CHAPTER TWENTY
[LOGAN]
Aware ako na magbi-birthday nga etong si Chris but… di ko expected na mai-invite pa talaga ako sa party niya. Mommy pa niya ang nag-invite sa amin ni Myrtle… Ni Myrtle! Yung babaeng ipinalit ko sa kanya! Syete ka Logan, pakiramdam ko tuloy ang arrogant ko pag pupunta pa ako sa party niya.
Halata naman sa mukha ni Chris na ayaw niya kaming inbitahin ni Myrtle, sino namang abno ang may gusto? Eto namang si Myrtle napaka oblivious sa mga pangyayari. Sila Jace naman, mukhang hinuhusgahan ang pagkatao ko sa isip nila… patay na…
“Ah… alis muna ako guys ha, punta kayo ah.. para di sayang effort ni mommy sa pagpunta dito para bigyan kayo ng invitations” ngumiti sa amin si Chris bago siya lumayo sa amin. Nakatingin siya sa akin eh, siguro nabasa niya yung iniisip ko na ayaw niya akong papuntahin…
Di mo talaga mahahalata sa kanya na man-hater siya, eto na nga siya, medyo nasasaktan pero handa naman akong inbitahin sa party niya para lang mapakita sa akin na okay na siya… kahit hindi pa talaga.
Nung nakaalis na siya, nagkatinginan lang kaming lahat. “Hay nako Logan…” umiling lang si Dale. Nakisama na rin sila Christopher, Jean at Alexis.
“Bakit naman?” tanong ni Myrtle.
“Wala, kumain na lang ulit tayo… pagkatapos ihahatid na kita” di pa siguro nababanggit pero sa ibang university talaga nag-aaral si Myrtle… nag-meet kami sa isang party and napadalas na nga ang pagkikita namin.
“Siguraduhin mo lang na aayos ka sa party ni Tin ha” sabi naman sa akin ni Jace.
[CHRISTINE]
Lumapit ako kaagad kay Nathan pagkatapos nun, pero lumakad lang siya. Tsss, siguro para magkunwari na wala siyang alam sa pinaguusapan namin.
“Hoy Nathan, may sasabihin ako sayo” tawag ko sa kanya.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at sinundan ko lang siya, alam ko rin lang kung saan siya papunta eh… Maya maya nakarating na nga kami sa paborito naming tambayan, sa garden sa likod ng Home Econ building.
“Ano naman yun?” tanong niya kagad sabay upo sa spot niya doon.
“Kunyari ka pa, alam ko naman na narinig mo yung pag-uusap namin eh… Birthday ko na kasi sa December 6, and as you know… debut ko” huminga ako ng malalim. “and bilang unang lalaki kong kaibigan eh iniinvite kita”
“Manong derechohin mo na lang ako na gusto mong magpunta ako doon” sabi niya with his traditional poker face.
“Ulol, asa ka naman, gusto ko lang mang-invite” naupo ako sa puno na katapat niya. Umirap lang siya ulit.
“Umayos ka ng upo mo babae, nakikita ko yung panty mo” sa niya.
“Bwisit!” binato ko ulit siya ng sapatos ko. “Alam mo masungit ka na nga, pervert ka pa” sabi ko sa kanya.
“At least hindi playboy katulad ng manliligaw mo” sabi niya.
“So inaamin mo nga na perv ka?” sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Secret of The Man Hater
RomanceMay sobrang laking galit si Christine sa mga lalaki, kinilala siya bilang mortal na kaaway ng mga lalaki nung high school pa lang siya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Christopher. Natapos ang high school nila ng parehas silang on bad terms. Sinunda...