CHAPTER 28

1.3M 31.8K 3.9K
                                    

CHAPTER 28

"SAAN MO BA AKO dadalhin?" Nagtatakang tanong ni Mace kay Titus na nagmamaneho. "Hindi ba susunduin natin ngayon si Ace para makilala na ni Mama Ria?"

"Later."

Kumunot ang nuo niya. "Anong later? Saan ba kasi tayo pupunta?"

Sinulyapan Shia Ni Titus saka nginitian, "it's a surprise. Okay?"

Inirapan niya ito, "we're in Sicily, caro, this place isn't exactly on my vacation list. Marami akong masamang ala-ala rito kaya nga as much as possible ayokong mamasyal, tapos balak mo pa akong surpresahin dito?"

Inabot ni Titus ang kamay niya saka pinisil 'yon. "You will like this one."

"Pero Titus--"

"Please? Just this one? Pagbigyan mo na ako."

Malakas siyang bumuntong-hininga. "Fine."

Tahimik lang si Mace habang patungo sila sa kung saan man siya balak dalhin ni Titus. Paminsan-minsan, pinipisil ni Titus ang kamay niyang hawak nito at minsan ay dinadala nito iyon sa mga labi nito para halikan ang likod ng kamay niya.

It was a sweet gesture and her heart can't stop beating so fast.

Pero ng mapansin niyang pumasok ang sasakyan sa isang sementeryo, napalitan ng kaguluhan ang kilig na nararamdaman niya.

"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong niya sa binata.

Sa halip na sagutin siya, pinarada nito ang sasakyan saka lumabas ito, umikot patungo sa passenger seat at pinagbuksan siya ng pinto.

"Halika na." Aya sa kaniya ni Titus ng hindi siya gumalaw sa kinauupuan.

Nagtataka man, lumabas siya ng sasakyan at tinanggap ang kamay ni Titus na nakalahad sa kaniya.

"Bakit tayo nandito?" Ulit niyang tanong.

"Mas mabuting makita mo, keysa sabihin ko." Misteryuso nitong sagot.

Hanggang sa igiya siya ni Titus patungo sa mga puntod, panay pa rin ang tanong niya rito kung anong ginagawa nila sa sementeryo. Pero wala itong naging sagot maliban sa katahimikan.

"Titus, just tell me--"

"Nandito na tayo."

Natigilan siya saka napatitig kay Titus na nakatingin sa ibaba. Sinundan niya ng tingin ang puntod na tinitingnan nito at parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya ng makita kung kaninong pangalan ang nakasulat doon.

Tears instantly stream down her eyes, her heart contracted in pain and she found herself sobbing painfully.

"Mama..." Umiiyak niyang bulong, "Papa..."

"Si Mauricio ang nagturo sakin kung saan sila nakalibing. Nang tingnan ko kagabi habang natutulog ka, wala silang pagkakakilanlan pero tiniyak sakin ni Mauricio na dito sila nilibing kasi kasama siya sa paglibing sa kanila, nilagyan daw niya noon ng krus na may pangalan nila pero pinatanggal ng ama ko. Kahit naman lang ang pangalan, pinagkait pa ni Rinaldi sa kanila. So i asked for Nate's help and we made a very simple tombstone overnight."

Malakas siyang napahagulhol habang nakikinig sa paliwanag ni Titus.

"Alam kong hindi sapat ang ginawa ko, alam kong dapat nakalibing sila ngayon sa libingan ng mga dugong bughaw sa Spain, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ng ama ko, at kahit anong gawin ko, mananatili ang koneksiyon ko kay Rinaldi sa ayaw at sa gusto ko. I felt so guilty knowing that my father killed them. I feel so ashamed to face them. But i cannot just ignore them. They are your parents, cara, and they deserve to see their amazing and beautiful daughter again."

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon