CHAPTER 12

1.5M 38.9K 13.9K
                                    

CHAPTER 12

MABILIS NA TINUYO ni Mace ang luha sa pisngi niya ng maramdamang gumalaw ang anak niya sa tabi niya. Buti nga at nakatulog ito kaagad ng maaga kagabi. Samantalang siya, madaling araw na nakatulog at maaga ring nagising. Magulong-magulo kasi ang isip niya at hindi siya makatulog.

She was planning to leave the country. Kailangan lang niyang kausapin ang anak niya at ipaliwanag dito kung bakit. She thought it'd be best if they leave as soon as possible.

"Mama?" Nasa boses pa ng anak niya ang antok. "Good morning."

Isang masuyong ngiti ang kumawala sa mga labi niya ng bumaling siya rito. "Good morning, too, baby."

Malapad siyang nginitian ng anak pagkatapos ay ininat nito ang mga braso saka naglalambing na lumipat ng higa sa ibabaw ng katawan niya.

"Inaantok ka pa, baby?" Tanong niya sa anak na kinukusot ang mata.

"No, Mama..." Naghikab ulit si Ace saka tumingala ng tingin sa kaniya at nginitian siya. "You're so pretty in the morning, mama."

Napangiti siya sa sinabi ng anak. "Ang lambing talaga ng anak ko," aniya habang hinahaplos ang buhok nito. "Guwapo ka rin sa umaga, baby."

Naglalambing na umupo si Ace sa may tiyan niya saka tiningnan siya sa mga mata. "Mama, matagal ko na 'tong gustong itanong sayo kaya lang nakakalimutan ko palagi, pero ngayong naalala ko na, itatanong ko na. Nung nawala ka po, saan ka nagpunta? Kasama mo ba si Papa? Kasi nang tumawag ka narinig kong sinabi ni ninong Rios ang pangalan ni Papa ko. Magkasama po ba kayo?"

Her son looked hopeful, and it broke her heart. Alam niyang masasaktan ito kapag umasa itong magiging isa pa silang pamilya ng ama nito.

"Ahm, anak." Huminga siya ng malalim habang inihahanda ang sarili sa pagpapaliwanag sa anak niya. "Ganito kasi 'yon." She had one cardinal rule with her son. She never lied to him. Ever. "Nakita ni papa si mama na naglalakad at kinuha niya ako. Galit sakin si papa mo kasi diba umalis ako para maging safe tayong dalawa? Kaya galit na galit siya sakin."

Her son frowned. "Galit din po ba siya sakin?"

"Of course not," aaagad niyang sagot habang hinahaplos ang pisngi ng anak niya na bakas ang lungkot sa mukha. Pinipigilan niya ang maluha sa harap ng anak niya. "Hindi siya galit sayo. Sa'kin lang."

Tumango-tango si Ace saka nagtanong ulit. "Kailan ko po siya makikita, mama?"

Parang may sumakal sa puso niya. "Anak, hindi pa sa ngayon. Alam mo naman diba na magulo pa ang sitwasyon namin ni papa mo? Hindi pa kami maayos—"

"Hindi ba kayo puwedeng mag-ayos para sakin?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Anak, hindi puwede e. Hindi ganoon ka-simple 'yon. Hindi pa kaya ni Mama e." Binalik niya ang tingin sa anak saka sinapo ang mukha nito at pinakatitigan sa mga mata. "Pero ang lahat ng 'to kasalanan ni mama. Hindi ni Papa. Kasi ako ang umalis e, para maging ligtas tayo. Walang alam si papa kaya huwag kang magagalit sa kaniya, okay? It's all on me, baby."

Pinakatitigan siya ni Ace. Kapagkuwan ay ngumiti ito. "I understand, mama. Entiendo, mama."

Hinaplos niya ang mukha ng anak saka masuyo itong hinila palapit sa kaniya at niyakap ito ng mahigpit. Hinalikan niya ang nuo nito at sinapo ang mukha saka tiningnan ang anak sa mga mata. "How about if mama cook your favorite breakfast today?" Tanong niya. "Puwede 'yon nalang muna ang pambawi ni mama sayo?

Lumapad ang ngiti sa mga labi Ace na nauwi sa mahinang bungisngis. "Mama, you don't know how to make a pancake." Napasimangot ang anak niya kapagkuwan. "Naalala mo, nasunog mo yong pancake na huling ginawa mo noon para sakin?"

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon