Chapter 18

313 8 3
                                    

Rebecca's POV:

Minamasdan kita ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay maging akin
Mapupulang labi
Matitingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit

Napatinggil kaming lahat ng marinig namin ang isang malamig na boses at tugtog ng gitara sa labas

Nagbulungan ang tatlo at lito ko silang tinignan.

what's going on, guys?-,-

Lumapit si Cheska sakin at inakbayan ako. Ngumisi siya na parang aso at bumulong.

"Andito na sila." Bulong niya.

Kuryoso ko naman siyang tinignan. Lumapit ang dalawa at ngumiti rin ng pagka ganda ganda.

"Sandali, ayusan naman natin ang ating magandang kaibigan. Para naman lalong mahumaling si Julyo." Nagpipigil tawang sabi ni Dianna.

Julyo? What? Hindi ba Julius, yon? O? Shuxx sabi na nga ba, e.
--,

"Hep! Anong nanaman to? Kayo a? Hindi niyo ko sinasali sa mga patry na ginagawa niyo." Nagtatampo kong sabi sa kanila.

"Wag kang mag alala sa parting ito ikaw ang bida at ipapaubaya ko muna sa iyo ang aking ganda." Natatawang sabi si Queen.

Sa pato kanina lang inis na inis kay Dianna tapos ngayong kung makangisi at makatawa, parang tanga.

"Tss. Stop me. Tigilan niyo nga ako. Kung ano ano pinag sasabi niyo dyan e." Inis kong sabi at tumakas sa kanila papunta banyo pero nahuli ako ni Dianna.

"Wag ka ng umarte. Sige, ka. Ikaw rin." Sabi pa niya.

Wala na kong nagawa kung hindi ang magpahuli at agad naman nila akong pinaupo sa kama at kung ano ano ang nilagay sa mukha ko.

Huhuhu T__T kawawa ako sa mga 'to! Tulong! Ate Lau! Ma! Pa!

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
at sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumigil

Ang pangalan mo
Sinisigaw ng puso
Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin.

"Kung sino ko man na kumakanta dyan. Mabulunan ka sana! Buset! Pati ako dinamay. Nanggigil na ko sa mga 'to.">>_<< sabi ko sa isip ko.

Nilagyan ako ng konting make up. Inayos din nila ang kilay ko. Pati buhok ko na maayos naman pinag expertuhan nila.

"Ayan. Tapos na. Ganda mo!" Nanggigil na sabi ni Dianna. -,-

"Sandali wala pang lipstick." Sabat ni Queen.

"Wag mo ng bigyan. Maalis din naman kapag naghalikan sila." Si Cheska.

0_0 what? Anong maghahalikan? Kingina ng mga 'to. Ang daming alam.

"Kingina mo, Cheska. Kung ano anong pinagsasabi dyan!" Sabi ko habang tinuturo siya. Tumawa naman ang loka loka.

Huhuhu baka naman nababaliw na ang mga kaibigan ko? T__T WAG NAMAN PO SANA!

Tumawa sila. Habang ako ganito -.-

"O yung damit? Ayos na ba?" Taning ni Queen sa dalawa.

Yung dalawa naman nagkunwaring nag-iisip, e wala naman talagang isip.

"Okay na yan! Di naman huhubaran e." Sabi ni Dianna.

Wat? Anong huhubaran? Takte tong mga 'to!

"Anong bang huhubaran ang sinasabi mo Dianna?" Inis kong tanong sa kaniya at nag ngising aso naman siya.

"Tss-.- kanina ka pa pangisi ngisi mukha ka ng aso." Asar kong sabi sa kaniya at sumeryoso ng konti ang mukha niya.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now