CHAPTER TWENTY-SIX
[CHRISTINE]
Nagsisisi na ako na hindi ako sumama kay Nathan. Edi sana ngayon natutulog na ako, pero nope. Kailangan kasi maki-agree rin ako kay Myrtle. So now kasama ko sina Trish, Alexis, Jean at Myrtle sa girl’s washroom.
Lahat sila nagpalit na ng swimwear nila and I must say na nakaka-insecure sila. Ang gaganda ng katawan nila tapos… they have… abundant… bosoms.
“Chris, tara na… bakit ba nakatalikod ka sa amin?” tanong naman ni Alexis. Ugh… akala ko wala akong paki sa mga ganitong bagay pero bakit ganito… girl issues.
“Uhm… mauna na kayo, maglalagay muna ako ng sun screen” sabi ko.
“Sun screen eh gabi na. Wala nang araw” Jean pointed out. Alangya… ayoko naman talagang lumabas eh! Nakaka-degrade. Puro yata sila C or D… B lang ako. B!
“Tara na Chris, huwag ka ng mahiya pa. Maganda ang katawan mo oh tapos ikaw rin ang pinakamaputi sa atin. Tapos ang cute mong tingnan diyan sa patterned mo na swimsuit. Baka sakali na mabuhayan ng loob si Nathan” sabi naman ni Trish. Aish. Issue na naman eto. I can feel it.
“Bakit Chris? Crush mo si Nathan? Oh em…” napatakip pa sa kanyang bibig si Myrtle. OA much?
“Hindi no. Huwag na nga kayong gumawa ng issue. Porket nagphotoshoot kaming dalawa pwede niyo nang i-link? Hayaan niyo namang ipahinga yung status ko.” Sabi ko sa kanila habang pinonytail ko yung buhok ko.
“Sorry Chris, pero wag kang mag-alala ang nakakainggit sayo eh kahit kanino ka ma-link walang naiinis sa iyo. Ang daya, unfair samin. Napalikeable kasi ng personality mo eh” sabi ni Jean.
Really? Are they serious? Sure ako somewhere in STA may haters ako. They have yet to appear. “Tara na nga lang sa labas” sabi ko, kaysa naman kung anu-anong nonsense ang pag-usapan namin dito edi mas okay ng lumabas kami. Sinuot ko yung pamatong ko na white na binili ni mommy para sa akin. Para kahit papaano naman eh may matakpan man lang ako.
“Sige na nga, tara na ah. Night swimming with the boys, exciting ito. Makakakita tiyak ako ng abs!” sigaw ni Myrtle sabay takbo palabas, sumunod na lang kami…
[CHRISTOPHER]
Magpapalit na lang ng pang-swimming mabagal pa rin? Ano ba talaga ang meron sa mga babae at kay babagal magsikilos? Di naman siguro sila nagmake-up pa… swimming na lang nakamake-up pa?
“Pre, sa tingin mo naka bikini yung mga girls?” halos maibuga ko sa pagmumukha ni Dale yung iniimom ko.
“Iyan ba ang umaabala sayo? Intayin mo na lang kaya” sabi ko.
“Kahit ako curious eh. Si Myrtle sure ako nakaganun… dito pa nga lang sa labas eh excited nang magbihis eh. Si Chris kaya?” nagsmirk si Logan habang nakatingin sa akin. What the heck, bakit ako?
“Malamang sa naka t-shirt yun at shorts. Malabong magsuot ng ganun yung babae na iyon” sabi ko. “At Logan huwag mo akong matingnan ng ganyan, alam kong tactics mo yan para maiwas mo ako kay Myrtle” sabi ko. I do have a point.
BINABASA MO ANG
The Secret of The Man Hater
RomanceMay sobrang laking galit si Christine sa mga lalaki, kinilala siya bilang mortal na kaaway ng mga lalaki nung high school pa lang siya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Christopher. Natapos ang high school nila ng parehas silang on bad terms. Sinunda...