CHAPTER SEVEN
Damn…ngayong iniisip ko yung nangyari kagabi eh parang napaka-awkward nun… ano ba ang pumasok sa isip ko?
Not to mention yung mga naisip ko… ganon na lang ba kalakas ang tama ko? Sht… nasa isip ko na mai-inlove siya saken? Ang babaeng iyon? The hell dude.
Seriously… nababawasan ang confidence ko… bwisit naman kasi yung babaeng yun.
“Wait!”
Speak of the devil.. humabol siya bago sumara ang pinto ng elevator. Nang makita niya ako, di man lang siya nag-effort na itago ang hostility niya.
“Bad trip” mahinang bulong niya.
Ayon nanaman… naalala ko ulet yung nagyari kagabi. Yung almost kiss na yon! Yun pagka-seductive ni Christine…Fck… did I just think of that? The hell… bigla na lang ako nakaramdam ng nerbyos.
Bakit?! Di ako dapat kabahan… I’m Jack fcking Christopher Sanchez! Niluluhuran ako ng mga babae… saksakan ako ng gwapo! Mas mataas pa ang appeal ko sa sex god! So bakit ako kinakabahan ng dahil lamang sa babaeng ito?
Speaking of babaeng ito, napansin kong nakatitig siya sa akin. Nakakunot ang noo niya at nakanguso siya.
“Gwapong-gwapo ka siguro sa akin no? “ Nakangisi ko siyang tinanong.
“Di rin, mukha ka lang tanga diyan dahil ngiti ka ng ngiti sa sarili mo” sagot niya.
“Walang basagan ng trip” sambit ko.
Paglabas namin ng building nakita ko si Logan na naghihintay.
“Oh, sabi ko naman sayo di mo na ako kailangang sunduin eh” nahihiyang sabi ni Christine.
Aba… ang bilis mag-transform ng ugali niya. “May pagka-bipolar ba si Tin?” tanong ko.
“Tin?”“Bipolar?”
Napaharap sila sa akin. “Ah… ikaw pala, dito ka rin pala nagsta-stay.. at sino si Tin? At bakit naman bipolar?” tanong niya.
Nginusuan ko si Christine na ngayo’y nakatingin ulit sa akin at nakataas ang kilay. “Tin… magka-pangalan kasi kami.. eh at ayaw niya yata ng Christine” paliwanag ko.
“Eh bakit naman bipolar?” tanong ulit ni Logan.
Tinawanan ko na lang siya. “Ingat na lang, mauuna na ako” ramdam ko ang irap ni Christine sa likod ko… wapakels, may Logan naman siya eh.
Wait… was there bitterness in my thoughts? Umiling na lang ako… I need a distraction.
BINABASA MO ANG
The Secret of The Man Hater
RomanceMay sobrang laking galit si Christine sa mga lalaki, kinilala siya bilang mortal na kaaway ng mga lalaki nung high school pa lang siya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Christopher. Natapos ang high school nila ng parehas silang on bad terms. Sinunda...