CHAPTER 7

1.6M 33.9K 6.3K
                                    

CHAPTER 7

SAPO-SAPO NI Mace ang tiyan habang nakaupo sa recliner sa top deck. Nagugutom na siya, pero wala namang pagkain sa kusina maliban sa mga sariwang lamang-dagat na laman ng Ref. Ayaw naman niyang isturbohin si Titus lalo na't parang abalang-abala ito sa harap ng laptop nito.

"Shit." Mahina niyang daing ng kumulo na naman ang tiyan niya. "Bakit naman kasi limitado lang ang alam kong lutuin."

"What the hell are you doing there?"

Natigilan siya at napabaling sa nagtanong. Si Titus iyon at may dala itong pinggan na may lamang tempura, calamaris at kanin saka isang basong mango juice.

Nakasunod ang mata niya kay Titus hanggang sa paharap itong umupo sa katabi niyang recliner. At dahil magkaharap silang dalawa, magkadikit ang mga tuhod nila.

Bumaba ang tingin niya sa pagkaing dala nito. "P-para sakin 'yan?" Natatakam at nagugutom niyang tanong.

"Yeah," sagot ni Titus na ikinalaki ng mata niya.

Did he really cook for her?

"Talaga?" Naglalaway ang bagang niya. "Nagugutom na talaga kasi ako e, kaya huwag kang magbibiro diyan."

"Hindi naman ako nagbibiro, para sa'yo 'to." Inilapag nito ang isang basong mango juice sa tabi niya saka sinubuan siya nito. "Say 'ah', cara mia."

Dahil nagugutom, hindi na siya umangal. Ibinuka niya ang bibig saka tinanggap ang pagsubo nito sa kaniya ng pagkain.

"Bakit hindi mo sinabi sakin na nagugutom ka na pala?" Tanong ni Titus habang sinusubuan ulit siya. "E di sana nagluto kaagad ako."

"Kasi naman e." Tinanggap niya ang pagsubo nito ulit sa kaniya. "Mukhang abala ka sa harap ng laptop mo. Nakakunot ka pa nga e. Saka ayokong isturbuhin ka, baka kung ano ang sabihin mo."

"Hmm..." Sinubuan ulit siya nito ng tempura. "I was searching for someone, that's why I'm kinda busy."

Searching for someone? Tumaas ang kilay niya. "Sino ang hinahanap mo?" Tanong niya na nagbabakasakaling sagutin nito.

Titus just shrugged. "It's no one." Malakas itong napabuntong-hininga saka sinubuan siya ulit. "It's pissing me off though. Lahat nalang ng report na nababasa ko mula sa mga imbestigador ko tungkol sa pamilya niya, hindi ko maintindihan. All of it is in Spanish and I only understand a little and--"

"I can translate it for you."

Natigilan si Titus sa pagsubo sa kaniya saka napatitig sa kaniya. "Talaga?" May pagdududa sa mukha nito. "Gagawin mo 'yon? Aren't you too busy thinking on how to escape from my clutches?"

She rolled her eyes. "We have a deal, Titus. And I promise, didn't I?"

"That's a first-- not breaking your promise, I mean."

Palagi talaga silang babalik sa ginawa niya limang taon na ang nakakaraan. Nangako kasi siyang hihintayin ito, pero umalis siya pagkaalis na pagkaalis nito sa condo nito.

She had her reasons, and she couldn't divulge those reasons. Sa kaniya lang 'yon.

Huminga siya ng malalim saka tumingin sa binata. "I'll keep my promise this time."

Titus face grimed. "Really?"

Tumango siya habang nakatingin sa mga mata nito. "Yes."

Nanatiling nakatiim ang bagang ni Titus, "nakatingin ka rin sa mga mata ko noon nang mangako ka sakin. And I saw honesty in them, just like now." Mapait itong ngumiti saka napailing. "It's either, hindi ka talaga nagsisinungaling o kaya naman magaling ka lang talagang magpanggap na nagsasabi ng totoo."

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon