CHAPTER TWENTY-SEVEN
[CHRISTINE]
Augh… ano ba ang nangyari? Hilong-hilo ako. Napakasakit ng ulo ko, bakit parang wala akong maalala kagabi?
Pagkadilat ko eh una kong napansin eh nasa isa akong cottage, shete, nakatulog ako dito? Himala na lang pag di ako nilagnat. Tss. Di man lang ako ginising nila Jace… nasaan nga ba sila Jace?
“Mmmm” may narinig ako umuungol. Lumingon ako at napansin ko na katabi ko pala si Nathan... what?!
Napaupo ako bigla, wrong move. Lalo lang sumakit yung ulo ko. “Nathan! Gising” sabi ko pero ang sakit rin pala ng lalamunan ko, parang tuyong-tuyo. Tiningnan ko yung paligid ko at napansin ko na may ilang bote ng alak sa harapan ko. Oh shit.
Naalala kong uminom ako kagabi pero wala na akong maalala pa. Now that I think of it… tiningnan ko yung state namin ni Nathan ngayon and from the looks of it, parehas kaming lasing kagabi. Then, parehas kaming di man lang nakadamit ng maayos. Alam kong nag swimming kami pero kung nasa tama kaming pag-iisip magbibihis naman siguro kami di ba? Ni wala man nga lang t-shirt si Nathan eh.
Uh oh.
“NATHAN!” napasigaw ako, nagising naman siya bigla. And as expected, inirapan niya ako kaagad. “Shit, huwag ka ngang maingay. Ansaket ng ulo ko” minasahe niya yung temples niya once na nagising siya. Good, he got a hangover too.
“May naaalala ka ba sa mga nangyari kagabi?” tanong ko. “Tss.. edi nalasing ka, careless drinker ka kasi. Di kita makausap ng maayos kaya uminom na lang rin ako…” sabi niya.
Seriously, nagpakalasing rin siya para intindihin ako? Yeah Nathan. How thoughtful of you, note the sarcasm. Tss. Kailangan ko ng magbihis, baka abutan kami ni mommy at this state, parehas kaming patay. Baka di na kaming makabalik sa Manila.
“Morning sleepyheads” nakita namin si Jace sa may entrance ng cottage. Kasama niya si Dale at Logan at nakangisi silang tatlo. Nairita ako kasi mukha silang Los Viajeros dun.
“Hoy, anong nangyari kagabi?” tanong ko sa kanila.
“Heh” natawa si Logan. “Di ba nung nanalo kayo sa game humiwalay na kayo sa amin? Nag-swimming lang kami then napansin namin na iba na ginagawa niyo… next thing we know parehas na kayong tulog kaya di na namin kayo magising” sabi niya.
“Iba ang ginagawa?” tanong naman ni Nathan. “Mag t-shirt ka nga. Nakakaistorbo yang katawan mo” inabot ko yung t-shirt niya na nakakalat lang sa may sahig.
“Yep. Laking inggit lang ni pareng Chris” sabi ni Dale na naging dahilan naman para batukan siya ni Jace. “Alam niyo, magbihis muna kaya kayo. Soon enough your mom is gonna go down here and I think di niya magugustuhan kung aabutan niya kayong ganyan” sabi ni Jace. Napatango na lang kami ni Nathan.
“Mag-shower na rin kayo, amoy alak kayo. Bilisan niyo kami na bahalang maglinis nito” sabi nila Dale.
BINABASA MO ANG
The Secret of The Man Hater
RomanceMay sobrang laking galit si Christine sa mga lalaki, kinilala siya bilang mortal na kaaway ng mga lalaki nung high school pa lang siya. Isa sa mga nakaaway niya ay si Christopher. Natapos ang high school nila ng parehas silang on bad terms. Sinunda...