CHAPTER 4 - The Life of THIS Nerd✒

181 13 13
                                    


04: The Life of This Nerd✒

👑Quinn Nicole👑

Medyo matagal kaming nagkatitigan ni Hans, THE Campus Playboy.

"Ikaw ba yung sumipol?"  Nakakunot noo kong tanong. Tinignan lang niya ako na parang nandidiri.

Ay grabe siya oh. Mas madami kaya siyang germs, kung sino-sinong hipon ang nalapit sa kaniya. Yung mga hipong cheap, at yung mga binebenta sa kalsada. Madume? Haha! 😂😂👏

"Ano ka, si Miss Columbia? Assuming?"  Nakangising sabi nito na sadyang tama lang para mapainit ang ulo ko.

" 'Di ka naman maganda. 'Di ka naman seksi, so bakit kita sisipolan?"  Nakangisi pa rin siya. "Baka nga, nagtanggal ka talaga ng blazer mo eh kasi alam mong nandito ako."

Medyo napahagikhik pa siya do'n. Ang kapal, mga bes!

"Hala siya, eh hindi naman siya kainte-interesado. 'Di tulad nung libro, pangit nga ang panlabas—may laman. Eh yung isa, naku! Yung labas lang yung inaalagaan!"  Nakita ko ang siya namang paglukot ng mukha niya.

Natapakan siguro ego! 😂😂

Dinilaan (bakit parang green?) ko siya at nagmamadali na tumakbo palabas.

➖➖➖➖➖

Walang katok-katok akong pumasok sa bahay. "Hi."  Yup, tipikal na HI ang lumalabas sa bibig ko kaysa sa pabebeng I'M HOME. Pwe!

Wala man lang ang lumingon sa'kin dahil tutok sila sa kaniya-kaniya nilang personal na gawain.

At oo, 'personal' na ang pag-popost ng 'public status' sa social media. Yup, napaka-personal.

Lumabas sa kusina ang walang iba kundi ang tatay ko, ang nanay ko? 'Wag mo na tanungin kung saang lupalop ng mundo siya dinala ng instagram.

"Magandang hapon, 'tay." Hinalikan ko siya sa pisngi. May hawak pa siyang sandok na may butil-butil pa ng kanin at naka-pabebeng apron pa na may mukha ni Lola Nidora.

"Nandito na ang aking pinakamasipag na junakis!"  In-emphasize niya pa ang masipag na word para paringgan ang mga kapatid at ang nanay ko.

Nasabi ko na ba sa inyo na malandi ang tatay ko—este, bakla ang tatay ko. Akalain mo 'yun? Bakla nakabuntis?

Iba talaga epekto ng alak. Haha. 😂

"Taas muna po ako."  Nginitian ako ni tatay, "Batopkorsmaydarleng! Madami ka namang itinutulong sa'kin eh. Tama lang sa'yo ang magpahinga."  Tinapik ni tatay ang likod ko.

Bumungad sa'kin ang kung anong iniwan ko din kaninang umaga..

Isang poster ni Ford Valencia ang nasa pader at isang sulok na lang nito ang kumakapit sa double sided tape.

Nakabukas din yung bintana kung saan sinampay ko kagabi ang mga cyclings ko.

Lalo akong napailing nang mapadako sa kama ang tingin ko. Magulo pa ang comforter na ginagamit ko bilang kumot, nasa sahig at half under the bed ang unan kong lumulubog—aka, magic pilow.

Hihiga sana ako kahit magulo ngunit 'di ko na lang tinuloy dahil wala ng natirang space dahil sa makakalat na school works.

" 'Di ko na kaya 'toooooo!"  Napasigaw na lang ako habang hinihila ng bahagya ang buhok ko.

Nafru-frustrate kong hinablot ang spare walis tambo at isang hagul na butas butas na dustpan.

A F T E R  1  H O U R . . .

Napahilata ako sa kama ko habang parang bagyo kung tumulo ang pawis ko sa noo ko.

Malinis na ang kwarto ko..

Alam niyo bang sa ganitong sitwasyon ko kinakanta ang For The First Time In Forever ng Frozen?

Wala kasi akong time maglinis ng kwarto ko, si tatay naman ay busy sa papo-prostitute—este, bartender sa isang restobar. At ang mga kapatid ko? Sabihin na lang nating.. Naka-drugs, sa puntong mas gugustuhin pa nilang lunukin ang isang tablet kaysa sa isang tunay na pagkain. 😒

[SFX: Ringtone]

Binuksan ko ang CP ko at nakita ko ang pangalan ng bestfriend kong tinakbuhan ako kanina..

K I N A B U K A S A N . .

Alam niyo yung sitwasyon na, kakapasok niyo pa lang ng school pinaoatawag na agad kayo ng dean?

Patawa si sir diba? Sir, gaguhan ba?

Tatlong beses akong kumatok sa pinto bago ako pinapasok.

Pagkapasok ko, nagtanong ako sa Diyos..

Lord.. Bakit ang malas ko? Kinukuha niyo na ba ako? Kasi, nasa harap ko ang dalawang anak ni Kamatayan eh. 😭

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼🌼

READER: OMYGASH BUHAY PA PALA OTOR NG TKQN? AKALA KO NILIBING NA 'YAN?

Sorna fo for the LATE LATE LATE LATE LATE 100x UD. At alam ko din na hindi talaga bawi sa chap. na 'to dahil certified sabaw talaga.

Nawalan po kasi kami ng wifi kaya ngayon lang po uli nakapag-update.

Gomenasai~!

   ⏬

King's Queen of NerdsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon