CHAPTER 14

1.5M 34.3K 6.8K
                                    

Hello to Karmina Fontanilla, Jean Orbita, Jenny Orbita and Clara Gaspi 👋👋👋


CHAPTER 14

"PAPA!" MASAYANG SIGAW ni Ace ng makita si Titus sa pumasok sa kuwarto. Umalis ito sa tabi ni Nate at tumakbo ito pasalubong kay Titus at niyakap ang binata sa hita. "Salamat at bumalik ka, papa."

Nginitian ni Titus si Ace saka ginulo ang buhok nito kapagkuwan ay tumingin ito kay Nate. "Sa cafeteria muna kayo."

Kinain ng kaba ang puso niya ng magtama ulit ang mga mata nila ni Titus. Matalim 'yon, bakas ang galit dito.

He was angry, she could feel it.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Nate saka malalim na napabuntong-hininga kapagkuwan ay naglakad ito palapit kay Ace na nakayakap pa rin kay Titus saka binuhat nito ang anak niya.

"Kain tayo sa cafeteria," aya ni Nate kay Ace. "What do you say about that, kiddo?"

Tumingin sa kaniya si Ace. Kapagkuwan ay bumaling kay Titus bago sumagot kay Nate. "Sige po, tito Nate." Ngumiti ito. "Sa cafeteria po kita tuturuan ng French. Diba nagpapaturo ka po?"

Napakamot ng ulo si Nate. "Yes, kiddo, you'll teach me how to speak French." Ginulo ni Nate ang buhok ni Ace bago lumabas ang dalawa sa hospital room niya.

Nang sumara ang pinto ng kuwarto at naiwan silang dalawa ni Titus, mahigpit siyang napahawak sa kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan niya at nagbaba siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang matalim nitong mga mata.

"Look at me, Mace." Matalim at malamig ang boses ni Titus ng magsalita. Kapagkuwan ay sumigaw ito ng hindi siya sinunod ang gusto nito. "Look at me! Damn it!"

Napaigtad siya sa galit at lakas ng boses nito. Dahil sa munting takot na naramdaman, nag-angat siya ng tingin dito at nagtaasan ang balahibo niya sa takot ng makita kung gaano kadilim ang mukha ni Titus at katalim ang mga mata nito.

"Titus," mahina niyang sambit sa pangalan ng kaharap saka nagsalita ulit. "Let me explain—"

"Ayokong marinig ang eksplinasyon mo." Walang emosyon at nakakapanlamig ng katawan ang kalamigan ng boses ni Titus. "Isang tanong at isang sagot lang ang kailangan ko."

"Pero Titus—"

"Isang tanong, isang sagot." Tumiim ang tingin ng matalim nitong mata sa kaniya. "Anak ko ba si Ace o hindi?"

"Titus, ginawa ko lang naman 'yon kasi—"

"Answer me, damn it!" He shouted at her. He was livid. "Isang tanong, isang sagot. Anak ko ba si Ace o hindi?!"

"Titus—"

"Anak ko ba o hindi?! Madali lang ang tanong ko, Mace, madali lang! Walang mahirap doon kaya sagutin mo ako—"

"Oo!" Balik niyang sigaw saka matapang na tumingin sa binata. "Oo! Oo, anak mo siya! Masaya ka na na sinagot ko?!"

The anger on his face disappeared, and it was replaced by a cold emotion. "That's all I need to know." Pagkasabi no'n ay tinalikuran siya nito at naglakad palabas ng kuwarto at iniwan siyang mag-isa.

Nasapo niya ang mukha saka walang buhay na natawa habang nanunubig ang mga mata niya. Tumatawa siya na umiiyak at para siyang nababaliw sa emosyong parang sasabog na sa dibdib niya.

She had imagined what it would be like to talk to Titus about Ace for the first time. Maraming senaryong pumasok sa isip niya. Inaasahan na niya ang panunumbat nito, pero wala sa hinagap niya ang nangyari ngayon-ngayon lang.

POSSESSIVE 16: Titus MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon