Chapter 18 - I Can Fit The World in My Hands

44 3 3
                                    


x X x

Quin's POV

Pasimple akong gumagawa ng assignment sa gitna ng discussion ni Ma'am.

Bakit? Kasi malupit ako.

Echos lang. Kakadrama ko kanina nakalimutan kong may essay pala kami, kaya eto ako. Paspasan. ಥ_ಥ

Tumigil ako sa mabilisan kong pagsulat sa aking papel at nagtaas ng tingin patungo sa hilera ng mga upuan sa gitna ng kwarto.

Nakipagpalit ako ng upuan sa isa kong kaklase para makalayo ako sa dalawang bwisit sa buhay ko.

Pero isa lang talaga yung laging nakakapukaw ng mga mata ko.

Ayun siya oh.

'Di nakikinig. Nakapahalumbaba, at naka-simangot base sa hugis ng kaniyang mukha mula sa lugar ko.

Halata sa kaniyang uniporme na nakipag rambulan 'to kani-kanina lang.

Munti akong napangisi.

Sino nanaman nakapikon sa'yo?

Umiling ako ng bahagya upang 'di makita ng guro at bumalik sa'king palihim na misyon upang matapos ko ang takdang aralin na 'to.

King..

x X x

Simula no'ng natigil na 'ko sa pagtu-tutor sa dalawa, bumalik na ang lahat sa normal.

Maliban sa isa.

"REYNA!"

Napapikit ako nang umalingawngaw ang sigaw na 'yan sa buong corridor.

Natahimik ang lahat kaya rinig ko ang mabibilis na yabag papunta sa'kin.

Teka, sobrang dami ata—

"HI NICOLE!"
*gasps*

Lahat ng nakakita ay napasinghap.

But why the hell not?

Me, a local nerd, was approached by the two most popular guys at school.

Muntik na ngang sumali yung bagong hunk transferee(as said by others).

Nakasandal si Hanz sa locker, blocking my view of Knight.

Nginitian ko sila ng maliit, "Thanks guys. I owe you."

Pagkasara ko ng locker ko ay naglakad na ako palayo sa scene na 'yon, mahigpit kong yakap ang aking bag.

"Anong thanks?" Nagulat ako nang may nagsalita sa tenga ko at inakbayan ako.

Muntik na akong matumba ngunit buti na lang hindi iyon hinayaan ni Eren.

"Whoa there." Ani ni Eren. "A-ano ba? Sa'n niyo nanaman ako dadalhin?" Reklamo ko habang nagpupumilit na makawala sa akbay ni Hanz.

"Cutting tayo!" Nakangising yaya ni Hanz. Pag-yaya nga ba o wala na 'kong choice?

Pakshet kasi, ba't kasi ang lalakas ng mga lalaking 'to?

x X x

Hinatak nila ako sa isang abandonadong amusement park.

"Alam kong panget ako pero 'wag niyo akong i-judge ha. 'Di niyo naman siguro ako re-rape-in 'no?"

Humalakhak lang silang dalawa.

Nagpumilit akong makakawala sa hawak nilang dalawa.

"Putangina niyo, bitawan niyo 'kooooo!" Umalingawngaw sa walang katao-taong pook pasyalan ang sigaw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

King's Queen of NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon