Chapter 15

377 8 1
                                    

"Alam mo, Rebecca, kung titiisin mo lang ang sakit na nararamdaman mo habang siya nandoon at masaya.. Tss.. Mamamatay ka" tumikhim siya at inakbayan ako. "pero kung kaya ng mga mata at puso mo na nakikita siyang masaya, magtiis hanggat hindi ka nalalagutan ng hininga." Humalakhak siya, dahilan kung bakit napatingin ako sa kaniya at siya naman ay diresto ang tingin mula sa malayo.

"Bakit ang lalim ng pinaghuhugutan mo, Ate Lau?" Pagtataka kong tanong sa kaniya "mayroon ka bang hindi sinasabi sa'kin?"

Umiling siya at tinignan ako.

Humugot siya ng malalim na hininga at ngumiti pero halata sa mga mata niya ang lungkot at parang may sakit?

"Hindi mo pa naiintindihan, Reb." Namuo ang luha sa gilid ng mga mata niya.

What? Bakit siya umiiyak? Hindi ba dapat ako ang iiyak dito? Tangina! What's happening to the world!?

"Anong hindi ko naiintindihan? Ate Lau?" Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya. "Itong nararamdaman ko? O iyang sakit na nararamdaman mo?" Napakunoot noo siya sa tanong ko.

"Pareho?" Tumawa siya ng bahagya at agad pinunasan ang luha na tumulo galing sa mata niya. "Tara na nga! Wag tayong magdrama ngayon.. Dapat nagsasaya tayo! Di'ba bakasyon ito?" Umiling siya at halatang pilit ang ngiti na pinapakita niya..

"Pero ate lau--"

"Rebecca! Wag mo ng pansinin. Baka magalit lang ako sa'yo kapag pinilit mo pa!" Naiinis na sabi niya bago ako tinalikuran.

Sumunod na ko sa kaniya at hindi na muling tumingin sa malayo.

Julius POV:

May mabigat na tingin akong nararamdaman kaya naman tumingin ako sa nga taong nasa paligid ngunit wala naman..nakita ko lang mga taong papalayo maglakad papunta sa mga kwarto nila.

Napatigil ako sa pagmamasid sa paligid ng magsalita si Ella sa gilid ko.

"Kuya, nagugutom ako." Sabay hawak niya sa tyan niya..

"Hindi ka nagugutom. Naka bikini ka kasi kaya ganiyan.. Sabi ko na--"

"Kuya!" Sigaw niya sakin. " anong kinalaman ng bikini pagiging gutom?" Hinampas niya ko sa balikat. "Ewan ko sayo..bahala ka nga dyan!" Inirapan niya ko at padabog na naglakad palayo..

Napailing ako sa ginawa niya.. Naglakad ako sa tabing dagat habang nanood ng nga tao sa paligid na maligayang nagtatampisaw sa kulay asul na dagat.

Ito ang gusto ko e. Kapag nagbabakasyom kami ng ganito parang dagat ang iniisip ko...sobrang lawak inaalala ko ang mga masasayang nangyari sa buhay ko para marelax..

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang isang pamilyar na babae na malayong nakatingin sa malawak na dagat..

Tumikhin ako at agad siyang napatingin sa akin.

"Julius?" Gulat niyang tanong "anong ginagawa mo dito?"

Napabuntong hininga ako kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko..

Napakagat labi ako..dahil hindi ko alam kung paano mag-uumpisa.

Rebecca POV:

Nakakarelax talaga kaoag nakikita mo ang dagat na tahimik at malayong malayo sa ingay sa Manila. Sana 'wag din itong sirain ng mga katulad kong tao. Sana maging mahalaga din ito katulad ng mga alaga nilang aso. Sa kahit gaanong kahalagahan ay mabigyan nila ito..hindi dahil kumikita sila sa mga turista. Sana isa din ito sa mahalaga sa buhay nila.

Napabuntong hininga ako kasabay ng pagtikhim sa gilid ko.

Napatingin ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Julius na nasa tabi ko.

"Julius? Anong ginagawa mo dito?" Kasabay ng pagtanong ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko..

Hindi siya kaagad nagsalita at tinitigan niya ko.

Ako ang bumitaw nakakalusaw ang tingin niya..kaya umiwas ako.

Alam ko naman na nandito siya pero hindi ko naman alam na makikita niya ko.

"Ahmm..actually kasama ko sina Mommy at Ella." Sagot niya at hindi pa rin naalis ang titig sa akin.. Kahit nakatagilid ako ramdam ko ang titig niya.

Ella? Yun ba yung kasama niya kanina? Well, anong paki ko? At kelan pa ako nagkaroon ng pake sa lalaking ito?

Napailing ako sa pinag iisip ko....Erase...erase..

"Ah.."

Umayos siya ng tayo at sumeryoso ang mukha.

"Ahm.. Reb?"

"Hmm?" Sagot ng hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa dagat.

"P-pwede b-bang---sshit!" Humarap siya sa dagat at napakamot sa batok.. Para bang nahihiyang magsabi ng sasabihin.

"Ano ba yon?" Malumanay kong sagot at humarap sa kaniya.. Halata sa mga mata niya ang hiya at takot.

"A-ahm.. P-pwede bang.." Iniwas niya ang tingin niya at napamura ulit. "Pwede bang..pwedeng bang.. sabay tayong mag lunch?"

"Huh?" Kunot noo kong tanong.."I mean di'ba kasama mo naman ang Mommy at si Ella..bakit ako niyaya mo?" Nag-iwas ako ng tingin. "May "Ella" ka na nga nilaladi mo pa ako" bulong na may kalakasan yung maririnig niya..

"Huh? Anong sinasabing mong Ella?" Pagtataka niyang tanong

"E di'ba nga ang sweet sweet niyo kanina tapos may paakbay akbay ka pang nalalaman tapos ngayon ako nanaman ang nilalandi mo? Tss.. Wag ako, Julius!" I'm sound like a jelous girlfriend! Ugh! Nakakainis!

Dapat nagbabakasyon ako dito, e. Hindi yung mabubusit ako ng mokong na to! Nakakapanira ng araw!

"Sandali nga, Rebecca."

Aba't sinundan pa ako ng gago. Hinigit niya ang braso ako at pinaharap niya ako sa kaniya.

"Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko.

"Sandali..pwede bang hayaan mo muna ako magsalita?"

"Ayoko! Ayoko! Ayoko!" Sabi ko habang isa isang tinatanggal ang daliri niya sa braso ko.

"Bakit ba ayaw mong makinig?" Huminga siya ng malalim at binitawan ang braso ko..kasabay din ng pagyuko niya.

Aalis na sana ako ngunit ng makita kong naging malungkot ang mukha niya ay parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko..

"Please..kahit ngayon lang makinig ka sakin..please!" Sabi niya habang nakayuko pa rin at napuno ng pagsusumamo ang boses niya..

Okay, Reb.. Huminga ng malalim..inhale...exhale...wag kang biiter!

"O-okay." Sabi ko na ikina angat ng mukha niya.

"Talaga?" Tanong niya at napalitan ng kasiyahan sa mukha niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Yay! Thank you!"

Tumalon siya kasabay ng pagyakap niya sakin.

Naestatwa ako sa ginawa niya..

"Ahmm-"

"Sorry"

"Okay, lang" sabay ngiti ko sa kaniya.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now