CHAPTER 15

2M 38K 12.7K
                                    

CHAPTER 15

KAAGAD NA IPINALIBOT ni Mace ang paningin sa kabuonan ng condo kung saan sila dinala ni Titus. Naalala niya ang condo na ito. Walang pinagbago ang mga palamuti sa dingding. Naroon pa rin lahat ng bagay na iniwan niya noon ng umalis siya ng walang paalam. Halos walang nagbago maliban sa bagong set ng sofa sa sala.

And being here, in this condo, she felt nostalgic. Like all the memories she had with Titus in this very place made her heart swell and ached at the same time. Matagal na pala. Limang taon na mula ng umalis siya. Limang taon na siyang tumatakbo ng walang patutunguhan, nagtatago sa nakaraan na pilit siyang hinahabol. At sa ayaw niya o sa gusto, nasama ang anak niya sa gulo ng buhay niya.

Her son was the real victim here. At hindi niya lubos maisip kung ano na ang mangyayari ngayon.

"Dito na tayo titira, kiddo," narinig niyang sabi ni Titus sa anak niya. "Nasa taas ang kuwarto mo. Pinaayos na 'yon ni papa para sayo."

"Salamat, papa," magiliw na sabi ng anak niya saka nagpababa mula sa mga bisig ni Titus at hinalughog ang buong condo.

"Bakit dito?" Tanong niya ng silang dalawa nalang sa sala.

"Bakit hindi dito?" Balik tanong ni Titus sa kaniya na humarap sa kaniya. "May dalawang bantay sa labas. Mga tauhan ko sila. Sa pagkakataong ito, hindi ko hahayaang takasan mo ulit ako kasama ang anak ko."

Malalim siyang bumuntong-hinga saka bumaling sa anak niyang masayang-masaya habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng condo. "My son is happy. I don't want to rip that happiness away from him."

"So kung hindi kami nagkita ni Ace, aalis ka na naman? Itatago mo na naman siya sakin?" May panunumbat sa boses nito. "Bakit, Mace? Ganun ba talaga ako ka walang karapatan sa anak natin? Baka nakakalimutan mo, anak ko 'yan. Kahit anong gawin mo, the fact still remains that he is my flesh and blood."

"Flesh and blood..." Mahina siyang natawa. Dugo ng isang Ivanov. "Sana nga hindi mo nalang siya kadugo, e. Dahil alam natin pareho kung anong klase ng dugo ang nananalatay diyan sa ugat mo."

Titus face hardened. All emotion on his face was wiped out in an instant. "Bakit? Dahil magnanakaw ako? Dahil marami akong nagawang mali? Porke't masama akong tao, wala na akong karapatang magkaroon ng anak?" Mapait itong ngumiti. "Kung makapanghusga ka naman, parang ang linis-linis mo. Bakit, Mace, minsan ba sa buhay mo wala kang kasalanang nagawa para husgahan mo ako ng ganun-ganun nalang."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Ang dugo nitong Ivanov ang tinutukoy niya, hindi ito mismo.

Iniwan niya ang binata sa sala saka nilapitan ang maleta nila ni Ace saka binuhat 'yon. Hindi pa siya nakakahakbang ng sumigid ang kirot sa tiyan niyan. Kaagad niyang sinapo ang tiyan at nabitawan niya ang maleta.

"Shit..." Nakapikit siya sa sakit ng tiyan ng bigla niyang maramdaman na may bumuhat sa kaniya.

Kaagad niyang minulat ang mata at mabilis na tumibok ang puso niya ng mapatitig siya sa mukha ni Titus na siyang bumuhat sa kaniya at maingat siyang ihininga sa mahabang sofa at tinitigan siya sa mga mata.

"Sabi ng doctor huwag magbubuhat ng mabigat kasi namamaga pa tiyan mo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Hinaplos nito ang nuo niya pababa sa buhok niya. "Dito ka lang. Magpahinga ka."

Wala sa sariling napatango nalang siya habang nakatitig kay Titus.

Titus was confusing her. One minute he was angry, and the next he was being sweet and caring. Hindi tuloy niya alam ang tunay nitong nararamdaman. He shifted emotion like it was easy as breathing.

Nakatitig lang siya kay Titus habang binubuhat nito ang maleta at inaakyat sa taas. Nang mawala sa paningin niya ang binata, tamang-tama naman na lumapit sa kaniya ang anak at naglalambing na yumakap sa leeg niya habang nakaluhod sa tabi ng sofa na kinahihigaan niya.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon