CHAPTER 26

1.4M 31.4K 5K
                                    

CHAPTER 26

NAGISING SI Mace na namamanhid ang paa niya at pigi, nang imulat niya ang mga mata, napangiwi siya sa sakit na naramdaman ng subukan niyang igalaw ang katawan. Pabulong siyang napa-igik at mahinang napamura habang unti-unting bumabalik sa ala-ala niyang ang mga nangyari.

The Flamma, their plan, the car crash and her, fainting in the ground.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka pinalibot ang tingin sa kabuonan ng puting silid. Wala do'n tao maliban sa kaniya at kaagad siyang nakaramdam ng kahungkagan.

She's all alone. Where's her caro? Is he okay? Is he home now? Maayos ba ang lagay nito? Nagamot na ba ang mga sugat nito?

Puno ng pag-aalala ang buo niyang pagkatao, hindi siya mapakali habang nakahiga siya. Gusto niyang makita si Titus pero naka-cast naman ang paa niya at hindi niya iyon maigalaw.

Shit! Nasaan ba kasi si Nate--

As if on cue, Nate entered.

"Hey, Princess." Bati nito sa kaniya ng makitang gising na siya. "Kumusta? Masakit ba masyado ang paa mo?"

Sa halip na sagutin si Nate, nagtanong siya kaagad, "si Titus, nasaan siya? Ayos lang ba siya? Nagamot na ba ang mga sugat niya? Nakauwi na ba siya sa mansiyon?"

"Ang sarili mo dapat ang inaalala mo." Nate tsked. "Sumalpok ang kotseng sinasakyan mo baka nakakalimutan mo."

"Alam ko pero wala akong pakialam sa sarili ko," nangungusap ang mga mata niya, "gusto kong...malaman kung maayos ba ang lagay ni Titus."

Malakas na bumuntong-hininga si Nate saka pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib nito, "dapat may pakialam ka sa sarili mong kaligtasan at kalagayan, dahil may mababaliw na isang tao kapag napahamak ka."

Kumunot ang nuo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nandito si Titus kanina, sobrang nag-aalala siya sayo, wala siyang pakialam kung puno ng bugbog ang katawan niya, makita ka lang. So take care of yourself, Princess, Morgan will go nuts if something bad happened to you again. And he will kill me this time for sure."

Napatitig siya kay Nate, hindi makapaniwala sa narinig, "n-nandito siya...k-kanina? Ayos lang ba siya? Oh my God..." Sinubukan niyang tumayo, "nagamot na ba siya? Kailangan ko siyang makita--"

"Stay still." Nate glared at her, "and rest. You need it."

Bumalik siya sa pagkakahiga saka napangiwi ng magalaw niya ng kaunti ang paa. "Shit..." Nakagat niya ang pang-ibabang labi saka tumingin kay Nate, "si Mauricio? Ayos lang ba siya?" May pag-aalala siyang naramdaman dito.

"He have few broken bones but he'll live." Parang bored na sagot ni Nate saka pinukol siya ng masamang tingin, "stop worrying about other people. Sarili mo dapat inaalala mo."

Hindi niya pinansin ang huling sinabi ni Nate, "si... R-Rinaldi?"

Nate heavily sighed. "Dead."

She felt relieved. "Si Emmanuel?"

Nate looked away, "saka na natin 'yon pag-usapan kapag nakalabas ka na rito--"

"Pero, Nate--

"Rest well." Putol ni Nate sa iba pa niyang sasabihin, "para maging maayos na ang lagay mo, para mapanatag na si Morgan."

Umayos siya ng higa saka huminga ng malalim, "ang anak ko, ayos lang ba siya? Nakausap mo na ba si Ace?"

"He's fine." Tipid na ngumiti si Nate. "Kasama niya si Pierce. Ace said he misses you but he understand." Hindi makapaniwalang napailing si Nate, "that kid...matanda na siya mag-isip para sa edad niya."

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon