Chapter 8

979 28 3
                                    


Pilit kong kinakalas ang kamay niya na nakapalupot sa bewang ko pero ang higpit ng pagkaka-palupot. Lalo pa niyang dinikit ang katawan niya mula sa likod ko at lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.

"Queen. Alam kong mali itong nararamdaman ko. Pero hindi ko kasi kaya na kunin ka sakin ni Louis! Hindi ko rin kayang makita na masaya ka sa kaniya" Sabi niya habang umiiyak. Nararamdaman ko ang hininga niya.

"Gusto ko ako lang ang kasama mo. Gusto ko ang nagpapangiti sayo. Gusto ko ako lagi ang pinagtutuunan mo ng pansin." Dugtong pa niya.

"Anong ibig mong sabihin? 'Diba  ang gusto mo ay si Rebecca? Hindi. Kaba-busted pa lang niya sa'yo kaya imposible ang nararamdaman mo Steven at hindi naman ako nagreklamo nung niligawan mo siya ah. Kahit nakikita ko na masaya ka sa kaniya wala kang narinig na salita na lumabas sa bibig ko. Bagkus pa nga ay tinulangan pa kita sa kaniya." Sabi ko habang humihikbi.

"Oo alam ko. Pero kapag kasi nakakasama ko si Rebecca lagi ko siyang naiku-kumpara sayo. Lagi ko ding hinahanap yung mga bagay na meron sayo kapag kasama ko siya. Lagi kang nasa isip ko kapag wala ka sa tabi ko." Sabi niya.

"Ayoko ko lang masira ang pinagsamahan natin kaya wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ang nararamdaman ko." Dugtong pa niya.

"Steven?! Bakit ngayon? Kung kailan nandito na si Louis? Bakit ngayon kung kailan si Louis na ang nagpapasaya sa'kin? Bakit ngayon? Bakit hindi pa noon?" Tanong ko sa kaniya habang umiiyak. Pilit kong inaalis ang braso niya sa bewang ko pero ang higpit parin ng pagkapalupot.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam" sabi niya habang unti unting lumuluwang ang braso niya sa bewan ko.
Hinarap ko siya.

"Steven?!hayaan mo muna akong mag-isip kailangan ko muna ng panahon." Sabi ko sa kaniya. Ang kamay ko naman ngayon ang hawak niya.
"Dahil ayoko na may nadadamay at ayoko ng may nasasktan" Dagdag ko pa.

"Ok. Sige sige maghihintay ako sa pasya mo" sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

Agad akong bumalik sa kotse. Inuwi na niya ko. Tahimik lang kami buong biyahe pero siya halatang hindi kampante dahil alam niya na unti unti nang nahuhulog ang loob ko kay Louis.

Ilang araw kong pinag-isipin yan. Minsan nga umiiyak pa ko dahil naiistress ako sa mga iniisip ko. Parang ayoko. Dahil ayokong sayangin ang limang taon na pagkakaibigan namin. Ayokong masira yon ng dahil lang sa bwiset na mali niyang nararamdaman.
Kapag pumasok ako sa room nakikita ko sa gilid ng mata ko na tinitignan niya dahil ngayon palang ata kami matagal na hindi nagkausap.
Kapag kasama ko si Louis at mga kaibigan ko lagi akong lutang nakakainis. Pero kapag minsan gumagawa ng paraan si Louis para mapasaya ako, dahil sa mga maliliit niyang sorpresa. Nagpaalam siyang manligaw sabi ko bahala siya. Hindi ako
umo-OO at mas lalong hindi ako humindi.
Kagaya ngayon nandito siya kasama ko. Habang nakatingala sa mga butuin sa langit at makita ang ganda ng mga mumunting kislap galing dito.
Hindi ko alam kung saan ito pero nakaupo kami sa may likuran ng kotse niya.

"Queen? Ayos na ba kayo ni Steven?" Biglang tanong niya na sakin na may hindi nagpa-imik. Nag-isip pa ko bago ko sagutin pero naunahan niya ko.

"Uhm!! Gusto mo ba?" Pag-iiba niyang tanong kinuha ko na lang ang Humburger.

"Hindi pa kami ok ni Steven. Siguro hindi muna ngayon kasi..." Hindi ko nadugtungan parang umurong ang dila ko sa susunod na salita na lalabas sa bibig ko.

"Hayaan mo na ganiyan talaga. Naalala ko nga noon lagi kang kinukwento sa'kin ni Steven" Sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Ako naman pinagmamasdan ko ang mukha niya may matangos ang ilog, may dimples at chubby cheeks. Ang cute niya Promise.

"Tapos noong tinuro ka niya sa'kin agad kang pumasok sa utak ko kasi alam ko na Crush mo na ko no'n pa." Sabi pa niya. Bigla namang uminit ang pisngi ko.
"Kaya ayun nung humingi siya ng favor na tulungan siya dahil kay  Rebecca doon ako nakakuha ng pagkakataon para makilala ka pa ng maayos" Dugtong pa. Napangiti naman ako sa kinuwento niya. Shett! Kinikilig ako!

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now