Chapter Twenty-Three : First Kiss?!

2.2K 109 7
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

[CHRISTINE]

            Lutang na lutang ako ngayon, di pa kasi nagtatagal eh nagising ako kaagad. Usually ang pagtulog ko at least thirty minutes eh pero nakaka-ten pa lang eh. Basta pagkadilat ko nakita ko na lang na malapit yung mukha ni Nathan sa mukha ko at parang nagulat pa siya. Lumayo siya bigla “May langaw sa mukha mo” sabi nito.

            “Ah geh” pagkatapos nun ay pumikit na ulit ako, then realization hit me. “Hoy, langya ka, anong langaw? Eh bakit kailangan mukha mo yung ilapit mo?” tanong ko sa kanya. Napakagat siya bigla sa labi niya, then napansin ko… namumula ba yung tenga niya? Then biglang may blurred thoughts ako na parang may something sa labi ko kanina.

            Oh no…

 

            “Hoy! Hinalikan mo ba ako?!” pang-accuse ko sa kanya. “Tss… malas” napakamot siya sa ulo niya. Aba! Hindi man lang dineny. “Ano ba naman ito… parang lahat na lang ng halik ko nananakaw… nakakaasar naman. Una si Jace ngayon pati na lang ba ikaw Nathan? Akala ko ba matino ka?” sigaw ko sa kanya.

            “Si Jace ang first kiss mo?” tinaasan niya ako ng kilay. “Hindi iyon ang point! Nakakainis ka naman!” binato ko siya ng sapatos ko pero nakaiwas naman ang walangya. So binato ko siya nung isa ko pang sapatos… di man lang umabot sa kanya. Kainis!

            “Ako ang first kiss mo by the way… nung first year, ginigising lang kita… hihipan ko sana yung tenga mo para magising ka pero bigla kang gumalaw tas nadikit yung labi mo sa labi ko. Technically ikaw ang nagnakaw ng first kiss ko” sabi ni Nathan with his well known poker face.

            “Anoooooooooooooooooooooooooo?!!!!!” sigaw ko bigla.

            Tinakpan niya yung tenga niya. “Huwag kang OA, halik lang yan… di ka naman nawalan ng dangal” sabi niya. “Bakit naman di mo sinabi noon? Buong akala ko si Jace yung first kiss ko!”

            “Oh, at least na clear up na… ako yung first kiss mo. May this serve as a lesson na huwag kang basta basta matutulog ng mag-isa dito.” Mukha mang kalmado si Nathan eh nahahalata ko pa rin na namumula siya… “Augh. Paano ko ito ie-explain kay Jace? Nakakaasar ka naman eh. Bakit mo ba yun ginawa? Feel mo lang?” tanong ko, paano ba naman kasi eh… “Ganti lang” he smirked. Tumayo ako, kinuha ko yung mga sapatos ko saka ko hinagis sa kanya. Sapol, double hit pa.

            “Aish.. nadumihan yung polo ko” reklamo niya. Nag-smirk lang rin ako “Ganti lang”

            “Bwisit” sabi niya.

            “Manyak” hirit ko.

            “Daldalera”

            “Malibog”

            “Maingay”

           

            “Bumalik na nga lang tayo sa room. Nathan, walang nangyari ah… WALA” inirapan ko siya.

            “Sabi mo eh” nagkibit balikat lang siya. Weird… bakit hindi ako inis? Nung nangyari kung kay Jace, tatlong months kaming di nag-usap, pero ngayon bakit kinaya ko pang makipag-inisan kay Nathan? Man-hater pa rin ba ako or cured na nga ako ng dahil kila Nathan at Jace?

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon