CHAPTER 4

1.9M 35.3K 9.9K
                                    

Hi to Karen Enclona, Rhea Osmogan at kay Maricris Wagas 👋👋👋

🍆🍆💦💦💧☔

CHAPTER 4

LIHIM NA NAPALUNOK si Mace habang nakatingin kay Titus na naglalakad palapit sa kaniya. Kakaahon lang nito mula sa paglangoy sa dagat at basa pa ang lalaki. Hindi niya maiwasang bumaba ang mga mata sa katawan niya.

Water cascaded down his tanned-muscled chest, to his eight-pack abs, down to his v-line.

Nanuyo bigla ang lalamunan niya. Shit! Why was this so tempting to look at?

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin bago pa mapansin ni Titus ang ginagawa niyang pagtitig sa nakapaglalaway nitong kakisigan.

Pinanatili niyang nakatingin sa malayo ang mga mata kahit nakita niya mula sa sulok ng mga mata niya na umupo ang binata sa bakanteng upuan na kaharap niya at pinatong nito ang basang mga braso sa ibabaw ng mesa na pumapagitna sa kanila.

Nararamdaman niya ang matiim na titig ni Titus sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin, pero ng lumipas ang ilang minuto at nanatiling matiim ang titig nito sa kaniya, pinaikot niya ang mga mata saka sinalubong ang matiim na tingin ng binata.

"Bakit ka ba nakatingin sa'kin ng ganiyan?" Tanong niya sa naiinis na boses. "Tigilan mo nga 'yan."

Pero hindi nakinig ang binata. Nanatili itong nakatitig sa kaniya habang nagsasalita. "I'm just thinking...and wondering."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano naman ngayon?"

"I was thinking." Unti-unting nagsalubong ang kilay niya. "Where have you been all these years? Limang taon kitang hindi nakita, saan ka ba nagpunta?"

Nagkibit-balikat siya saka matapat na sumagot. "Hiding from you." Totoo naman kasi 'yon.

Nawala kaagad ang emosyon sa mukha nito. "Really?"

"Yes." Matamis niya itong nginitian at alam niyang naiirita si Titus sa peke niyang ngiti. "I just cant stand you, caro." Sinadya niyang palambingin ang boses ng sabihin ang endearment niya para rito. "Masama ba 'yon?"

Gumalaw ang panga nito pero walang emosyon ang mukha. "That took you nearly a year to get sick of me. Dapat mas inagahan mo para hindi ka nakakasakit ng tao."

Mace snorted. "Oh, caro, sinasabi mo bang nasaktan kita?" Yeah, right. Ivanov and their lies. "That's so funny. Can I laugh?" She replied, tauntingly.

Mas lalong nagdilim ang mukha nito saka mas tumiim ang bagang. "Don't mock me, Mace. And no, you didn't hurt me at all. You're just a flavor of the month, anyway. Hindi ko nga alam kung bakit hindi kita kaagad iniwan, wala namang interesante sayo."

Natigilan siya sa sinabi nito at kaagad na binura ang sakit na dinulot ng mga salita nito sa kaniya. Mas interesante siya sa nalamang flavor of the month lang dapat siya at dapat kaagad nitong iniwan.

Anong ibig sabihin nito? Na hindi nito alam kung sino siya? Na aksidente lang na nagkakilala sila? Wala naman interesante sa kaniya? Wala ba itong alam? O nagpapanggap lang na walang alam para makuha ulit ang tiwala niya?

Kung ano man 'yon, wala siyang pakialam. May alam man ito o wala sa tunay niyang pagkatao, the fact still remained that he was an Ivanov, and that she hated everyone who had something to do with that fucking family.

"What now, Mace?" Nang-uuyam itong ngumisi sa kaniya. "Cat got your tongue?"

Ngumiti siya para hindi nito makita ang tunay na saloobin siya. "Flavor of the month... Hmm." She clicked her tongue. "I wonder. Kung hindi kaya kita iniwan noon, iiwan mo kaya ako?" Pinalambing niya ang ngiti sa mga labi niya. "Because as far as I can remember, you are very smitten over me, caro." Umalis siya sa pagkakaupo saka dumukwang palapit sa binata at inilapit ang labi sa labi nito saka bumulong. "And if I was just your flavor of the month, what took you so long to discard me? Oops!" Maarte siyang tumawa saka saka bumulong, "ako pala ang nang-iwan, hindi ikaw. So that means, I discarded you. Not the other way around." Kinindatan niya ito saka umalis siya sa kinauupuan at bumaba sa cabin.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon