Chapter Thirteen : Mr. Sungit

2.7K 128 6
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Btw. Flashback po ito ah.

[CHRISTINE]

            At last… this is it… My first day as a college student. Sana wala akong ma-meet na former classmates, after all… ayoko na start pa lang ng school year eh may kumalat na na news tungkol sa high school life ko. Past na yun and college na ako, kailangan kong mag-adjust muna.

            Lakad dito… lakad doon.. argh… sa sobrang laki ng campus na ito eh di ko man lang mahanap yung Engineering building… ayoko namang magtanong kasi ayokong magmukhang eng-eng.

            “Tsk… tumingin ka naman sa dinadaanan mo”

            Ayt… bad trip, bet ba hindi na lang babae ang nabunggo ko? Kinailangan pang lalaki. Hinarap ko siya, kasingtangkad ko lang naman siya. Obvious sa pagmumukha nito na masungit siya, nangangamoy playboy rin. Eugh… pinakaayaw ko sa lahat… may naaalala ako sa kanya.

            “Di ko naman sinasadya eh, kung makaasta ka naman akala mo kung sino ka” sumbat ko. Di ako makapagpigil eh, kainis naman kasi… sira na ang araw ko… pssshh..

            Nag-smirk siya, ang kapal ng mukha, sarap basagin… nakoooo… kung hindi lang talaga first day ngayon eh. “Ako lang naman yung topnotcher sa exam dito”

            Ang yabang! Takte… sarap sapakin… “Haha, congrats… topnotcher rin ako… so wala kang karapatang magyabang sa akin”

            Nag-whistle lang siya, sabay akong tinalikuran. “Whatevs… nga pala… naliligaw ka siguro no? Magpatulong ka na lang kaya sa akin?”

            “Ulol, sinong nagsabi na naliligaw ako…tsss… and kung naliligaw man ako, di ako magpapatulong sayo no”

            “Bahala ka, see you later miss Sungit” then he walked off.

            Kainis, sersiously sana eto na ang last time na magme-meet kami nung lalaking yun, kung makapagsabi ng sungit parang siya hindi. If he didn’t make that remark I never would’ve gotten grumpy in the first place.

            At sa wakas! After minutes of walking nahagilap ko na rin yung engineering building at nakapunta ako sa room with three minutes to spare. Galing ng instincts ko.

            “Oh look who’s here”

            Shet..Tapete… wag mong sabihing… “Oh, ikaw na naman?” tinaasan ko siya ng kilay.

            “Akalain mo, magkaklase pala tayo… kanina pa ako nandito, kung nagtanong ka edi sana nandito ka na rin kanina pa” sabi niya.

            “Tsss… naglakad lakad lang talaga ako, maraming pwedeng makita sa campus kaya sinadya ko na wag muna dumerecho dito” paliwanag ko, pero leche excuse lang yon!

            “Yeah right, you suck at excuses miss Bernardo” sabi niya habang tiningnan niya yung ID ko.

            “I have a name mister…..” tinakpan niya yung ID niya kaya di ko mabasa, arghhh… nakakainis!!!

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon