CHAPTER 27

1.3M 30.9K 10.5K
                                    

CHAPTER 27

ILANG ARAW PA ANG nilagi ni Mace sa Hospital bago sila sabay na nakalabas ni Titus. Kahit papaano ay hindi na nananakit ang katawan niya lalo na ang tagiliran at paa niya. Maayos na siyang nakakalakad pero kahit ganun ay tudo alalay pa rin sa kaniya si Titus habang naglalakad siya patungo sa itim na kotseng naghihintay sa kanila.

And as they drove to the Ivanov's Mansion, Mace cant help but to get nervous. Wala siyang balita habang nasa Hospital sila ni Titus. Kahit si Nate ay walang maibigay na impormasyon sa kanila pagkatapos ng Flamma. Wala silang alam sa nangyayari sa loob ng mansiyon ngayon at hindi niya maiwasang kabahan.

"Hey, relax..." Titus smiled at her, "i'm here. Hindi kita pababayaan."

Pinilit niyang suklian ng ngiti ang ngiti ni Titus, "hindi ko lang maiwasang mag-alala." Aniya, "natatakot ako, Titus. Ano nang mangyayari ngayon? Wala na si Rinaldi. Tiyak na magwawala ang ibang kamag-anak niyo sa nangyari."

Malalim na huminga si Titus saka isinandal ang katawan sa likod ng upuan. "Hindi ko alam...makikita natin."

Mas lalo siyang kinabahan. "Paano kung saktan ka nila? Paano kung may gawin silang hindi maganda sayo? I was there, hindi pa napipermahan ni Rinaldi ang Last Will niya. Paano kung pag-interesan iyon ng mga uncle at auntie mo? Paano kung kay Emmanuel sila pumanig?"

Titus shrugged. "Okay then."

"Titus--"

"Cara, stop worrying." Nginitian siya nito, "it'll be fine."

Tumango siya pero hindi pa rin siya mapakali kahit pinipilit naman niyang pakalmahin ang sarili. Hanggang sa makarating sila sa Mansiyon, abot-abot pa rin ang kaba niya, lalo na ng salubungin sila ng mga tauhan ni Rinaldi.

"This way, Signore, Signorina." Anang isang bantay kay Titus at iminuwestra nito ang kamay patungo sa sala. "They are waiting."

Nagkatinginan sila ni Titus kapagkuwan ay tumango ang binata.

"Morgan!" Biglang pumasok si Nate sa pinto ng mansiyon na ikinatigil nila sa paglalakad, humahangos ito habang papalapit sa kanila, "nandito ang lahat ng Ivanov." Imporma nito sa kanila na mas ikinakaba niya, "at mukhang ang kayamanan ang pakay nila ngayong patay na si Rinaldi. Nagkagulo rin sila kagabi, pinag-aagawan ang kayamanang iniwan ni Rinaldi. Someone was assassinated last night. Mukhang may ayaw makihati sa kayaman ng pamilyang Ivanov."

Titus heaves a deep sigh. "Those fuckers..."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, "what if they challenge you again? What if they try to hurt you?"

Titus stared at her before answering, "then i will see them try."

"Titus!"

He gave her a small soft smile. "Don't worry too much about your caro, cara. I'll be fine."

Umiling siya, "hindi ko maiwasan."

"Don't let them see your nervousness." Ani Titus saka inabot ang kamay niya at pinagsiklop iyon saka iginiya siya patungo sa sala.

Nang makarating sila doon, mas lalong hindi siya mapakali ng makita ang mga kamag-anak ni Rinaldi. Kaniya-kaniyang bodyguard ang mga ito at halata ang mga kasakiman sa mukha. Pero kahit papaano, panatag siya dahil nasa likod nila si Nate.

"It's a good thing that you are here," anang lalaki na medyo kamukha ni Rinaldi, "we do not need to wait any longer." Peke itong ngumiti kay Titus, "you're not that important anyway, i don't even know why Atty. Esposito here insisted your presence."

Titus smiler back coldly, "it seems to me that i'm important," Titus glance at the Attorney sitting on the single sofa, "right, Attorney?"

Atty. Esposito just nodded and motioned them to sit.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon