CHAPTER 23

1.5M 31.6K 7.5K
                                    

CHAPTER 23

KUNG NAKAKAMATAY LANG ang tingin, kanina pa si Mace humandusay sa sahig sa talim ng tingin sa kaniya ni Titus. Gusto niyang magdahilan, gusto niyang sabihin dito ang rason niya pero alam niyang galit talaga ito sa kaniya. Halata iyon sa mga mata nito.

Dinala sila ni Ria sa kuwarto nito at pansamantalang iniwan sila para kumuha ng meryenda nila. Si Nate naman ay nagpa-iwan sa sala para magmasid at magmanman.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit ang boses nito Titus. "Bakit ba hindi ka nakinig sakin?!" Sinigawan siya nito, "Mace naman, nag-iisip ka ba?! You are in danger here--"

"Nag-iisip ka rin ba?" Balik tanong niya rito sa mahinahong boses. "Kasi kung nag-iisip ka, hindi mo ako iiwan sa Pilipinas, isasama mo ako. Ako ang alas mo para manalo, e di sana hindi ka na pumasok sa Flamma challenge."

Mariing pinikit ni Titus ang mga mata habang nagtatagis ang bagang. "Fuck it, Mace! Why do you think i didn't brought you here? Because of my freaking ego? Because i want to prove something? No! I didn't bring you here because i didn't want to lose you! I didn't want to hurt you! I didn't want to bring you more pain!"

"Hindi ako mawawala sayo kung mananalo ka sa Flamma." Mahina niyang sabi.

Natigilan si Titus. "Anong ibig mong sabihin? Na puwede kang mawala sakin kung hindi ako mananalo?"

Tumango siya. "Yan ang sabi ng ama mo."

Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya si Titus, nakaawang ang labi nito kapagkuwan ay mariing ipinikit nito ang mga mata, napasabunot sa sarili nitong buhok saka matalim ang matang tumitig sa kaniya. "Nakausap mo na ang ama ko? Nakipag-usap ka sa kaniya? Bakit?"

"Para sayo." Sagot niya habang sinasalubong ang matalim na tingin ni Titus. "Ginawa ko 'yon para sayo. Mahirap, nakakatakot, nakakawala ng lakas, pero ginawa ko, kasi para sa akin, 'yon ang tama, yon ang tamang gawin na ayaw mong gawin--"

"Yon ang tamang gawin para sayo!" Bulyaw sa kaniya ni Titus saka inilang hakbang nito ang pagitan nila saka mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang braso at niyogyog siya. "Paano kung may nangyaring masama sayo? Paano kung sinaktan ka ni Dad--"

"Titus..." Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito sa kaniya sa braso, "n-nasasaktan ako, ano ba..."

"--paano kung kunin ka ni Emmanuel--"

"Titus," napangiwi siya, "nasasaktan ako--"

"--paako kung mapahamak ka? Hindi mo ba naiisip na mababaliw ako kapag mawala ka sa buhay ko--"

"Bitiwan mo siya! Ano ba, Titus!" Sigaw ni Ria na hindi niya napansing nakabalik na pala.

Kaagad na lumapit sa kaniya si Ria pagkatapos nitong ilapag ang food tray sa gitna ng center table habang si Titus naman ay parang natauhan at binitawan siya saka humakbang paatras, humihingi ng tawad ang kislap ng mga mata nito.

Pinukol ng masamang tingin ni Ria si Titus, "hindi kita pinalaki para manakit ng babae, Faris Titus! How dare you do that to Macey?! She had been through enough already! Ano ba ang nangyayari sayo, ha?"

Nagbaba ng tingin si Titus, "i'm sorry, Mom. I was just angry."

"Kay Macey ka mag-sorry." Anang ina ni Titus. "Wala kang karapatang saktan siya, tandaan mo 'yan kahit gaano ka pa kagalit." Dinuro nito si Titus, "o, siya, humingi ka ng tawad. Dadalhan ko lang ng meryenda si Nate, kawawa naman ang batang 'yon. Pagbalik ko, dapat napatawad ka na niya. I swear, Titus, i'll be very mad at you." Anang ginang saka iniwan ulit sila ni Titus.

Ilang minuto ang lumipas bago nabasag ang katahimikang lumulukob sa buong silid.

"Mace... Cara..." Mahinang sambit ni Titus.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon