Chapter Two : Selosa at Playboy

5.6K 241 26
                                    

CHAPTER TWO:

            “Anak, ano ba ang pumasok sa isip mo? Makipag-suntukan ba naman sa lalaki? Grupo pa sila… not to mention na isang linggo na lang graduation mo na eh na-suspend ka pa” sabi ng mommy ko habang pinapaypayan niya ang sarili niya.

            “Eh ma, practice lang naman ang mami-miss ko at natalo ko naman sila” katwiran ko habang kinamot ko yung ulo ko.

            “Buti na lang… mas nakakahiya kung suspended ka na, napahiya ka pa sa laban na sinimulan mo”

            “What? Joker ka talaga ma, sige po magpapaalam muna ako sa members ng Crystal”

            “Crystal, crystal ka pang nalalaman… di ka man lang nag-isip ng cool na acronym” pang inis pa niya.

            “Hindi ako ang nag-isip nun noh, sila Trish… Crystal yun dahil sa Chris at Al na galing sa first name ko… iniba lang yung spelling”

            “Bahala ka nga, iintayin na lang kita sa kotse… bago ka bumalik eh bumili ka ng waffles… nagugutom ako” kumindat siya sabay umalis.

            Si mommy talaga, napaka-bagets… pabalik na sana ako sa classroom ng bigla kong nakita si Jack at ang pamilya niya… nagkunwari na lang ako na di ko sila napansin.

            “Christine” tinawag yata ako ng nanay niya. Humarap ako sa kanila, baka sermonan ako ng magulang niya… ano ba naman iyan.

            “Pasensya na”

            “Po?”

            “Pagbigyan mo na etong anak kong si Chris, wala siya sa tamang pag-iisip kanina”

            Talaga lang ha?

            “Ayos lang po… pasensya na rin po kung sinaktan ko po yung anak niyo”

            “Kuya… siya ba yung nakaaway mo?” teka parang pamilyar yung boses na yun ah.

            “Oo Carlo, siya nga” sagot ni Jack na may halong inis.

            “Eh inaway niya rin ako kanina eh, binatukan kaya ako ng babaeng yan” sumbong ni Carlo habang nakaturo pa sa akin.

            Ah… siya pala yung kapatid ni Carlo. Ang alam ko lang eh may kapatid siya, malay ko ba na sa dinami-rami ng kaklase ko eh si Jack pa ang naging kapatid niya.

            “Ano ba ang deal mo Christine?! Pati na lang kapatid ko eh pinatulan mo pa, eh grade three pa lang siya eh!”

            “Oh ayan na naman mag-aaway na naman kayo… Christine, siguro may rason ka kung bakit mo to ginawa” sabi ng nanay niya.

            “Meron po… binawi ko lang po ang kinuha niyang pera sa isang kakilala ko po”

            “Hindi yun totoo!”

            “Kung hindi po kayo naniniwala sa akin eh tanungin niyo po yung kaklase niyang si Abby Marcelino, pinsan ko po siya kaya sa akin humingi ng tulong. Kung sa tingin niyo po eh pakialamera ako ayos lang… yun ang dapat kong gawin bilang protector ng mga babaeng naaapi sa school namin… sige po , Ingat” sabay akong umalis, ramdam ko ang irap ni Jack at Carlo sa likod ko habang umalis ako.

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon