lang  tumunog ang cellphone ko.

Louis Calling

Tinignan niya ko at nakita niya kung sino ang tumatawag. Sinagot ko. Ano naman ngayon bahala ka sa buhay mo Steven.

"Hello Louis?"
"Hai Queen" bati niya sa'kin
"Nagustohan mo ba yung bulaklak?" Tanong niya habang palihim akong ngumungiti
"A-ahh.. O- OO naman" shet ba't ako nabubulol.
Habang ang kasama ko bigla niyang hinablot ang cellphone ko

"Steven ano ba akin na nga yan" Sabi ko. Problema neto?

"Louis?! Wag kang istorbo. Kasama ko siya." Seryoso niyang sabi kay Louis habang ako naman narinig ko tumawa sa kabilang linya si Louis

"O? Bro kalma. Nagtatanong lang naman ako" sabi niya habang humahagalapak

"Tsk?! Backoff Louis!! Kapag kasama ko siya dapat hindi mo siya ginugulo o tinatawag" at binaba na niya ang tawag.

"Ano bang problema mo Steven ha?" Nakakainis na siya.
"Ano bang paki mo?" Nakakaubos siya ng pasensya.
Hindi niya ko inimikan.

"Itigil mo yung sasakyan!" Sabi ko. Ubos na pasensya ko.

"Itigil mo sabi e!" Pasigaw kong sabi sa kanya.
'Di pa rin niya tinitigil

"Isa!" Pasigaw ko ulit sabi sa kaniya. Itinigil na niya ng marinig niyang gumagal ang boses ko sa sigaw.
Bababa na sana ako ng hinawakan niya ang braso ko.

"Ano bang problema mo ha Steven?" Galit kong tanong sa kaniya. Yung mata ko mayroon ng namumuong luha.
Di pa rin niya ko sinasagot pero nakahawak pa rin siya sa braso ko.

Hinablot ko ang braso ko sa kaniya agad naman niyang nabitawan.

Bumaba ako ng sasakyan kahit madilim at nakakatakot dito sa kalsadang pinaghintuan namin. Wala akong pake. Bahala na maglalakad ako.
Umiiyak na 'ko. Hindi ko alam kung anong problema niya nakakainis siya.

Naramdaman kong hinahabol niya ko kaya bibilisan ko sana ang paglakad ko pero bago ko nagawa 'yon. Niyakap niya ko mula sa likuran ko.

" SORRY! SORRY!" Sabi niya at ngayo'y umiiyak na din siya.
Hindi ko alam kung bakit pero parang alam ko ang sagot kung bakit  siya nagkaka-ganiyan.
Nung una binalewala ko lang pero ngayon na pinapakita na niya ang kabastusan niyang ugali sa kaibigan niyang si Louis at sakin hindi ko na papayagin dahil ubos na pasensya ko sa mga bagay na hindi naman niya sinabi kung anong problema.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now