CHAPTER TWENTY-FIVE
[NATHAN]
Araw na pala ng debut ni Chris, di ko man lang napapansin. Bakit ba kasi pumayag pa akong mag-escort? Ngayon tuloy required ako na sunduin yung birthday girl sa bahay niya. Yes as in bahay niya, sa Bulacan… kasi nga dun gaganapin.
May pakulo kasi yung mommy niya na iiwanan siya sa bahay tapos susunduin siya ng escort niya. Kabaduyan level 500. Di ba pwedeng ihatid siya ng driver sa venue mismo? Ako pa tuloy ang na-hassle na magbihis ng maaga para masundo siya kaagad.
Yung nanay naman ng babaeng ito… mukhang di pa ako tatanggapin nung una. Bakit daw ba kasi bigla siyang nagpalit ng escort? Pero pagkatapos magpaliwanag ni Chris eh tuwang-tuwa na man sa akin yung nanay niya. Astig rin daw na model ang escort ng “baby girl” niya.
“Hoy babae di ka pa ba ayos? Ano bang kaartehan ang ipaglalagay sayo?” tanong ko once na pumasok ako sa bahay nila. Binigyan ako ng mapa ng nanay niya at sabi naman niya na si Chris at yung stylist lang naman daw yung nasa bahay kaya ayos lang daw na pumasok ako basta basta.
“Andyan na” narinig ko siya mula sa second floor. Kalandian naman oh, ano to… dramatic entrance niya?
“Bilisan mo. Gusto mo ba ma-late ka sa sarili mong party? Baba na nga arte nito” sabi ko. Tss.
“Eto na nga” sabi niya.
“Dugdug!”
Anak ng… nababading na yata ako. Ano na naman. Pinagmasdan ko siya habang pababa siya sa hagdan. “Oh ano, gulat ka no?” pabiro niyang sinabi. Di pa rin ako makapagsalita, naka-gown siya na maikli. Basta puti ito at bagay sa kanya. Naisip ko tuloy parang ikakasal siya, bakit ba kasi puti?
“Talaga ba na maikli yung gown mo?” tinanong ko siya habang bumababa siya sa hagdan. Eh kasi, ang puti niya tapos nakaputi pa siya tapos ang puti nung binti niy-- … what the heck?! Ano ba itong iniisip ko????!!!
“Cocktail dress lang ito. Ayoko ng gown, baka madapa pa ako ng di oras” reklamo niya.
“Tara na” yaya ko. Ngumuso lang siya. Ano na naman ba?
“Di mo man lang ako ico-complement?” hinampas niya ako sa balikat. Amp! Pwede namang di manghampas ah. Napakabayolente naman ng babaeng ito!
“Oo na… bagay sayo, ang puti ng legs mo… yun ba gusto mong marinig?” nakangisi kong sinabi. Tutal, perv lang rin ang tingin sa akin ng babaeng ito eh, paninindigan ko na lang.
“Napaka-pervy mo talaga kahit kelan. Kahit simpleng ang ganda mo ngayon ayos na eh” hinampas niya ako ulit, pero di na gaanong kalakas.
“Aish… tutal birthday mo naman… mukha kang babae” nginitian ko siya.
“Ano naman ang ibig sabihin niyan? Mukha akong lalaki on normal days?” tinaasan niya ako ng kilay, isang sapak ang nagbabadyang tumama sa akin kapag di ako umayos.
“You’re already beautiful, so ano pa sasabihin ko? Tara na lang no” namula naman siya ng konti bago siya tumango. Inoffer ko yung braso ko sa kanya saka kami magkasamang umalis ng bahay niya.
BINABASA MO ANG
The Secret of The Man Hater
RomanceMay sobrang laking galit si Christine sa mga lalaki, kinilala siya bilang mortal na kaaway ng mga lalaki nung high school pa lang siya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Christopher. Natapos ang high school nila ng parehas silang on bad terms. Sinunda...