Chpater 10

719 27 2
                                    

Isang araw nakita ko si Louis sa may hallway mag-isang naglalakad. Ito na ang pagkakataon para makausap ko siya. Wala kasi si Steven may inasikaso siya kasama niya Mommy niya. Nasa batangas sila ngayon. Sinasama niya ko pero hindi ako pumayag syempre. Bukod sa naisipan kong ito ang pagkakataon para makausap si Louis e ito din naman oras para asikasuhin niya ang mga bagay na mahalaga pa lalo na para sa pamilya niya yon.

Agad kong binilisan ang lakad ko para mahabol ko siya pero napahinto ako ng may kausap na siyang babae. Yung mala-nerd. Maganda at matangkad na babae yung nakabunggo niya sa canteen. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Pangiti ngiti pa ang magandang babae alam na alam mong maganda ang pinag-uusapan nila. Naglakad na ko papunta sa kanila at nabigla si Louis ng makita niya ko. Agad namang nawala ang ngiti ng babae. Agad ko namang tinaas ang kilay ko. Well siguro nakwento na ako ni Louis sa babaeng ito. Kaya ganiyan ang reaksyon niya. Well wala akong pake sa kaniya. Tsk.

"O? Anong ginagawa mo dito Queen? Nasan si Steven?" Tanong niya nang makita niya na pinagtaasan ko ng kilay ang babaing ito.

"Si Steven nasa batangas may inasikaso sila ng Mommy niya doon." Sambit ko ng nakatitig sa ka niya. "Well, kaya ako nandito kasi gusto kitang maka-usap." At tumingin ako sa babaeng kausap niya. "Kaya lang may kausap ka ng iba at mukhang maganda ang pinag-uusapan niyo kaya sa ibang araw na lang ipagpatuloy niyo na yan." Agad namang namula ang babaeng ito. Ok alam ko na yan. Basang basa ko na sa mata niya na gusto niya si Louis. Aaktong aalis na sana ako kaya lang biglang pinihit ni Louis ang braso ko.

"Wait lang..." At hinarap ang babaeng napaawang ang bibig dahil nabigla sa ginawa ni Louis.
"Ahmm.. Queen this is Beatrice Sanchez my bestfriend nung elementary and Trice this is Maria Princess Myqueen Sandoval" Siniko ko siya.

"Bakit kailangan mo pang buoin?" Bulong ko at nakipagkamayan kay Beatrice
"Well nice meeting you Beatrice" Pangiti kong sabi sa kaniya.

Ngumiti din siya at di makakaila na maganda talaga siya.
"Nice meeting you din"

". Ahmm Trice.. Bukas na lang ulit natin pagusapan. Text na lang kita kung makaisip pa akong ng bagong plano." Pagpapaalam niya kay Beatrice.  na hindi alam kung anong titignan yung Louis na nagpapaalam sa kaniya o yung Louis na nakahawak sa braso ko. Well, bahala siya. Napapangisi ako sa pinapakita niyang reaksyon.

"A-ah. O-oo sige. I-ikaw ang bahala." Aba't nauutal pa. Tuluyan na kong napangisi sa kaniya.

"Sige una na kami" sabi ni Louis

"Bye!" Sabay wave sa kamay ko sa kaniya at ngumiti. Nagwave na lang din siya at tuluyan na kaming umalis ni Louis.
"Ang ganda ng ngiti mo ah?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"A-ah? Anong bang pinag-sasabi mo? Magkaibigan lang kami non" paliwanag niya.

"Psh. Pareho ang mga ngiti niyo. Tapos kapag nag-uusap ang mga mata niyo parang kumikislap"
Pang-aasar ko ulit. Namula ang mokong

"He? Tigilan mo nga akong Queen. Siya nga pala nasa'n si Steven?" Pagiiba niya ng topic. Psh.

"Ah.. Nasa Batangas kasama niya Mommy niya. May inasikasong negosyo." Sagot ko sa tanong niya.

"Yun ba yung ka-business partner niya yung pamilya ni Rebecca?" Agad akong napatingin sa mata niyang halata namang hindi nagsisinungaling. "Nandon din ang pamilya ni Rebecca, actually pati si Rebecca nandoon. Ime-meet nila ang iba pa nilang kasosyo sa negosyo." Mahabang pagbibigay impormasyon sakin.

Bakit hindi sinabi ni Steven na kasama don sina Rebecca? Psh. Sarap mamigwas. Tae.
Ayos naman daw lahat kay Louis, lahat tanggap na niya. Buti naman.

Nadatnan ko ang mga kaibigan ko na sina Dianna at Cheska sa room na busy sa kanilang mga cellphone at parang kahit anong oras ay handa silang manuntok. Nasa'n ba ang mga jowa ng mga to?. Hindi nila napansin ang pagdating ko. Kaya hinayaan ko na lang sila. Hanggang sa dumating na ang Professor namin saka lang nila ako napansin.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now