03: Campus Playboy👑 Quinn Nicole 👑
Ramdam ko ang masasamang titig ng mga kaklase ko sa'kin.
At para mas malupet, kitang kita ko dahil sa harapan ko sila. Napaka-angas~!
Bakit kamo? Akalain mong katabi ko ang may dramatic entrance na badboy? Sino siya, aba'y hulaan mo.
Sorna, beastmode ako. Anyways, walang iba kundi si King ng mga tar*ntado—este, ng school na 'to. Ehehe.. *kamot ulo*
Kaya pala ako pinagbubulungan kanina kasi katabi ko ang upuan niya.
Ngayon lang ako napadpad sa silver section, mga bes. Malay ko bang dito siya sa tabi ko nakaupo? 😵😵
Nakatitig lang ako sa nakabuklat kong libro sa science. Nagle-lecture pa rin yung science prof pero pasok sa isang tenga labas sa isa pa ang nangyari sa'kin.
"Ms Kaligayahan? MS KALIGAYAHAN!" Napaangat ako ng tingin dahil sinigaw na nung prof ang apilyido ko.
Ano bang problema mo at gustong gusto mong sabihin ang surname ko?! Sarap isigaw eh! Kung 'di lang talaga 2nd day ng school. 😒
Medyo napahagikhik ang iba kong kaklase kaya medyo pinalobo ko ang mga pisngi ko.
"OMG. Ang cute niya!"
"Why does she looks like a cute kitten? Huhu, unfair."
And atbp.
They were murmuring something na 'di ko marinig.
Sinagot ko na lang ang prof na nasa harapan ko, "Sir?" Mahina kong tugon.
"Ms Kaligayahan, are you even listening?" Tanong ni Sir. Nginitian ko siya ng matamis, "Of course sir!" Kahit hindi. 😂
Magtuturo pa sana si Sir nang mag-bell na.
~🔔triiiiiiiiiingiiiiing🔔~
Walang sabi-sabi na lumabas ang mga kaklase ko.
Bagsak sa GMRC ang mga 'yan. Huehue! 😂😂
Tumayo ako at hinablot ang bag ko. Muli, nginitian ko si Sir. "Goodbye Sir."
Uwian na, pero napagisip-isip ko, sa 'di malamang dahilan, na pumunta muna sa rooftop ng college department.
~⌚10 minutes later⌚~
Hutaa~! 'Di ako na-inform na hanggang 8 floors pala itong building na 'to! Huhu, buti na lang mababang wedge lang ang sinuot ko. 😌😌
Pagkarating ko do'n, nagpasalamat muna ako sa Diyos dahil hindi siya locked. Yehey!
"Hmm.. Ang lakas ng hangin dito!" Humahagikhik kong saad. Itinali ko sa isang boknai ang buhok at hinubad ang blazer ko.
Naiwan ako sa mini skirt na may shades ng asul at isang long sleeved polo. Ni-loosen ko ang tie na suot ko.
Napalingon ako sa likod ko dahil may narinig akong sumipol na parang manyak. Nanlaki ang mata ko sa kung sinong demonyo ang nakita ko.
Diyos ko, ba't puro demonyo ang nakikita ko? Sabihin niyo po sa'kin ang dahilan? 😩
Sino ang nakita ko?
Walang iba kundi ang nag-iisang toy collector, si Hans Paul.
Yup, isa din siya sa tuturuan ko. 😭
🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼
SABAAAAAAAAAW chapter, agree?
GIVE ME FEEDBACKS GAIIIS!
P.S;
Dedications are now available. 😍 Just message me or comment down below. 😍🔫
⏬
BINABASA MO ANG
King's Queen of Nerds
Teen FictionQuin was never one to explore. Pero nang mapunta siya sa higher section, she took it as an adventure. Para siyang prey na mabilis maka-attract ng predators. Predators that are also known as the school's badboy and playboy. Yep, Quin was never one t...