CHAPTER TWENTY-EIGHT
[NATHAN]
Nung nagising ako, naramdaman kong gumaan na yung pakiramdam ko. Di na rin barado yung ilong ko. Then napansin ko na nasa harapan ko lang pala si Chris. Nakayakap rin siya sa akin. Naalala ko tuloy yung kalokohan ko, nagpayakap nga pala ako sa kanya. Huwag niyong isipin na nanananching lang ako, talagang giniginaw ako and based on all the knowledge I know body heat is the best source for warmth.
Hindi na ako nagtaka kung bakit di man lang siya nagising nung inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin, at umalis ako sa kama niya. After all, walang makakatalo sa pagka-heavy sleeper ng babaeng ito. Dapat nasa Guiness book of world records na eto eh.
Kailangan ko rin lang magpasalamat sa kanya kaya nag-iwan na lang ako ng note tas dinikit ko ito sa refrigerator niya. Tiningnan ko siya, shit. She’s super effing cute. Ngayon lang yata ako nagkaganito ng dahil sa isang babae. Tss.. Lumapit ako sa kanya, I bent down, kissed her on the forehead then left.
Di pa ako nakakalayo sa building eh may na-receive ako na call. Tiningnan ko yung phone ko, si Jace pala. Teka san niya nakuha yung number ko? Whatever…
“Bakit ka napatawag?” tanong ko kaagad.
“Pre, kasama mo pa ba si Chris?” teka si Dale eto ah. Then narinig ko na parang maingay yung background… tss… naka-loud speaker to tyak.
“Nope… just left her”
“Ah… sige ako na lang ang magsasabi sa kanya” si Jace na yung nagsasalita.
“Ng alin?” tanong ko.
“Eh nakalimutan namin na Engineering week na nga pala bukas tapos sa Thursday na yung Battle of the Bands kaya kailangan na naming mag-practice.”
Oo nga pala no? Nakalimutan ko rin yun… I guess masyado kaming busy and occupied sa birthday ni Chris kaya nakalimutan namin yung tungkol dun. Tch. Wala na namang klase hehe.
“Ah… nandoon lang naman siya sa condo niya but tulog siya nung umalis ako. Puntaan niyo na lang siya maya-maya” sabi ko sa kanila.
“Oy Nathan” sabi ni Jace.
“Ano?”
“Nasabi mo na ba sa kanya?”
“Oo, wag mo nang tanungin yung detalye…”
“Aish… bahala ka nga” sabi naman ni Jace, then he dropped the call.
Ano kaya pwede kong gawin sa Engineering Week? Nakakatamad namang sumali sa sports eh. Alam ko na rin lang na nandun si Logan at Jace kaya bakit pa ako sasali? Baka makawawa na masyado yung kalaban. Matutulog na lang siguro ako…. For the whole week.
[CHRISTINE]
Matagal rin pala akong nakatulog… aish… umalis na rin pala si Nathan. Kaya pala medyo lumamig. What?
BINABASA MO ANG
The Secret of The Man Hater
RomanceMay sobrang laking galit si Christine sa mga lalaki, kinilala siya bilang mortal na kaaway ng mga lalaki nung high school pa lang siya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Christopher. Natapos ang high school nila ng parehas silang on bad terms. Sinunda...