Chapter 13: Thrilled

43 4 0
                                        




"What's the last thing that REALLY embarrassed you?" Geoff asked.

Andito na naman siya sa bahay. May dalang pizza but this time he made sure he brought Parmesan cheese and a lot crushed peppers. Kaloka bes. Isang plastik yung dala niya.

Weekend na naman, nasa bahay lang ako.

"Last thing that really embarrassed me?" I laugh, "Wala naman. Pero hindi ko makakalimutan yung bago pa lang ako dito. Alam mo yung coffee maker sa mga office? Yung coffee na nasa cup ng coffee? Yung ilalagay sa coffee maker? Alam mo?"

Tumango na. Tumawa na naman ako.

"Job Interview ko nun eh. Tapos winter pa nun, eh medyo matagal na kong naghihintay sabi ko makapagkape nga muna. So eto na nga nag kape na ko, nakakita na ko ng coffee maker, Pero yung coffee na nasa cup, it was my first time! Ewan ko kung ignorante lang ba ko o talagang wala lang nun sa bundok. Inamoy ko, amoy kapeng barako. Ang ginawa ko..." I laugh, I can't stop myself from laughing, "Binuksan ko yung lagayan ng kape tapos inilagay ko dun sa dapat ilalagay yung buong cup. Nagtaka pa nga ko nun kasi bakit walang filter? Di ba pag kapeng barako nilalagyan muna ng filter? So yun nga, nagawa na yung kape. Yung mug ko may mga kape na buo buo. Hindi ko pinansin. Nilagyan ko na lang ng maraming gatas. Ang tagal ko sa harap ng coffee maker. Tapos tinikman ko, Ang sama! In the end, tinapon ko lang yung kape. Tapos tinignan ko yung susunod sakin, gumawa siya ng kape, mali pala yung ginawa ko. Dapat pala I'll just insert the cup of coffee and it will automatically brewed dahil kusa siyang mabubutas o mabubuksan. After that, tinignan ako nung gumawa ng kape tapos awkward na ngumiti, pero alam ko deep inside pinagtatawan ako nun! Nakakahiya!"

Tawa siya ng tawa. Kahit ako tawang tawa sa sarili ko. I don't know but there's something felt right, and easy, and natural, and real when I'm talking to him. There's a connection.

"What's your favorite joke?"

"Pwede pa palang mawala ang Cebu?"

"What?"

"Pag ginamitan mo ng Joy." He just look at me, waley bes, pero iisipin ko na lang na hindi niya naintindihan dahil kano siya. Nag volunteer na lang akong tawanan ang sarili kong joke. "Ikaw? Anong favorite joke mo?"

"He's just my friend."

"Lalim."

"If you could go back to any age or time of your life, what age or time would it be?"

I look at him and think, "Hmm siguro, before I went here to America."

"Why?"

"I missed my teenage years kasi, dumating ako dito 18, pag dating ko dito trabaho agad, hindi man lang ako nakapag-yolo. Ngayon 20 na ko. Parang hindi na bagay." I put crushed peppers in my pizza.

"Yolo?"

I bite in my pizza, "You only live once, ganon."

"What is the craziest thing you've ever done?"

"Wala."

"Have you ever broken a law?"

"No!"

"If you haven't what is one law you'd love to break?"

My American LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon