Chapter 10 - Lakwatsa Gang
q u i n n i c o l e
Akala ko pa naman makakapagpahinga ako.
Pinapaasa lang nila ako tulad ni Yeng! ><
Maganda gising ko ngayon.. Sabado na eh. Yehet! XD Naghilamos muna ako bago bumaba, siyempre nagtali din ng buhok.
"Good morning Nicole." Bati sa'kin ng dalawang lalaki. "Morning." Bati ko pabalik.
Ininom ko ang nakahandang kape na mainit-init pa.
Buti naman nakapagpahinga ako mula sa events nung mga lalaki. Haaay.
Dalawang lalaki.. Dalawang lalaki. DALAWANG LALAKI?! Naibuga ko kay papa yung kape.
"Ano ba 'yan! Nicole, kakatapos ko lang maligo!" Binalewala ko na lang ang sabi ni tatay at lumingon sa sala.
"Anong ginagawa niyo dito?!" Pasigaw kong tanong. "Uh.. Nakikiupo?" Takang tanong ni Hanz.
"ALAM KO 'YUN! Hindi naman ako bulag eh." Inirapan ko sila. "Ang ibig kong sabihin, bakit kayo nandito?"
"GALA TAYO!" Napabuga na lang ako ng hangin.
Huhu.. Akala ko pa naman makakapag-basa ako ng libro ngayon.
"S'an ba tayo pupunta?" Sabi ko habang pilit na nagpupumiglas sa hawak nila. Hawak nilang dalawa ang mga kamay ko, walanjo lang.
"Ewan ko." Sabay nilang sabi. Napabitawa naman ako sa kanila, hinihila ko kasi sila pabalik.
"ANO?! So, nagpunta kayo sa bahay ko para maggala nang walang plano?! Wala na talaga kayo sa pag-iisip niyo ano?" Nginitian lang nila ako ng malapad.
Argh! Napakapasakit sa ulo ng mga 'to!
"Kumain na muna tayo!" Pagpupumiglas ko nang madaanan namin yung KFC, naks endorcer! lolol
"Eh kumain na kami eh—!" Pagtatantrums ni Hanz.
"Pwes ako, hindi! Kaya kakain tayo, hindi tayo gagala hangga't 'di pa ako nakakakain. Mga ulol." Sabi ko at pumasok ng KFC. Bahala sila d'yan.
Dumiretso ako sa counter at tinitigan ang mga nakadisplay na pictures ng mga pagkain nila.
Nagugutom na talaga ako!
(moments later..)
"Hindi ka pa ba tapos, Nicole?" Sinamaan ko ng tingin si Hanz. Tinutok ko sa kan'ya yung drums stick. "Ikaw, manahimik ka ah? Hindi talaga tayo gagala 'pag hindi ako nabusog!"
Sumubo ulit ako ng kanin ta's nagscoop din ako ng sundae.
"Hayaan mo na si Quin, Hanz. Reyna nga 'di ba?" Rinig kong sabi ni Erren. "'Yan reyna? Tignan mo nga kumain—!"
Biglang hinigit ni Erren ang kwelyo ni Hanz at parang may binulong dito. Nakita ko naman kung pa'no kumunot ang noo ni Hanz.
"Ano 'yun?" Tanong ko. Naubos ko na kasi yung rice, inuubos ko naman ngayon ang soaghetti.
Madami kasi akong inorder. Gutom talaga ako eh, wala namang apila yung cashier tuwang-tuwa pa nga eh. Dahil kasi sa'kin, may bonus siya. lololol
"Ang dungis mo naman kumain." Sabay na sabi nila. "Ows? Talaga?" Sabi ko tsaka pinunasan ang bunganga ko gamit ang sleeves ko. "Wala naman ah?" inosente kong sabi.
Kunyari walang nangyari. Hehe. "Tapos ka na ba?" Nababagot na sabi ni Hanz. Binelatan ko siya, "OO NA!"
(more moments later..)
"Bitawan niyo ako! Ano ba?!" Singhal ko sa kanila.
"'Nu ka ba, Nicole? Nandito na tayo, oh! Kulang na lang ang sumakay tayo. Kaya halika na!"
"Tangina mo! Nasa tamang pagiisip pa ako para sumakay d'yan at mamatay! Bitawan niyo 'ko!" Pagpupumiglas ko.
"Hoy, Quin! Nakakahiya ka!" Napalingon naman ako kay Erren, "Oh tapos?" Bagot kong tanong.
Naiirita namang kumunot ang noo niya.
"'Wag na lang dito! Do'n na lang sa iba!"
"HINDI!" Sabay nilang sigaw.
. . . .
[ r o l l e r c o a s t e r ]
"AAAAAAAAAAAAAAH!" Tili ako nang tili habang patuloy sa paakyat-baba yung roller coaster. Walang'ya ang gumawa nito, ipapatokhang ko! Nakadrugs 'yun para gumawa ng nakamamatay na bagay na 'to!
Baka druglord pa nga eh!
"TATAY! AYAW KO PANG MAMATAY!" Pakikisabay ko sa mga naghihiyawan na kasaby namin.
Hanggang sa nandun na kami sa parte na parang loop.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may camera do'n.
Nakangisi ang dalawang lalaki.
At nung nasa harap na kami ng camera..
*chu~*
[ g u n ' n ' s p l a s h ]
Mahigpit ang hawak ko sa baril na nasa kamay ko.
Ni isa wala pa akong tama, at gusto kong panatilihin 'yun ng gano'n hanggang sa makalabas kami.
Nakasilip ako mula sa isang stack ng sako, sapat na para itago ang nakaluhod kong katawan.
May nakita akong palabas kaya hinanda ko na ang nerf gun ko.
Oo, nerf gun. As in, watergun.
Nakita kong lumabas si Hanz sa pinagtataguan niya, nang hindi ako napapansin.
Nang tumalikod siya ay nakangisi at mabagal akong tumayo.
"Caught you." Sabi ko.
Pero nagulat ako nang nakangisi siya humarap sa'kin..
"Counter." Sabi ng taong nasa likod ko.
Erren..
[ h o r r o r h o u s e ]
Mahigpit ang hawak ko sa mga braso nila Hanz. Hindi naman ga'nong nakakatakot, malamig lang talaga siya kaya nangininig ako.
"Natatakot ka ba?" Baling sa'kin ni Erren. "Ang lamig lang." Nakanguso kong sabi.
Maya-maya, may naramdaman akong humigit sa paa ko, napatalon ako sa gulat
"G-gusto ko na talagang lumabas.." Lalo kasing lumalamig, pero pinagpapawisan ako.
Suddenly I felt dizzy, tila pagewang-gewang ang paningin ko.
Natumba ako at buti na lang, nasa magkabilang gilid ko sila kaya nasalo agad ako ng kung sinong nasa kaliwa ko..
"Nakakapagod,"
Yo. Sorry ngayon lang ang UD. Hinabaan ko naman eh, atleast I tried. lololol Anyways, GAIIS! MALAPIT NA TAYONG MAGKA-300 READS! Mind you din na magkakaro'n ng special chapter sa araw ko. :) The special chapter will not affect the story's flow, take it as a bonus one. :) 'Yun lang. Good night! :)
s t a y w i l d . c u r l s !
BINABASA MO ANG
King's Queen of Nerds
Teen FictionQuin was never one to explore. Pero nang mapunta siya sa higher section, she took it as an adventure. Para siyang prey na mabilis maka-attract ng predators. Predators that are also known as the school's badboy and playboy. Yep, Quin was never one t...