Chapter Nine : Fall

3.3K 142 31
                                    

CHAPTER NINE

[CHRISTOPHER]

            Pagkatapos ng klase eh nagyaya na sila Dale na magpunta kami sa clubroom ng Crystal. Di ko nga inakala na may clubroom sila. Nasa dulong room ng top floor ng engineering building. Tinanong ko sila kung bakit ang layo, sabi nila para daw di makaistorbo sa iba.

            “Welcome to the clubroom Jace” masayang sabi ni Christine. Kung kaya ko lang bigyan ng award na best actress ang babaeng ito, malamang matagal ko na ito binigay.

            Ang ganda, yun lang ang masasabi ko. Halatang special itong room na ito dahil ang mga pader ay carpet covered. Red at black ang nakita kong kulay at nakita ko rin ang mga gamit nilang instruments.

            “Wow, astig… Saan kayo nakakuha ng budget para dito?” tanong ko.

            “Allowance namin” sabi ni Dale na parang napakamura lang ng nagastos nila. Sabagay, naalala ko naman yung kinwento ni Dale… Sila Dale lang naman ang may ari ng isang sikat na mall dito sa Pinas, tas si Alexis naman ay apo ng head master ng school namin. Sila Jean naman ay nagmamay-ari ng isang five-star hotel habang si Logan ay galing sa isang showbiz family.

            Big time rin itong barkada ko… thank goodness ka-match ko sila… Buti na lang at si mama ay isang sikat na chef ng five-star gourmet resto niya, si dad naman eh isang engineer and I don’t mean to brag pero may part time job ako as a model.

            “Oh tara, practice na… Freshmen’s fair na sa Friday at ayokong mapahiya” sabi ni Christine habang sinaksak niya yung amplifiers.

            “Teka lang, anong kanta ba ang ipe-perform natin?” tanong ni Dale.

            “Halik by Kamikazee… then next song is Kiss you by One Direction” sabi ni Logan

            “Tanggap ko yung Kamikazee but seriously 1D? Gay” comment ko.

           

            Bigla akong nakatanggap ng irap galing kina Jean, Alexis at wait parang pati si Logan masama ang tingin saken ah?!

            “Inggit ka lang” piningot ako ni Alexis.

            “Wag mo lang magawang malait-lait ang precious 1D namin!” sabi ni Jean.

            “Magaling naman sila eh, di naman talaga ako fan… nagkataon lang na kabuhok ko si Zayn” comment ni Logan.

            “Naku pre, puro fans yang mga yan… wag ka na umangal” sabi naman ni Dale.

            “Osya, rock na” nagbuntong-hininga ako.

            Kasalukuyang kasama kong maglakad pauwi si Christine, unfortunately niyaya si Logan ng ilang seniors niya sa basketball team para umattend ng auditions para sa cheerleading team para manuod. Hindi na siya nakatanggi, kaya ngayon kasama ko si Christine.

            “Di ko akalain na ganun kang ka-pro mag-gitara… kelan ka natuto?” tanong ko dahil nakakairita ang katahimikan.

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon