CHAPTER SIX
[CHRISTOPHER]
Pagkatapos kumain eh bumalik na kami sa campus. Napansin kong ang daming nakatingin sa grupo namin… particularly sa akin.
“Mukhang malakas ang dating mo pre, unang araw mo pa lang sa St. Therese sa lagay na yan ah” sabi ni Dale.
“Oo nga eh, nahihigitan ka na ni Christopher, Dale” natawa si Logan.
“Ay hindi ako papayag… suntukan na lang oh”
Natawa ako “Wag kang mag-alala Dale, mas gwapo ka sa akin” pambobola ko sa kanya.
“Ah, hihiwalay muna ako, three pa naman ang sunod nating klase eh” sabi ni Logan.
“Oo, one pa lang naman eh. Saan ka naman pupunta?” tanong ni Christine.
“May aasikasuhin lang ako para sa basketball team, may try-outs na next week eh” sabi niya.
“Oo nga pala… vice captain ka na nga pala pre!” bati ni Dale.
“Salamat, oh sige alis muna ako” ginulo niya muna yung buhok ni Christine bago siya umalis. Mukhang nairita si Christine habang inaayos niya yung buhok niya. Masyadong close yung dalawang yun.
“Jack” napatingin ako sa tumawag sa akin. “Pasama naman sa garden. May ituturo lang sana ako” tumango lang ako sabay sumunod sa kanya.
“Kitakits sa room!” narinig ko si Jean.
Dinala ako ni Christine sa garden sa likod ng Home Economics building, may swing doon. Naupo siya sa isa tas tinuro niya kung katabi nito, tumabi ako sa kanya. Mahangin at tsaka tahimik, wala ring tao kaya masarap sa pakiramdam.
“Bakit ka nandito?” bumalik ang katarayan sa boses niya. “Di ba dapat nasa Bulacan ka lang?”
Napangiti ako “Sabi na nga ba at lalabas rin ang tunay mong kulay”
“Sagutin mo yung tanong ko, sinundan mo ba ako?!”
“Easy… dapat talaga dito ako nung first year kaso nga lang nagkaproblema.. at malay ko ba na CE rin ang kinuha mo”
“Bwisit. Panira ka rin.. wag mo lang magawang sabihin kahit kanino yung tungkol sa Crystal at yung tungkol sa nangyari sa ating away” banta niya.
“Eh bakit ka ba nagkaganyan? Ano ba ang nangyari nung first year ka pa lang? Paano ka biglang naging campus sweetheart? May kaibigan ka pang lalaki, anong nangyari sayo?”
“Mahabang kwento na di mo kailangang malaman”
“Eh si Logan? Niloloko mo lang ba siya?” tanong ko “Si Dale? Ginagamit mo lang din ba?”
Bigla niya akong tinulak, napatihaya ako dahil sa pagkabagsak sa swing.
“Maraming nagbago Jack. Kaibigan ko si Dale at nililigawan ako ni Logan. Wala akong ginagamit o niloloko. Hindi ako gagaya sayo” napaka-angas ng pagsalita niya at nakayuko pa siya sa akin. Grabeng kahihiyan rin ang sinapit ko sa babaeng ito.
BINABASA MO ANG
The Secret of The Man Hater
RomanceMay sobrang laking galit si Christine sa mga lalaki, kinilala siya bilang mortal na kaaway ng mga lalaki nung high school pa lang siya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Christopher. Natapos ang high school nila ng parehas silang on bad terms. Sinunda...