CHAPTER 21

1.5M 31.4K 5.8K
                                    

Hi to Trisha Nicole Talili. Hi din kay Reina Raisa Rasalan Reotutar at kay Queenie Haramia.
And hello to MahLove 😍😘

CHAPTER 21

NATIGILAN SI Mace sa pagpasok sa sala ng marinig ang boses ni Titus at Nate na nag-uusap. Ayaw niyang makinig pero hindi niya mapigilan ang sarili. Gusto niyang malaman kung anong pinag-uusapan ng dalawa lalo na kung tungkol 'yon sa Flamma Challenge.

"Tinawagan ako ng ama mo, hindi ka raw kasi niya ma-contact, pinapatawag ka niya." Ani Nate.

Dinig niya ang malakas na pagbuntong-hininga ni Titus. "Bakit daw niya ako pinapatawag?"

"Its about the ultimatum." Sagot ni Nate, "mukhang nagbago na naman ang isip ng ama mo."

"Ano na naman daw?"

"Hindi ko alam, kaya nga kayo pinapatawag ni Emmanuel, e."

"Fuck it."

"You're going, right?" Parang naninigurado si Nate. "Alam kong masaya ka na ngayon, pero hanggang hindi natatapos 'to, hindi ka lubusang magiging masaya at malaya."

Titus tsked. "When do we leave?"

"Tomorrow if you want."

"Okay. Tomorrow then."

Parehong natahimik ang dalawa pagkatapos kaya naman pumasok na siya sa sala, nang makita siya ni Nate, kaagad itong umalis at iniwan silang dalawa ni Titus.

And when Titus saw her, he instantly smiled. "Hey, cara mia."

Nginitian niya rin ang binata. "Hey." Naglakad siya palapit dito, "nasaan si Ace?"

"He's with Red."

"Oh." That's weird. "Sumama siya kay Red?"

"Nasa taas lang sila, naglalaro sa mga dog robot na gawa ni Phoenix."

"Ah." Napatango-tango siya saka napatitig sa binata ng hawakan nito ang kamay niya, "what?"

"Gusto ko sanang lumabas tayo." Ani Titus. "'Yon ay kung may tiwala ka sakin na hindi kita hahayaang mapahamak o makuha ni Escarial."

Pinisil niya ang kamay nito. "I trust you, caro."

"That's good to hear." Tumayo ito saka niyakap siya sa beywang, "lets go?"

Kumunot ang nuo niya, "pero si Ace--"

"Ace will be fine. Ilang oras lang naman tayong mawawala."

"Pero baka hanapin niya tayo."

"Hindi 'yon." Ginawaran siya nito ng halik sa mga labi, "halika na?"

Nag-aalala man na baka hanapin sila ng anak, pumayag na rin siya. "Sige."

Hindi na tumutol si Mace ng masuyo siyang igiya ni Titus palabas ng bahay ni Phoenix saka nagtungo silang dalawa sa garahe. Pinasakay siya nito sa kotse nito bago ito umikot patungong driver's seat. At nang makalabas sila ng gate ng bahay ni Phoenix, huminga siya ng malalim.

Ito ang unang beses na lumabas siya ng bahay mula ng dumating sila rito. Halos isang linggo na rin kasi silang nananatili sa bahay ni Phoenix.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya.

"Basta." Yon lang ang tanging sagot ni Titus na ikinailing niya.

Hanggang sa iparada ni Titus ang kotse nito sa gilid ng kalsada.

"Hmm?" Nagsalubong ang kilay ni Mace ng makitang puro halaman ang nakikita niya mula sa kotse. "Nasaan ba tayo?"

Sa galip sa sagutin siya, nginitian siya ni Titus saka lumabas ito ng kotse at pinabuksan siya ng pinto. "Come on, cara."

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon