Chapter 17 - You're an Asshole

43 3 6
                                    

credits to NerdNikkichan for the plot of this chapter. thank you bes 😫 i dont know kung makakapag update ako if it weren't for you. 😅

x X x

f l a s h b a c k
: 2 y e a r s a g o
: j u l 2 0

"E-excuse me!" Pilit na sigaw ng isang babae habang nakikipagsiksikan papasok ng isang mall.

'Ano ba?! Huwebes naman ngayon ah, bakit andaming tao sa mall?!'

"E-excu- OOMF!" Hindi niya naituloy ay kaniyang sasabihin nang may nakasiko sa kaniyang pisngi.

'SHIIIIIIIIIIT!'

Napatigil ito sa paniniksik papasok ng mall at napahaplos sa nakatutuyang pisngi.

"Napaka-agresibo naman nila," bulong nito habang nakasapo pa rin sa nananakit na pisngi, "Hmp, makauwi na nga. Putcha."

"Uh, miss?" Napalingon ang babae sa humawak sa balikat niya. "Ano?! Dalian mo at badtrip ako ngayon." Naiiritang sabi ng dalaga.

"S-sorry nga pala!"

"Ba't ka nagso-sorry?"

"Ako yung nakasiko sa'yo."

"ANO?!-HOY BUMALIK KA DITO WALANGHIYA KAAA!"

e n d o f f l a s h b a c k

Napahagikhik ng kaunti ang isang dalaga habang nakatitig ito sa kalayuan ng himpapawid.

"Tangina mo nung araw na 'yun eh.." Nakangiti ito habang binulong sabay sa hagaygay ng hangin sa madaling araw..

f l a s h b a c k
: 2 y e a r s a g o
: o c t 6

"Ano ba, Knight? May exam tayo bukas, kailangan mong mag-aral. Babagsak ka nanaman ulit." Mapantuksong sabi ng dalaga sa binatang nakasimangot ng palaro.

"Edi, pakopyahin mo na lang ako!" Halos magmakaawa na ang binatang si Knight sa kasama niya.

"Mamaya na tayo mag-aral, Quin. Dito muna tayo." Huminahon ang detalye ng mukha ng binata at gayun din ang sa dalagang ngumiti ng maliit, "Sige. Basta mamaya, focus na tayo sa pag-aaral."

Umupo silang dalawa sa ilalim ng madilim na kalangitan, kung saan kumukurap-kurap sa kanila ang mga tala.

"Hmm.. Knig-"

"Quin Nicole Kaligayahan.." Napatigil ang dalaga nang sambitin ng kasama ang kaniyang buong pangalan at napalingon ito sa kaniyang mga mata nang hawakan ng binata ang kaniyang kamay.

Tumayo silang dalawa, ngunit sabay no'n ay ang 'pag luhod ng lalaki sa isang tuhod nito..

"Quin, reyna.." Walang ibang tao kung kaya maririnig kung ga'no kalambot sinambit ng binata ang kaniyang pangalan.

Walang ibang tao ang nakasaksi, pwera na lang sa mga tala at damong nakapalibot sa kanila..

"Will you be my girlfriend?"

e n d o f f l a s h b a c k

Tumigas ang tingin ng dalaga sa kawalan.

Pinagtangis niya ang kaniyang oanga nang matandaan niya ang araw na iyon..

"Tangina mo din nung araw na 'yun.." Sabi ng dalaga bago siya humiga sa kama at tinakpan ang kaniyang mga mata gamit ang braso.

f l a s h b a c k
: 1 y e a r a g o
: f e b 1 5

"Hi, Knight~!" Palambing na sabi ng dalaga habang sinalubong ng yakap ang nasa pinto ng bahay niya.

"Ba't wala ka kahapon, Knight? Ginawan pa naman kita ng chocolates para sa Valentine's!" Tuwang-tuwang ani ng dalaga, tila hindi napapansin ang kakulangan ng pagtugon ng lalaki sa kaniyang harapan.

"Mayroon ka bang dalang reverse chocolates*? Ha? Huy, okay.. Ka lang.. Ba?" Mabagal na natapos ng dalaga ang kaniyang sasabihin ng makita ang tingin na pinupukol sa kaniya ng kasintahan.

"A-are you okay, Knight? Ba-bakit ba-"

"Quin, let's break up..."

Natigil ang dalaga sa pagsasalita nang marinig niya ang mga katagang 'yon.

Ang tinging binibigay sa kaniya ni Knight ay tingin ng pagkasuya, pagkairita at galit.. Halo-halong negatibong emosyon,

'Tas kasunod no'n ay ganoong mga salita?

'L-lokohan?' "A-ayos k-ka lang ba, Kn-Knight? J-jo-joke ba 'to?"

Katahimikan.

Iyan ang binigay na sagot ng kasintahan-ng lalaking minsa'y naging parte ng buhay niya.

"Baka parte 'to ng paparty mo sa'kin ngayong valentine's.. 'Yun 'yon 'di ba?"

Ngunit wala ulit.

Para siya nasa chat, pero ni hindi man lang i-seen ang sinend niyang message.

"Quin, please.."

Ni hindi niya sineen yung mga messages na 'yon pero nagreply siya agad.

Tapos tsaka ka niya b-in-lock.

Kasabay nang pag-alis ng lalaking minsa'y minahal siya.

Ay kasabay rin ng pagpira-piraso ng puso niyang naka-ayos lang ang korte ngunit walang tape o glue.

Masakit.

e n d  o f  f l a s h b a c k

Nabasa ang kanyang siko na nakatalukbong sa umiiyak niya mga mata.

Tulad ng kung pano niya tinakpan ang kaniyang bibig para hindi marinig ang mahina niyang paghikbi.

It was 4:37 AM.

May pasok pa mamaya, pero wala pa rin siya tulog.

Napabalikwas siya nang tumunog ang kaniyang cellphone.

Knight Simmonelo sent you a friend request..

Napangiti ng mapakla ang ang dalaga. at napahiga ulit sa kama..

"Tangina mo pa din hanggang ngayon.."

"You're an asshole, Knight."

"But I used to love that asshole.."

x X x

thanks for the support gaiis 😭 i super love all of you for staying with me. 😢 salamat sa lahat ng naghintay. especially sayo jayroom salamat at mine-message mo ako about sa KQN 😆 kyaaaaa  kinikilig ako dahil sa inyo 😂 until the next update~

e n d  o f  c h a p t e r   1 7 . . .

reverse chocolates* - ito ang tawag sa chocolates na binibigay ng lalake sa kanilang napupusuan

King's Queen of NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon