CHAPTER 5

1.6M 31.5K 7.4K
                                    

Hi kay Margie Belardo, Alma Angubong. Hi din kay swiftygirl25, Jessica Montero, Alvin Sabellano, nicolesangster12 and AeVilir 😄😄👋👋👋

CHAPTER 5

MAINGAT NA INALIS ni Mace ang kamay ni Titus na nakasapo sa isa sa mayayaman niyang dibdib saka dahan-dahan siyang umalis sa kama. Pagkatapos ay maingat na hinila niya ang kumot saka ginamit iyon para itapi sa hubad niyang katawan na ilang ulit inaangkin kagabi ni Titus.

After dinner, Titus really was insatiable. He took her multiple times from behind, from the side, from the front, and in every different positions he knew. He was on shape last night and he was really good. Pero kahit gaano pa ito kagaling, at kahit gaano pa kasarap ang pag-angkin nito sa kaniya, hindi pa rin siya umungol. Pinigilan niya ang sarili.

Oo, gusto ng katawan niya ang ginagawa ni Titus sa kaniya. Pero sa kaniya na 'yon, hindi niya iyon sasabihin sa binata. Ayaw niyang malaman nito. Ayaw niyang pati ang bagay na 'yon ay gamitin nito sa kaniya.

Malakas siyang napabuntong-hinga saka lumabas ng cabin at nagtungo sa top deck. Umupo siya sa recliner na nakaharap sa araw na bumubukang-liwayway na sa kalangitan at tinitigan ang paglitaw niyon.

At habang nakatingin sa araw na bumubukang-liwayway, napangiti siya ng maalala ang anak niya. Ace loved sunrise. He loved looking at it when they were in Hawaii and their house was near the ocean. Kahit sa murang edad, na-a-appreciate na nito ang kagandahan ng pagsikat ng araw.

God. This was the first time that she slept without seeing Ace, without singing for him and reading him a story book. Nami-miss na niya ang anak niya.

Mabilis niyang pinahid ang isang butil ng luha na nalaglag sa pisgi niya saka niyakap ang sarili.

I miss my son. I miss you, baby.

Mace looked at the port with longing in her eyes. Her son. Ano kayang ginagawa nito ngayon? Tiyak na nami-miss na siya nito. Kahit kailan, hindi pa sila nagkakalayo kaya naman parang may sumasakal sa puso niya sa isiping baka hindi rin niya ito makita ngayong araw.

"Oh, yo te echo de menos, mi bebé." I miss you, my baby. Napahikbi siya habang inaalala ang anak niya.

She had to get home. She had to see Ace.

Tumayo siya saka naglakad patungo sa pinakaunahan ng yacht na walang railing na nakaharang. Bumaba ang tingin niya sa dagat saka tumingin siya sa port.

She was calculating the distance if she'd survive after. Kakayanin kaya niyang languyin ang pagitan?

Wala siyang maisagot sa sarili pero kailangan niyang subukan. Hindi niya malalaman kung hindi niya muna susubukan kung kakayanin niya.

She had to do this for herself and for Ace. She had to atleast try if she could escape. Ayaw niyang matulad sa kaniya ang anak niya na walang mga magulang na nag-alaga. Gusto na niyang makita ang anak niya. Gusto na niya itong mayakap ng mahigpit.

Akmang tatalon siya sa dagat para subukan ang naisip na ideya ng marinig niya ang boses ni Titus.

"Huwag mong sabihing tatalon ka para lang makatakas sakin?"

Natigilan siya at mabilis na napalingon sa nagsalita, at siguro sa gulat na naramdaman dahil sa pagkarinig niya ng boses ni Titus, naapakan niya ang kumot ng humarap siya rito at nadulas siya dahilan para mahulog siya sa dagat.

Malakas na napasigaw si Mace habang nahuhulog siya at nang bumulusok palubog ang katawan niya sa tubig, nabalot siya ng kumot na nakatapi sa kaniya kaya hindi siya nakagalaw para lumangoy.

Panay ang galaw ni Mace, sinusubukang makawala sa pagkakapulupot ng kumot pero palalim na ng palalim ang katawan niya, hindi pa rin siya makawala. At sa mga sandaling nagdidilim na ang paningin, nawawalan ng malay dahil hindi na makahinga, nakita niya ang isang bulto na mabilis na sumisisid palapit sa kaniya. Pero bago pa siya maabutan ng lumalangoy palapit sa kaniya, nawalan na siya ng malay.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon