Chapter 9 - We're back? Ft. Hanz Paul

105 13 12
                                    


Chapter 9 - We're back? Ft. Hanz Paul

h a n z  p a u l

Nung nalaman kong nagquit si Nicole, feeling ko malungkot ako na masaya? Weird diba?

Malungkot dahil hindi ko na makikita si Nicole? Posible. Pero, masaya dahil hindi na kami magtsututor? Dipende..

Parang nakadevelope na ako ng feelings sa kan'ya eh, hindi pa lang sigurado.

Pero kung talagang gusto konsiya, sana siya na yung last. :)

k i n g  e r r e n

"Ulol? Bakit ka nagso-sorry? Weird naman kasi talaga yung pangalan ko.. Haha, queen? Sa mukha kong 'to? Ikaw pa nga nagsabi na masyadong marami ang flaws ko eh." Humagikhik siya pero habang ginagawa niya 'yun, nagtunog mapait lang.

"Hala. Lalo ka bang naguilty? Okay lang 'yun! Sanay na ako." Ngumiti siya na hindi abot sa mata.

"N-Nicole, I-I lied." Napalingon siya sa'kin. "Ha?" Taas-kilay niyang tanong.

"H-hindi ko naman binibilan ang imperfections mo eh, kasi halata namang kahit bilangin ko, wala akong makikita." Nahihiyang sabi ko, narinig ko namang tumawa ng mahina si Nicole. Pero napait na tawa pa din.

"Hindi mo kailangan magsinungaling. It doesn't matter anyways." Sabi niya.

I heaved a sigh. Hindi na talaga siya maniniwala. "So hindi ka na namin tutor?"

"Since nagsorry ka na naman. I'll think about it." Nakangisi niyang sabi.

"Ba't kailangang ako lang ang magsorry? Tumawa din naman si Hanz ah?!" Parang bata kong sabi.

"Gago! You caused a lot more damage!"

h a n z  p a u l

Nakita kong naglalakad papuntang next class so Nicole kaya humabol ako.

"Hi, Nicole!"

"Ay tanga!" Nabitawan niya yung mga librong bitbit niya.

Nilingon naman niya ako, "Uy Hanz!"  Nginitian ko siya at tinulungan na pulutin ang mga librong nakakalat sa sahig.

Bagay na nga kami ni Nicole eh. Bakit? Mamaya ko na sasabihin..

"So.. Tutor ka na namin ulit?" Nahihiyang tanong ko.

Humagikhik naman siya, "Gusto mo bang ako ulit tutor mo? Hindi ka ba naiistriktuhan sa'kin?"

"Strikto ka, siyempre! Pero ikaw lang kaya ang babaeng hindi nagkakandarapa sa'kin—este sa'min." Nginisian ko siya.

Tinignan niya ako ng masama, "Tss! Conceited!" 'Tas bigla siyang tumawa.

Naginit naman ang mga tenga ko nang marinig ko yung tawa niya.

Malakas pero malambing. Ang cute sa pandinig.

Nginitian ko siya. "Oh nandito na tayo sa classroom mo. Bye." Nginitian ko siya ng mas malapad pa sa kanina.

"Oo nga 'no? Sige, pagiisipan ko pa kung babalik ako bilang turo niyo. Bye!"

Ngingiti-ngiti akong naglakad palayo.

Bagay na tayo Nicole.

Quin Nicole Kaligayahan pala ang buong pangalan mo eh.

Buong pangalan ko nga pala, King Hanzrick Paul.

THE TWIST CAME. YAY! Napag-isip isip ko na masyadong halata kung sino ang magiging kahappily ever after niya kung isa lang ang may pangalan na King 'di ba? AT! Wala pong kasiguraduhan na si Erren po ang magiging partner niya sa dulo. Because I don't wanna be cliché and such. (LOL)

This is like a CONGRATULATORY CHAPTER dahil 13 reads and 8 votes na ang athazagoraphobia.. YAY! Tsaka dahil na din we're half way to 300 reads! But we still have 30 votes. Its not even increasing but who cares? May nagbabasa that's it! :)

So.. Be sure to check out athazagoraphobia. Link below. :)


http://my.w.tt/UiNb/qaqQkr113C

v o t e | c o m m e n t | s h a r e

*3*, Stay Wild! CURLS!

King's Queen of NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon