Hey I'm baaaack~. 😋 for now. 😂
x X x
Quin Nicole's POV
Simula nung insidenteng 'yun, iniiwasan ko na ang dalawang King na 'yun.
Pasalamat na lang rin ako sa Diyos na tapos na ang mga sessions ko sa kanila. Dahil sa pagkakatanda ko, half of the school year ko lang sila itsu-tutor.
Pero..
Ewan ko, nadissapoint ako bigla.
Ah basta! Dahil sa dalawang 'yun, muntik nang bumaba grado ko sa ilang subject. The irony though, nagtsu-tutor ako pero bumaba yung grades ko. Sigh.
Kung itatanong niyo kung anong ganap dun kay tungunung Knight na 'yun, lagi akong inaabangan sa gate.
Oo! Feeling ko tuloy ipapa-chop mga lamang loob ko. Charot lang. XD
Kadarating ko nga lang pala ngayon, papunta na akong locker room. Nalate kasi ako sa first and second period ko, so diretso ako ngayon sa third periodko which is P.E.
Ngayon din ang physical examination namin, y'know, yung titimbangin ka, aalamin width mo. Gano'n.
Nagsimula na akong maghubad mula sa blusa ng standard uniform namin.
Ang PE uniform namin ay simple lang, pero revealing. Oo, revealing. Parang magsiswimming kami lagi. =.=
Isang tee na niyayakap ang katawan ang lagi naming suot. Tsaka isang short na parang pang-volleyball pero hindi gaanong makapal ang tela para hindi mabigat.
Ang pinakaayaw ko sa PE uniform namin ay kapag pinagpawisan kami ay lalong kumakapit yung t-shirt.
Kaimbyerna diba? =A=
Naglakad ako patungo ng gym.
Sobrang laki ng school na 'to, pramis. Nung una kong pasok dito ay lagi akong nawawala sa mga hallways sa loob ng isang buwan. T.T
Papunta sa gym, nadaanan ko yung music room. Alam ko, cliché. Eh sa 'yun ang location ng music room eh.
Napatingin ako sa relo ko at nakita kong may ilang minuto pa 'ko bago pa ang time.
Kaya pumasok muna ako ng music room.
'Di tulad ng ibang music room, at kahit na sobrang yaman ng school na 'to, hindi lahat ng instrument nandidito.
Ang music room ay madalas na ginagamit ng glee club hindi ng music club. Kaya halos mic stands, at speakers lang ang nandito.
Nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto.
Ang music room dito sa school ay walang stage. Nasa auditorium 'yun.
Kumbaga ang nandito lang sa music room ay iilang instruments, speakers, mic stand.
Kumbaga parang isa lang siyang club room.
*blaag!*
"Sinong nandyan?" Napatalon ako ng makarinig ako ng pagbagsak n.g pinto at hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong.
Kahit hindi naman ako sigurado kung may tao nga, hala gora.
"M'lady?" Tila nanigas ako sa boses na narinig ko.
"AAAAAAAAAAAAAAAAH!" Nagtitili akong lumabas ng music room.
Alam ko, overreacting. Palusot ko lang 'yun para makaalis do'n.
Minsan parang kabuti si Knight.
f l a s h b a a a a a a a a a c k . .
"M'lady~!" Biglang may yumakap sa'kin mula sa likod kaya napatili ako.
"Ano ba! Knight, nakakainis ka!" Pabebe kong sabi.
"Don't worry, M'lady. Ikaw lang naman ang iniinis ko.." Pilyo niyang sagot.
Namumula kong nilihis ang ulo ko, "Nakakahiya ka, Knight!"
"You're blushing, M'lady! Ahahaha!"
"Minsan para kang kabute, Knight." I tiptoed para mahalikan ko ang tiktok ng ilong niya.
"Minsan ang cute mo, M'lady." Then he bent down to kiss me in the forehead.
e n d o f f l a s h b a a a a c k . . .
Iniling-iling ko ang ulo ko. Bakit ngayon ko pa natandaan 'yun?!
Naka-move on na 'ko eh! Dapat.. Naka-move on na 'ko. D-dapat..
Teka, ba't uminit dito?
Grabe ha? Naka-shorts na 'ko n'yan.
Hoo, init.
x X x
OMG May nagmessage sa'kin kung kailan ang next UD ng KQN. Kaya napa update ako. KAHIYA KASI SAINYO EH 'NO? AHAHA XD jk lang.
THANK YOU FOR REACHING OUT TO ME jayroom! It felt so good to know na may mga excited for a UD. I mean, ang scenario ko kapag may nagbabasa sa stories ko ay ganito:
reader: ay wala pa siya UD? ayoko na nito. :3
Haha oo gan'yan ang akala ko. Pero salamat talaga at ikaw pa ang nagpakumbaba na magtanong sa'kin. (anudaw?😂) Labyu. mua.
omake (short continuation)
Third Person's point of view
Habang si Quin ay pailing-iling sa gitna ng hallway, may dalawang janitor ang nakapansin sa kaniya.
"Ang mga bata nga naman ngayon, nangagsi-baliw na." Tila nanghihinayang na sambit ng unang janitor.
"Hindi kaya sinasapian ang mga estudyante dito?" Natatakot na sabi ng isa pang janitor na baguhan.
Lingid sa kaalaman ng dalawang janitor, nakatitig sa kanila ang principal.
"Kung nagsisitrabaho kayo, 'di sana wala kayong makikitang gan'yan." Nakangiti ang principal, pero kahit anong tamis ng ngiti nito hindi ito sapat para pagtakpan ang nakakatakot na aura sa likod ng may-ari ng school.
"O-opo." At nagsi-trabaho na sila.
Si Quin naman ay sige pa rin sa pag-iling. Nakita ito ng principal at napabuga na lang ito ng hininga, 'Kailangan ko na nga siguro ipa-bless kay Father ang school.'
the end of chapter 16 . . .
BINABASA MO ANG
King's Queen of Nerds
Teen FictionQuin was never one to explore. Pero nang mapunta siya sa higher section, she took it as an adventure. Para siyang prey na mabilis maka-attract ng predators. Predators that are also known as the school's badboy and playboy. Yep, Quin was never one t...