Chapter Twenty-Nine : Nasa Iyo na ang Lahat

2.6K 119 10
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

[LOGAN]

            Fourth day na ng Engineering Week which only means… Battle of the Bands na mamaya! Pumasok kami ng maaga para sa ilang preparations… well lahat kami except kay Chris, di naman kasi siya informed at hindi na daw siya ma-contact ni Christopher kagabi kaya ayun, hinayaan na lang namin.

            Kasama nga rin pala namin si Nathan ngayon, ganun ba siyang kaseryoso kay Chris? Naging close na rin siya sa barkada namin, di naman totally close… tahimik lang siya actually. Nakikisama lang tapos mambabara kapag gusto niya. Ganun lang siya eh.

            “Morning kumags” andito na pala si Chris. Napahinto siya bigla, tapos natingin lang siya kay Nathan. “Bakit siya nandito?” tanong bigla ni Chris. Feeling at home naman kasi etong si Nathan, papasok ng maaga tapos di naman pala sanay na maagang gumising kaya ngayon… ayun, nakahiga sa sofa.

            “Oy” tinaas ni Nathan yung kamay niya para ma-acknowledge si Chris. “Nagpapalamig lang” sabi nito. Tinanggap naman netong si Chris yung not so convincing excuse ni Nathan.

            “Suot mo na pala” sabi naman ni Christopher habang tumuro siya sa leeg niya. Tiningnan ko naman si Chris, nakasuot nga siya ng kwintas na may nakalagay na letter C na kumikinang-kinang pa. Hehe, sly move … what does that “C” stand for? Christine or Christopher? Better yet both. Ano ba naman ako, pinagpipilitan kong may gusto si Christopher kay Chris para lang masiguradong wala na siyang gusto pa kay Myrtle. Tsk. Selfish bastard.

            “Oo naman, salamat nga pala ah… di naman ako talaga mahilig sa accessories pero sa tingin ko naman tama lang na magsuot ako nito” sabi ni Chris habang hinawakan niya yung kwintas. Nakita ko naman na nakatingin lang si Nathan doon.

            “Nako, buti pa si pareng Chris may regalo… yung escort kaya meron?” tanong naman ni Dale. Sumama naman ang tingin ni Nathan kay Dale. If looks could kill baka patay na si Dale ngayon… sayang… hehe biro lang.

            “Tss… kwintas na lang gagawan niyo pa ng issue” sabi naman ni Chris. Tumahimik na lang rin sila. Bumalik na lang rin sa pagtulog itong si Nathan. Tsk. Kanina lang pautos-utos pa itong lalaking ito eh, dumating lang si Chris bigla na lang magpapakatino?

            Maya-maya ay Battle of the Bands na nga, di naman kami kabado eh… siguro dahil di rin kami gaanong seryoso. Nakaset-up na sa stage yung equipment, performers na lang ang iniintay. Since kami yung “Defending Champion” kami ang huling magpe-perform. Saktong-sakto naman pala. Good luck na lang sa amin.

[CHRISTINE]

            Nasa may baba kami ng stage ngayon, di naman mukhang kabado yung iba naming members eh, ako lang talaga. Paano ba naman kasi kapag ako ang nagkamali, halatang-halata yun.

            “Huwag ka ngang kabahan” tinapik ni Jace yung balikat ko. Nginitian ko siya, perosa tingin ko mukha akong nakangiwi ngayon.

            “Easier said than done. Ganto rin naman ako last year eh. Hayaan mo na lang, habit kong kabahan eh” nag-smirk lang si Jace.

            “Promise Tin, after nito di ka na makakaramdam ng kaba. Baka matuwa ka na lang, who knows? Kahit ako excited na sa mangyayari” sabi niya.

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon