Chapter 4: HimMahigit isang linggo na ang nakalipas simula nung nangyari ang Bloody Hellcome.
Simula ng mangyari yun palagi na kaming may dalang armas gaya ng pocket nife. Baka kasi habang naglalakad kami eh bigla nalang may sumugot edi handa kami..
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kumakain habang naguusap -usap.
"Simula nang mag Bloody Hellcome parang may kakaiba na akong nararamdaman sa Universityng Ito" seryosong sabi ni Maxima..
"Ako nga rin eh. Parang may mas hihigit pa sa pangyayaring yun." Sabi naman ni Lindsey..
"Tsk. Lumipat nga tayo ng paaralan at huminto muna sa pagiging gangsters para magkaroon ng tahimik at bagong buhay pero parang mas lumala yung nangyari ngayon." Seryosong sabi ni Brendon.
Tama siya. Mas lalong lumala yung nangyari. Di lang simpleng paaralan ang napasukan namin. Alam namin yun. Dahil hindi lang basta bastang pagasugod yung ginawa nila nung nakaraan kundi ang patayin kami kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang patayin din yung mga sumusugod samin. Kahit gangster kamk di kami basta basta pumapatay ng walang dahilan. Alam namin kung ano ang halaga ng buhay.
Wala namang pakialam ang Admin kung may mamatay man o wala. Kaya talagang dapat handa ka sa mga pwedeng mangyari sa loob ng paaralan ito..
"Pero alam niyo ang nakakapagtaka eh kung saan nila dinala o inilagay yung mga namatay nung nakaraan." Biglang singit ni Tyler.
Natahimik naman kami dahil dun. Saan nga ba inilagay ang mga bangkay? Anong sikreto ba ang meron sa loob ng paaralang ito?
Natigil ang pag-iisip ko at kwentuhan nila ng biglang may pumasok dito sa Cafeteria.
Nag-ingay ang paligid dahil dumating ang Cold Bloody Warriors.na pinamumunuan ni Zeke Black. Ang anak ng admin ng paaralang Ito..
Pano at saan ako nakakuha ng impormasyon tungkol sakanila? Simple lang. Nagresearch at nagtanong tanong ako tungkol sa kanila..
Pero biglang natigil sa paghihiyawan ang mga tao ng biglang may bumungo kay Zeke na isang NERD?! o.O Siya lang ata ang nakita kong Nerd sa Universityng 'to ah.
"Patay kang bata ka"
"Sh*t!"
"Hala.Nabangga niya si Zeke"
"Kawawa naman siya"
Rinig kong bulungan ng mga tao sa paligid.
"WHAT THE FVCK?!" galit na sigaw ni Zeke at kinuwelyuhan yung nerd pero ganito lang ang itsura nung nerd oh -----> -_____- Walang pakealam sa kung ano man ang pwedeng mangyari sakanya..
Nakatingin lang kaming lima at inaabangan ang susunod na mangyayari..
Akmang susuntukin na ni Zeke yung nerd pero bigla itong natigil ng may ibinulong sakanya si Kane na kaibigan at kagang niya..
Bigla siyang napatingin sa direksyon namin at ganun din yung nerd..
"Pasalamat ka at di kita sinutok! Umalis ka nga diyan!" Sabi niya sabay tulak dun sa Nerd na naging dahilan ng pagkaupo nito sa sahig.
Agad namang tumayo yung nerd at inayos yung malaki niyang salamin at umalis na para bang walang nangyari..
Biglang nabalik any tingin ko kela Zeke na ngayon ay naglalakad papunta sa pwesto namin..
BINABASA MO ANG
Carmen University (COMPLETED)
Action"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." WARNING: Unedited. Maraming grammatical errors. Date Started: March 27, 2017 Story End: September 1, 2017