Chapter 30: The Truth (Part II)
Hindi parin umaalis si Admin sa pwesto niya,ganun rin kami.
Maya maya pa may lumapit kay Admin na isang tauhan niya.
"Boss,handa na daw po ang lahat. Kayo nalang po ang hinihintay." Sabi nito.
"Sige,susunod na ako." Sabi ni Admin doon sa tauhan niya at umalis naman na ito.
Ilang saglit pa ay umalis narin si Admin at lumabas narin kami sa pinagtataguan namin.
Tahimik parin silang apat,ganun rin ako.
"Tara. Doon naman tayo sa Bldg. E pupunta." Sabi ko sakanila.
"Bldg. E? Hindi ba't bakanteng kwarto yun?" sabi ni Maxima. "Ano naman ang gagawin nila doon?" Dagdag pa niya.
"Doon nila ginagawa ang page-experimento. Kung saan kahit bangkay ng tao ay pinage-experimentuhan nila." Paliwanag ko sakanila.
"Kung ganun,yung mga namamatay or napapatay na studyante sa paaralang ito ay ginagamit rin nila?" Gulat na may halong pagtatakang tanong ni Tyler.
Tumango naman ako bilang tugon.
"Tara,at baka mahuli tayo." Sabi ko at agad kaming pumunta sa Bldg. E na tahimik at walang ginagawang ingay.
Zeke's POV
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Galit dahil sa daddy ko,lungkot dahil sa nangyari sa kapatid at mommy ko at pagsisisi dahil akala ko nagbago na talaga ang daddy ako pero nagkamali ako dahil mula noon hanggang ngayon,walang pinagkaiba.
Ano nga bang nangyari sa kapatid at mommy ko?
*Flashback*
5 years ago
13 years old na ako nun at 1at year high school. Palagi kong kasama si Kuya Zajan sa pagpasok dahil pareho naman kaming school na pinapasukan.
Nasa bahay kami nung time na yun,birthday kasi ni Kuya.
"Kuya! Si Mommy?" Tanong ko sakanya.
"Nasa taas,nag-aayos pa eh." Sabi niya. "Pero hayaan mo,pababa narin yun." Dagdag pa niya.
Naghintay pa kami ni kuya ng ilang minuto sa sala ng biglang may dumating na mga lalaki na may mga armas.
"NASAN ANG AMA NIYO?!" Tanong nung parang leader nila.
Hindi kami nakasagot ni kuya at sakto namang bumaba si Mommy.
"Jusko! Sino kayo?! Wag niyong sasaktan amg mga anak ko!" Sigaw ni Mommy at dali-daling lumapit saamin.
Pare-pareho na kaming tatlo na umiiyak nung mga oras na yun. Takot na takot ang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. At wala ang Daddy para iligtas kami.
"NASAN ANG ASAWA MO?!" Tanong nung armadong lalaki kay Mommy!
"W-wala. Wala dito ang asawa ko. K-kaya please lang,u-umalis na kayo!" Umiiyak na paki-usap ni Mommy sakanila.
Hindi naman na sumagot ang lalaki,bagkus isa-isa kaming kinuha ng mga tauhan niya at isinakay sa van. Wala kaming laban sakanila.
'Daddy,help us'
Tahimik akong dumarasal na sana ay may tumulong saamin. Na sana makaalis kami sa kamay ng mga ito.
Umiiyam sa tabi ko si Kuya at Mommy,wala ring magawa. Hindi naman kami makapag-salita dahil niligyan nila ng tape ang mga bibig namin.
BINABASA MO ANG
Carmen University (COMPLETED)
Action"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." WARNING: Unedited. Maraming grammatical errors. Date Started: March 27, 2017 Story End: September 1, 2017