CHAPTER 19

1.5M 35.9K 7.4K
                                    

Hi to Bhie Cuaduro, Brendalyn Say. Happy bday to Pia Suzzane Tiad, Alyn Joy Moragas Nequia and to Maemy Salcedo Sumagang

And thank you to Donnabelle Llao for recommending my stories to your friends :) And thank you also to M'Jane Serrano.

And thank you ALL for reading my stories. Love. Love. 😍😍😍😘😘😘


CHAPTER 19

NANG MAPATULOG nila ni Titus si Ace, huminga ng malalim si Mace saka maingat na nahiga sa kama at ginawang unan ang hita ni Titus. Kaagad namang umayos si Titus sa pagkakaupo at hinaplos ang nuo niya pababa sa buhok niya.

"I have always love your hair." Mahinang sambit ni Titus habang hinahaplos ang buhok niya.

Tumaas ang kilay niya saka lihim na napangiti. "Want to know a secret?"

"Hmm... Sure."

Tumingala siya kay Titus. "That's not the natural color of my hair."

Tumaas ang kilay ni Titus. "The hell?" Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya ang binata. "I love your light brown hair."

"I'm a blond." Pag-amin niya, "my parents have brown hairs, mom told me that my blond hair came from my grandmother from mother side."

"Bakit mo kinulayan ng light brown?"

"To fit in." She smiled, "My family is known for their brown hair, not blond. Imagine my insecurities."

Sinuklay ni Titus ang buhok niya gamit ang daliri nito. "I bet you look more beautiful in a blond hair."

Mahina siyang tumawa. "You bet."

Mahina ring natawa si Titus pero natigilan ng tumuon ang mga mata nito sa pasa niya sa braso. Malakas itong napabuntong-hininga saka masuyong hinaplos ang pasa niya

"Ayos ka lang ba?" Malambing na tanong ni Titus sa kaniya kapagkuwan. "Pasensiya na, wala ako sa tabi niyo para iligtas kayo kay Escarial."

Nag-angat siya ng tingin sa binata saka nginitian ito, "ayos lang. Ang importante, ligtas kaming nakatakas sa kanila."

Pinalibot ni Titus ang mga braso sa balikat saka hinapit siya nito palapit. Hindi na siya nakaunan sa hita nito, sa mga braso na siya nito nakasandal habang mahigpit siya nitong yakap mula sa likuran.

"I'm sorry...sana hindi nalang ako umalis--"

"Ayos lang kami." Pinisil niya ang braso ni Titus na nakayakap sa katawan niya. "Ikaw, kumusta ang lakad mo?"

"Ayokong pag-usapan 'yon." Hinalikan siya nito sa nuo. "Wala namang nagbago."

Matiim niyang tinitigan si Titus at pumasok na naman sa isip niya ang lihim niya rito. Malalim siyang huminga saka isiniksik ang katawan niya sa binata kasi gusto niyang mas maramdaman pa ang init ng katawan nito.

Huminga siya ng malalim saka napatitig ulit sa binata na nahuli niyang nakatitig din sa kaniya. Kailangan na niyang tuparin ang pangako niya rito, na sasabihin niya rito ang tungkol sa kaniya kapag bumalik ito at nasa tabi na nga niya ito ngayon. Kinakabahan siya sa mga ipapaalam niya kay Titus pero kailangan niyang sabihin ito sa binata. Kaya naman inalis niya ang kaba at nilikom niya lahat ng tapang na mayroon siya.

"Cara? Are you okay?" Kapagkuwan ay tanong ni Titus sa kaniya ng mapansin nito ang ilang beses niyang malalim na paghinga.

Tumango siya saka huminga ulit ng malalim bago nagsalita. "Alam mo, nuong fourteen years old ako, palaging nag-aaway ang mga magulang ko. Nagsisisihan sila palagi. Pero hindi ko pinansin 'yon. I was living my life. We're rich, i can do whatever i want. I can buy whatever i want--"

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon