CHAPTER 10

1.7M 32.2K 4.7K
                                    

Hi to Gherly De Rosales Aguila.

CHAPTER 10

MAHABA ANG nguso na inaayos ni Mace ang closet kung saan halo-halo lang ang damit na naroon. Umalis si Rios at sinama nito si Ace. Bibili daw ang dalawa ng pagkain dahil tinatamad na magluto si Rios at hindi siya sinama ng dalawa. Baka daw kasi makita siya ng mga taong naghahanap sa kaniya, hindi raw nila hawak ang pagkakataon.

Hindi niya alam kung saan nasagap ni Rios ang balitang nasa Pilipinas daw sina Emmanuel at hinahanap nga siya. Alam niyang nandito ang hayop na 'yon, pero nagtataka siya kung saan nalaman ni Rios. Wala naman siyang sinasabi rito.

Kailangang doble ingat ang gawin niya. Hindi siya talaga puwede maglalalabas, pero naiinis pa rin siya at hindi siya sinama ng dalawa. Mag-isa lang tuloy siya ngayon sa bahay.

Isinara niya ang closet saka umikot paharap sa kama at bigla nalang siyang napatalon sa gulat ng makita si Titus na komportableng nakahiga sa kama.

Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at nakaawang lang ang mga labing nakatingin siya sa binata.

"Close your mouth, cara." Tinapik-tapik nito ang ispasyo sa tabi nito sa kama. "Come here, tabi ka sa akin."

Hindi pa rin siya makagalaw sa kinatatayuan sa gulat na naramdaman sa pagkakita niya kay Titus. "A-an-ong g-ginagawa mo r-rito?" Nauutal na tanong niya. "P-paano ka n-nakapasok?"

Tinapik ulit nito ang ispasyo sa tabi nito. "Halika rito, tumabi ka sakin."

"Titus--"

"I sneaked in," anito saka tumingala ng tingin sa kaniya. "Nasagot ko na, halika na rito sa tabi ko. Gusto kitang makatabi."

Napakurap-kurap siya. "Titus--"

"I picked the lock on the front door. Tapos umakyat ako rito, kaya halika na rito sa tabi ko."

Aangal sana siya ng makita niya ang kamay nito may bakas na kulay pula na parang dugo. Nagsalubong ang kilay niya at mabilis na lumuhod sa kama at hinawakan ang kamay nito ang ininspeksiyon iyon.

"Ano to?" Kunot ang nuong tanong niya kay Titus na nakamasid lang sa kaniya. "Sagutin mo ako, Titus..."

Inagaw nito ang kamay na hawak niya saka itinago nito iyon sa bulsa ng pantalon nito. "It's nothing."

Umiling siya saka nanatiling kunot ang nuo. "It's not nothing...kaya sagutin mo ako--"

"Kung sasagutin kita, kakayanin mo kaya ang maririnig mo?" Mahina itong tumawa ng hindi siya umimik. "You're fragile, cara mia."

Napuno ng maraming katanungan ang isip niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Nag-iwas ito ng tingin. "It's nothing--"

"Don't say that!" Hindi niya mapigilang magtaas ng boses. "Kung ano man yang sagot mo, kaya ko 'yan."

Bumuntong-hinga si Titus bago nagsalita. "When I met you, somehow, I had the need to change, and I did. I become clean for almost a year--"

"Clean from what?"

"Because of you. Nag focus ako sa negosyo ko at pilit kong tinalikuran ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng maraming pera." Mapakla itong tumawa saka napailing. "Masama akong tao, Mace, kaya minsan hindi rin kita nasisisi na iniwan mo ako noon. Siguro nuong nalaman mo ang tunay kong pangalan takot na takot ka sakin dahil sa mga nagawa ko noon. Nagtatago ako sa pangalang Titus Morgan, dahil ang tunay kong pangalan ay maraming nagawang kasalanan."

Confusion filled her even more. Anong sinasabi nito? May iba pa ba siyang dapat na katakutan maliban sa apelyido nitong Ivanov?

"Naguguluhan ako, Titus," aniya saka dahan-dahang nahiga sa tabi ng binata. "Wala akong maintindihan sa sinasabi mo."

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon