Chapter 4

864 26 0
                                    

Princess Myqueen POV

Nandito ako ngayon sa isang fastfood chain sa mall. Dito ko sinet ang pagkikita namin ni Rebecca. Hindi na namin niyaya yung dalawa kasi sigurado walang ibang gagawin ang dalawang yon kung di mamimili ng mamili. Kaya hindi na namin sinabihan.

Ang tagal naman ni Rebecca 30 minutes na siyang late. Tsk. Kanina pako nandito. Mukha na kong tanga kakatingin sa relo ko at sa mga dumaraan.
Biglang tumunog ang cellphone ko

Rebecca's Calling

Naku nasan na kaya 'to
Rebecca: hello queen?
Ako: hello nasaan ka na? Kanina pa ko dito Rebecca ang tagal mo.
Rebecca: traffic queen hindi ako makasingit. Pero malapit nako.
Ako: saan na ang malapit na yan? Ha?
Rebbeca: basta malapit na ko.
Ako: sige sige bilis bilisan mo.
Rebecca: haha oo sige. Bye.

End Call

Nakuu!! Rebecca nahahawa ka na talaga kay Dianna hindi maganda yan. Sabi ko sa isip ko habang umiiling.

Ilang minuto ang lumipas dumating na rin si Rebecca.

"Ano bang sasabihin mo? Grabe ang traffic!" Sabi niya habang paupo.

"Nagmamadali ka bes? May lakad? May lakad?" Pilospo kong tanong.

"Hindi man. Dito lang naman ang lakad ko" sabi niya habang pilit ang ngiti niya.

Kahit kelan talag tong babaeng to.

"Bakit biglaan ata ang pagyaya mo sakin? At hindi pa kasama ang dalawa ha?" Tanong niya.

"Kase makakagulo lang ang dalawang yon sa sasabihin ko sayo" sagot ko sa ikalawa niyang tanong.

"So ako palang ang sasabihan mo ngayon? Napaka importante naman ata niyan." Sabi niya sakin

"Ha--haa? Si Steven kasi?" Nabubulol kong sagot sa kaniya.

"O napano si Steven? Nag-away ba kayong mag-bestfriend?" Tanong niya habang ako kinakabahan hindi alam kung paano sasabihin sa kaniya ang plano ni Steven.

"Ahm?-- Si Steven may ano kasi? Ahm--" Takte bakit ako nabubulol?

"Anong kase?" Tanong niya

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. Nakapagdesisyon na ko sasabihin ko na.

"Si Steven na kaibigan ko gusto ka niyang ligawan" Sabi ko sa kaniya at biglang namula ang pisngi niya. Aba? Kinikilig ang gaga.

"Si Ste- Steven? Ma--may gusto sa--sakin?" Tanong niya. Aba? At nabubulol pa siya ha.

"Oo. Ulit ulit bes? Unlimited?" Sabi ko sa kaniya at biglang ngumiti ang gaga masyadong halatang kinikilig.

"Bakit ikaw ang nagsasabi? Bakit hindi siya?" Tanong niya matapos niyang nguyain ang hamburger sa bibig niya.

"Malamang torpe. Magpapatulong ba yon kung hindi siya tinotorpe?" Pilosopo kong tanong sa kaniya.

"Tsk.! Sabihin mo sa kaniya siya ang lumapit at magtanong kung pwedi. Hindi porke kaibigan kita at kaibigan mo siya e pwedi ko ng sabihin sayo ang sagot. At chaka hindi naman ikaw ang manliligaw siya." Tuloy tuloy niyang sabi. Aba nahawaan ko na ata sa pagiging pilisopo 'tong babaeng to.

I'm Secretly Falling Inlove  with My Bestfriend💓Where stories live. Discover now